Chapter 2: The Looking Glass

1.8K 64 6
                                        

Axelle’s POV:

Nang makarating kami sa mansion ay sinalubong agad ako ng mga katulong para magbaba ng mga bagahe ko, pero di ko na muna sa kanila iyon pinagalaw.

“Ipaghahanda ko nalang po kayo ng makakain, mam.” paalam ng isang katulong sabay umalis kasunod ng lima pa.

“Anong plano mo ngayon?” tanong sakin ni Rich na naka sunod habang papasok ako sa loob.

“Aalis tayo bukas ng madaling araw papunta sa airport.”

“Airport? Saan tayo pupunta?”

“Sa Japan. Don naghihintay sakin sina Chelsie, at meron ding event na magaganap.” huminto ako bago pumasok sa isang corridor. “Gawin mo muna ang gusto mong gawin, ipapatawag nalang kita ulit kapag may kailangan ako.” sabi ko sabay tumuloy sa paglalakad.

As usual, tahimik ang mansion kapag wala si Chelsie na mando ng mando, I guess isa ‘yon sa ugali nyang hindi parin nagbabago. Maaliwalas pakinggan ang katahimikan dito ngayon… pero dati ay di ako makatagal sa quiet atmosphere katulad nito. Siguro nga nasasanay na rin ako sa ingay ng mundo sa labas ng mga pader na ito, kaya nakakamiss. Huminto ako sa tapat ng isang pamilyar na double door at tinulak ito pabukas.

Namiss ko rin itong kwartong ito. My Training room…

Kung anong salansan at pagkaka-ayos nung iniwan ko ay ganon pa rin hanggang ngayon. Pinakabilin-bilinan ko kasing walang sino man ang pwedeng gumalaw o pumasok dito nang wala ako, kaya din siguro maalikabok na yung ibang mga weapons ko.

Naaglakad ako papunta sa isang shelf na kung saan ay may mga naka patong na iba’t ibang klase ng cross bows.

Flashback…

Kinuha ko yung cross bow at habang busy siya sa pag tingin sa paligid, I shoot an arrow.

*shoot!*

"What was that for?!"

"Did I fail to mention, tuwing may praktis ako kailangan mong maging human target?"

"You did. Kaya pala walang tumatagal sa iyo."

"Hindi ka rin naman tatagal pustaan pa." sagot ko pa sabay aim ulit.

*shoot!*

"Hey! Hindi ka ba titigil?!–"

*shoot!*

"Kahit anong gawin mo, hindi ako aalis!"

*shoot!*

"Hindi mo ako mapapa-alis."

*shoot!*

"Will you please stop shooting me while I'm talking?!"

*shoot!*

"Hey!"

Ramdam ko inis na siya.

I put my cross bow down and smirked.

"We'll see about that." I said then walked away putting the bow back to the table. "Clean all of my weapons here, ayokong maka kita ng kahit isang alikabok at kalawang sa bawat isa. Good luck Color Gray!"

"Sabi na nga hindi Gray!–"

End of Flashback!

That idiot.

Bakit ko naman sya biglang naalala?

“Argh! Axelle! Get a grip of your self! That was past.” paalala ko sa sarili ko.

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon