Chapter 27: Emerald Ox

707 30 1
                                        

Third Person’s POV

Flashback…

Halos matulala ang lahat ng manonood sa pinakitang galing at bilis ni Axelle sa pagsalag ng mga laser beams ni  Lyn sa kanilang labanan. They surely didn’t expect that from a trainee, especially her against a Spirit Knight? Sino ba nga namang di hahanga?

Maging ang mga nakakataas na school officials na nanonood sa kanilang labanan ay hindi maiwasang mamangha sa kaniyang pinakita. Also, yung kapwa SK members din na nanonood ng laban ay medyo nanahimik at may ilang napanganga pa.

“She’ll surely win.” sabi ni Ella.

“She got the guts you know… Sa wakas ay mababawasan na rin ng isang maldita ang SK.” dugsong pa ni Tory nakatabi ni Denver, which is, katabi nya from her left at si Grei naman sa kanan na katabi sa kabilang banda si Ivan na, as usual, seryoso.

“This is UNBELEIVABLE!!!” sigaw nung maingay na announcer na napatayo pa sa kinauupuan nito sa isang banda. Ginawa nanaman kasi ni Axelle ang kaniyang deflection strategy kanina at ‘yon ang naging dahilan kung bakit napatumba nya si Lyn.

Nahihirapan na ito ngayong tumayo sa sarili nyang mga paa, at halatang hindi na nya kaya pang makipaglaban, ‘cos of the taste of her own attacks hit her with a bullseye.

Hindi man nya nais ay binuksan ni Ella ang kaniyang telepathic mind at sinubukang sumilip sa isip ni Lyn, mukha kasing may iba syang pakiramdam sa matatalim na tingin nito kay Axelle at bilang long distance test lang din kung makakaya na nyang maabot. Kahit na medyo may kalayuan ay nagawa niyang mapasok ang isip nito at sa isang iglap lang naalarma agad sya sa kaniyang nabasa at napatayo sa kaniyang kina-uupuan na may halong pagkagulat.

“We have a winner ladies and gentlemen!!!” sabi ulit nung announcer.

“El? Ayos ka lang?” tanong ni Denver sa kaniya sabay hinawakan nito ang kamay ni Ella. Tumingin din sa kaniya ang kaniyang mga kasama na may halong pagtataka.

“Lyn will kill her!” medyo nagpa-panic nyang sabi. Napabalikwas ulit sila ng tingin sa may battle area.

“And a new member of the Spirit Knights!-” sabi nung announcer, pero di sya natapos sa pagsasalita nang magpalipad si Lyn ng mga bakal na sandata sa direksyon ni Axelle.

“MAMATAY KA!!!” galit nitong sigaw sa kaniya.

Halos tumigil ata ang oras sa bilis ng pangyayari, may ilang napatayo, napakurap at ilang napanganga. Magteteleport na sana si Jessica papunta sa kinaroroonan ni Axelle nang maunahan sya ni Grei. Syempre Jiena tried to stop him pero huli na ang lahat at nakapagteleport na sya papunta sa may battle area.

In just a glimpse faster than a heartbeat, nagawang maialis ni Grei si Axelle sa target zone nung mga metallic weapons.

Habang hawak sya nito ng mahigpit sa kaniyang mmga bisig ay nakita niyang minulat nito ang kaniyang mga mata. Brown to Blueish-gray… “It’s OK. Your safe now.” bulong niya dito bago ulit ito mawalan ng malay. Mukhang nasa state of shock si Axelle at kung makikita lang up close ang katawan nya ay puno ito ng gasgas, galos, mga hiwa at kung ano pang mga sugat na natamo nya sa labanan nila.

End of Flashback

Her physical state seemed to be torturing his sight. Ayaw niyang makitang ganito ang kalagayan ni Axelle, puro sugat, pero bakit?

“Allow us to take her to the infirmary…” singit ng lumapit sa kaniyang isang lalaking mukhang nerd na myembro ng Medical Department, at incharge sa mga ganitong klase ng kaso at nagsisilbing medical team ng school during a battle sa loob ng arena, o maging sa labas ng paaralan kung kinakailangan.

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon