Third Person’s POV:
Kinabukasan nang tumila ang ulan ay nagpatuloy sila sa paglalakad. They hope to find the portal soon before the enemy finds them. Maayos na ring nakakapaglakad si Axelle sa sarili nyang mga paa, pero hindi nya maiwasang makaramdam ng kakaiba tungkol sa panibagong dimensyong ginagalawan nila.
Medyo mamasa-masa ang paligid at malamig ang simoy ng hanging sumalubong sa kanila nang marating nila ang paanan ng isang matarik na bangin paakyat sa kabilang dako ng kagubatan.
“We’ll use my portal.” Presenta ni Ivan.
“I’ll teleport.” Kaagad namang sagot ni Grei.
“No. Wait…”awat sa kanila ni Jiena.
“Bakit?” tanong ni Ethan.
“Habang abala ako sa meditation ko kagabi may napansin akong kakaiba sa daloy ng kapangyarihan ko.” Panimula nito. Nanatiling tahimik ang iba at nakikinig sa sinasabi nya. “Hindi ko mabalanse ng ayos ang kapangyarihan ko.”
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Grei.
“When ever I opened up my powers may nararamdaman akong humihila dito-”
“Baka dahil sa kalaban natin dito na sin.” Sabi ni Axelle. Di sya nilingon ni Jiena.
“No. I don’t think so. Minsan may nabasa akong libro sa old library sa royal palace nung bumisita kami ng pamilya ko don. Meron dong konting detalye tungkol sa Illusionary World, na nagsasabing… ‘The world deceives those who stay, for the world eats silently.’ Naniniwala akong hindi kagagawan ng sin ang naramdaman ko kagabi. Maaaring di man natin alam, kinakain na tayo ng mundong ito.”
“That’s imposible. Pano nabuhay dito ng matagal ang mga sins kung ganon na nga?” tanong ni Grei
“The sins are powerful demons locked and contained in this world. Maaaring hindi pa nauubos hanggang ngayon ang mga lakas nila kaya’t nabubuhay pa rin sila dito.” Sagot ni Ethan. “Kung ako sa inyo, base sa misyon kong ginawa sa Impyerno, hindi lang pabasta-basta ang mga dimonyo, at maslalong hindi sila mahihinang nilalang.”
“Ang ibig bang sabihin non, sobrang makapangyarihan talaga ng mga sins na nakakulong dito?” pagliliwanag ni Axelle. Tumango naman si Ethan.
Huminga ng malalim si Ivan bago magmungkahi. “Kung ganon din lang, mabuting pang magsimula na tayong umakyat.” Sabay turo nya sa cliff.
Samantala…
ZYTERIA’S ROYAL PALACE
Maghapong nagkukulong ang hari sa kaniyang study dahil sa isang report na iniulat sa kaniya kamakailan lang ng isa sa kaniyang tauhang pinadala nya upang pumalit kay Ethan sa pagiging espiya nila sa Underworld (Hell). Ramdam niyang patuloy pa ring gumagalaw ang kanilang mga kalaban ngunit ang mahirap mahulaan ay ang plano ni Satan.
Nakapatong sa kaniyang mesa ang isang tumpok ng papeles na may kaugnayan sa mga nahuli nilang mga demonyo na nahuling nanggugulo sa mga lupain sa hilaga na ngayon ay kasalukuyan namang pinaiimbestigahan nya.
Nakasaad sa mga papeles na nakapatong ay ang lahat ng kanilang nagging galaw at transaksyon bago sila mahuli. Minsan din ay pinuntahan niya ang araw ng interogasyon ng mga ito ng personal. Ngunit bigo silang makakuha ng impormasyon mula dito.
Sa kaniyang pansariling imbestigasyon, meron syang naiisip na posibleng motibo ng mga demonyo sa pagpuslit sa Zyteria.
May hinahanap sila.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Misterio / Suspenso"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)