Third Person’s POV:
Wala na silang sinayang na panahon at kaagad na naglakbay sa gitna ng disyerto papunta sa kinaroroonan nung nasabing kweba. Sa gitna ng matinding sikat ng araw at nagbabagang buhangin buhat-buhat ni Arden si Oth sa kaniyang likuran habang si Axelle at Jess naman ay nag-volunteer na payungan sila gamit ang mga naglalakihang dahon na pinitas nila kanina sa may Oasis. At least kahit papano ay may naitulong sila. Si Ivan naman ay tahimik na nangunguna sa paglalakad.
Kahit na sanay sa init ang katawan ni Ivan dahil sa kapangyarihan nya ay tila may ibang epekto sa kaniya ang sikat ng araw sa illusion world. Medyo nakakaramdam na sya ng hapdi sa kaniyang balat kahit na ang suot nyang pang-itaas ay natatabunan ang kaniyang buong braso.
Napansin ni Axelle ang kanyang hindi pagkakomportable sa init, kaya naman ay nag-paalam sya kina Jess na uuna lang saglit. Noong una ay nagtaka pa si Jess at Arden, pero tumango nalang sila.
Mabilis na nilapitan ni Axelle si Ivan at saka pinayungan gamit ang malaking dahon na napitas nya. Nabigla ng konti si Ivan dahil sa pagsulpot nya sa tabi nito pero hinayaan nalang nya kung ano man ang ginagawa ni Axelle at tahimik na naglakad.
“Um… hindi ka ba naiinitan kanina?” tanong sa kaniya ni Axelle.
“Konti.” Sagot naman ni Ivan. “Kahit na fire weilder ako nakakaramdam din ako ng init.”
“Ahhh…” pagkatapos non ay nag-isip ulit si Axelle ng pwede nilang pag-usapan at hindi sinasadyang lumabas sa bibig nya ang tanong na gusto nyang itanong kay Ivan. “Magkapatid pala kayo ni Grei?”
Medyo natagalan ng konti bago nakasagot si Ivan. “Oo.”
“Um… hindi lang naman dahil sa namemersonal ako, pero gusto kong malaman kung bakit mainit ang dugo nyo sa isa’t isa?”
Matagal bago makasagot muli si Ivan. “Because he’s childish. Kahit na seryosong usapan ginagawa nyang kalokohan, at isa pa’y dahil siguro hindi nya matanggap na pinakasalan ng mama nya ang papa ko. Hindi sila magkasundo.” Sagot nito, ngunit walang emosyon sa mukha.
“Ah… ano namang masama kung childish? Baka… gusto lang nyang pagaanin ang problema?”
“It’s not that simple, Axelle. In the near future he will rule over Filadelfia, at ang mga problemang makakaharap nya sa mga taon ng kaniyang pamumuno ay hindi lang basta-basta mapapagaan ng simpleng jokes. Life is not a joke. Kung hindi sya madidisiplina he will have a high chance of making wrong decisions in the future. He must learn to take life seriously, if he and his nation wants to survive.”
“Ah…” napaisip si Axelle at nanahimik. “Maybe, he like to deal things in his own way. He may be cheerful and annoying most of the time, pero alam kong maaasahan din sya, that’s why you continued to look out for him and discipline him kahit na hindi ka nya pinapakinggan, you have faith in him. Hindi naman kasi sa lahat ng oras kelangang problemahin mo yung problema, sometimes hayaan mo namang yung problema ang mamroblema sayo. Strange… kung sino pa’ng nakakabata sya pa’ng dumidisiplina sa nakakatanda. I think you’re a good brother Ivan.”
Axelle’s POV:
Gray head may act more immature than mature pero hindi ibigsabihin non ay hindi nya kayang magseryoso, di ba? Meron lang sigurong dahilan kung bakit sya ganon umasta, most of the time, pero naniniwala naman akong kaya nyang magseryoso. Kahit na saglit lang, I saw how he’s like when he’s serious. Napakamapanganib at delikado, yun nga lang medyo harsh at 50/50 kung magdesisyon, pero with some help from his friends o kung meron man syang tinatawag na taga-payo kapagka namumuno na sya, I believe that he can be the best leader. But aside from that, he needs to learn how to forsee the cost of his decision bago nya ito isakatuparan. Think before you consider, ika nga…
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)