Chapter 42: Twilight

643 33 4
                                        

Jiena's POV:

Pagkatapos kong magpahatid kay Grei papunta sa unang classroom ko, pinili kong tahimik na maupo sa unang helera ng upuan. Alam kong basa ng mga naka paligid sakin na bad mood ako, kaya matik na na di dapat nila ako iniistorbo.

Sino ba namang hindi maba-bad mood? Kahit na di ako maka access sa kung anong tumatakbo sa loob ng isip ni Grei kaya ko namang basahin ang kilos at galaw nya. And he's lying nung sinabi nyang fan lang nya yung kausap nya kanina.

Tsk! Sinong maloloko nya? Kaya pala biglang nagbago ang mood nya ha... daig pang naka energizer.

At alam ko din kung sino yung ahas na 'yon. Tss! Sino pa nga ba?

Hindi ako nagaksaya ng dalawang taon para lang sa wala!

Saktong pagpaling ng mata ko sa may entance ay sakto ding pagpasok ni Lyn. May naalala din ako and it's time for me to act.

'Pst, hey Lyn.' Pagtawag ko sa kaniya telepathically. Sa una ay lumingon-lingon pa sya pero nang magtagpo ang paningin namin ay naglakad sya palapit sa kinauupuan ko.

"Anong kelangan mo sakin Jiena?" Tanong niya.

I will use all my connections to get what I want. 'Gusto mo bang makabalik sa pagiging SK?'

Third Person's POV:

Hindi pa man opisyal na nagsisimula ang unang klase sa araw na iyon, ay isang announcement na ang nai-broadcast para sa mga SK Members.

[ ATTENTION ALL SPIRIT KNIGHTS! PLEASE PROCEED TO FLOOR 18, ROOM AC-TC, TRAINING COURT! ]

[ AGAIN, ATTENTION ALL SPIRIT KNIGHTS! PLEASE PROCEED TO FLOOR 18, ROOM AC-TC, TRAINING COURT! ]

Napahinto sa paglalakad sina Jessica, Tory at Ella matapos mapakinggan ang announcement. Papunta na sana sila sa kani-kanilang mga classrooms. "Training Court? Ano kayang meron?" Tanong ni Tory.

"Walang nabanggit na announcement kanina sakin si Ivan." Sabi ni Ella.

"Tara guys, tingnan nalang natin." Sabi ni Jess.

Samantala. Nagsimula na ring magsipuntahan ang ibang SK sa nasabing palapag. Kasalukuyan namang papunta don si Axelle ng mag-isa... di nya kasi mahanap si KC.

Habang naglalakad sa hallway papunta sa 'portalvator' ay di nya sinasadyang makasalubong ang isang napaka pamilyar na lalaki.

"Ethan?... Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

Nang magtagpo ang paningin nila ni Ethan, tsaka lang sya nakasagot habang inaalala kung saan nya nakita si Axelle.

"Ikaw yung babaeng inatake ng demon di ba?" Puna nya habang papalapit sa kinatatayuan ni Axelle.

"Ah... yeah. Nakalimutan ko palang magpakilala. Ako nga pala si Axelle." Sabay nagkamayan sila.

"Please to meet you."

"Ano nga palang ginagawa mo dito? Akala ko di ka dito nag-aaral?"

"May hinahanap kasi akong tao, at sabi ng mga napagtanungan ko dito daw sya namamalagi."

"Sino?"

"Si Mr. Daniel."

"Mr. Daniel?... nagtuturo sya ng isa sa Advance Class dito. Ang alam kong office nya ay nasa ika-17th Floor nitong building."

Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay di namalayan ni Axelle na papalapit na sa kanila sina Ella.

"Mornin' Axelle!"

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon