Third Person's POV:
Nagpatuloy sa pagpasok sa masukal na kagubatan si Axelle. Tahimik at halos walang kaingay-ingay ang paligid. Tanging kaluskos lang ng mga dahong natatapakan nya ang maririnig. Hinigpitan niya ang kapit sa kaniyang dalang backpack para kahit papano ay mabawasan ang kaniyang kaba. Maaari ngang medyo nagdadalawang isip syang tumuloy pa sa hindi maipaliwanag na kabang nadarama nya, pero wala nang silbi pa ang bumalik. Nasa loob na sya, at kailangan nyang harapin kung sino man yung kumakausap sa kaniya kanina.
Alam niyang hindi ito isang ordinaryong tao kundi isang unearthly being. Pero kahit na ganon, ano pa nga bang bago? Lagi-lagi na ata siyang nakakasalamuha ng mga out of this world na mga nabubuhay na nilalang.
Sa may di kalayuan ay may nakita siyang makulay na tent. Nilapitan niya ito at nang konti nalang ang distansya ay napagtanto niyang parang wala nang tao don, at mukhang abandonado na rin.
"Mga tao talaga, hindi marunongmag-imis ng gamit." bulong niya sa hangin.
Sa isang iglap ay may nakita siyang gumalaw sa may bandang kanan nya, kasabay ng tunog ng mga tuyong dahong natatapakan.
Hindi na sya umimik at mabilis na sinundan ang mga tunog na naririnig. Takbo dito, liko doon... Hindi pa rin nya maabutan kung sino man ang mukhang kanina pa sa kaniyang nagmamanman.
"Why are you running?! Show yourself!" sigaw niya habang palingon-lingon sa paligid at matalas na pinapakinggan ang kahit anong sagot. Pero walang sumasagot. "Are you going to show yourself or not?!" pag-ulit niya.
'You're going to die here.'
Napatalikod siya sa boses na narinig. Malapit sa isang malaking puno ay may isang batang babaeng Japanese ang nakatayo at naka tingin lang sa kaniya.
"You-?Who are you? Can you understand engish?" tanong niya. Pero tanging nakatingin lang sa kaniya yung bata. "You're not a living person... aren't you?"
'You're going to die here. Get out before he finds you.' sagot nung bata.
"Who are you? Did you die here? Do you know him?" tanong ni Axelle.
'Get out of this forest immediately.' huling sabi nung bata bago tuluyan itong naglaho sa ere.
"Wait!" sinubukan pang habulin ni Axelle yung batang babae, pero tuluyan na itong naglaho sa paningin nya. Nang makalapit siya sa malaking puno na pinupwestuhan nung bata kanina ay may nakita siyang isang lumang manika sa may ugat ng puno. Sa sobrang tagal na siguro non don ay natatabunan na ng mga tuyong dahon ang kalahati ng katawan nito.
Napag-isip-isip ni Axelle na maaaring gusto lang siyang tulungan nung bata, at sa kabilang banda rin, hindi din naman sumipot o nagpakita sa kaniya ang kaniyang pakay na kitain sa loob ng gubat. Napatingala siya sa kalangitang medyo natatakluban ng mga dahon ng matataas na puno. Makulimlim pa rin ang langit, at mukhang uulan pa maya-maya lang.
Sa huli ay napagdesisyonan nyang lumabas nalang ng kagubatan kung di rin lang sa kaniya magpapakita ang kaniyang hinahanap. Pero nakaramdam sya ng biglaang pagkahilo dahilan nang mapasandal siya sa punong malapit sa kaniya. Sinubukan niyang i-relax ang katawan, pero mukhang lumalala pa lalo, ilang saglit pa ay nagsimula na rin namang manikip ang kaniyang dibdib at napaluhod siya sa lupa sabay gamit ang natitirang lakas ay hinalwat niya ang kaniyang backpack para sa gamot na kailangan nya. At ilang saglit pa ay nakapa na rin niya ito sabay kinuha at madaling ininom.
Marahil biglang nagkaroon ng sagllit na pagtaas ng presence ng mga souls sa paligid, at mukhang sa aura ng gubat na kinalulugaran nya ay marahil na marami na din ang mga taong namatay dito. Maybe it was not only that child who died here. Kung sino man ang nagpapunta sa kaniya sa loob ng kagutatang 'to ay siguradong alam ang kahinaan nya.
Mabilis niyang dinampot ulit ang bag nya at madaling tumakbo palabas ng gubat, sa direksyong alam niyang dinaanan nya kanina.
'Leaving so soon?'
Nagbalik nanaman muli yung boses na kanina ay tumatawag sa kaniya papasok. Napahinto siya at nagmasid sa paligid.
"Who are you?! Show yourself!" utos ni Axelle.
'Oh...? Feisty, gusto ko ang tapang mo, at di mo na rin kailangang magsalita ng ingles.' tugon nung boses na mukhang nakapalibot sa kaniya.
"Tss. Sino ka at anong kailangan mo sakin?!" medyo naiinis niyang tanong.
'Gusto mong malaman?'
*silence...*
'Well... If you want to know, you need to die first.' sagot nung boses sabay sa isang tabi ay may napakinggan nanamang isang kaluskos si Axelle sabay mahinang growl. Ilang saglit pa ay tatlong lobong itim na may matatalas na pangil ang lumabas mula sa likod ng dalawang malalaking puno. Ang mga mababangis nitong mga titig ay tanging sa kaniya lang naka pokus na para bang hapunan sya para sa kanila.
Wala na siyang inaksayang panahon at mabilis na tumakbo palayo sa mga mababangis na hayop na gusto syang kainin. Sa katunayan ay hindi na nga nya malaman kung alin ba ang tunay na dinaanan nya kanina, dahil mukhang pare-pareho lang ang itsura ng paligid nya. Pero kailangang di sya maabutan ng mga lobo.
Lumiko siya sa isang banda at nagpatuloy sa pagtakbo, pero mukhang malayo-layo na rin ang kaniyang nararating pero di nya pa rin makita ang labas ng gubat.
"This is heck!" naiinis na bulong niya sa hangin habang medyo humahangos na sa bilis ng kaniyang pagtakbo.
Lumiko ulit siya sa isang banda, huminto at naghanap ng matataguan. May nakita siyang isang katawan ng malaking punong natumba at sa may parteng ugat nito na nabuwal ay pwede syang pansamantalang magtago. Habang wala pang sign ng mga wolves sa paligid ay kinuha niya sa kaniyang bulsa ang kaniyang cellphone, pero nang buksan niya ito ay nakita niyang walang signal.
"Damn this!" inis na bulong niya, sabay nag-isip ng ibang paraan kung pano makakahingi ng tulong.
Ilang minuto pa ay may napakinggan nanaman siyang sunod-sunod na mga howls sabay mga kahol at malalakas na kaluskos ng dahon. Mukhang ang mga ingay na iyon ay palapit na rin ng palapit sa kaniyang kinaroroonan kaya mabilis niyang dinampot ang kaniyang bag sabay nagpatuloy sa pagtakbo. Hanggang sa may maisip siyang isang plano.
Naghanap siya ng puno na pwede niyang ayatan at sa isanng banda ay may nakita siya. Sakto din namang namataan siya nung tatlong lobong humahabol sa kaniya. Madali siyang lumapit don sa puno sabay nagsimulang umakyat hanggang sa kung saan man sya makaabot.
Muntkan pa siyang mahulog muli nang may makawakan siyang isang malambot na sanga. Buti nalang naging maswerte syang hindi pa panghapunan ng mga lobo.
Nang makataas siya sa pag-akyat ay tumungo siya sa ibaba habang ang mga galit na lobo ay naka-abang pa rin sa kaniya na may matatalas na tingin. Kahit papano ay nakahinga siya ng maluwag.
*Crack!*
"Ano yun?!"
*Crack!*
Sinubukan niyang hanapin ang pinagmumulan ng tunog, pero nang galawin niya ang kaniyang kaliwang paa sa kinatatayuan nito ay bigla nalang nabali yung sanga at nahulog siya pababa ng puno sabay malakas na bumagsak sa lupa. Nanlabo ang kaniyang paningin, na para bang inaantok at mabilis na nanghina. Marahil ay pagpipyestahan na sya ng mga lobong humahabol sa kaniya, pero imbis na mga lobo. Isang hugis tao na nakasuot ng itim ang kaniyang naaninag. Nakatungo ito at mistulang pinagmamasdan sya, pero di nya makuha-kuha ang itsura nito.
"Sino ka?" nanghihina niyang tanong sa nilalang na iyon.
'Ako... ang sundo mo Axelle.' sagot nito sabay nawalan na sya ng malay.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)