AN: Important note at the end...
Third Person’s POV:
Mistulang napabalikwas sa kaniyang muling pagmulat si Grei habang nakasapo sa kaniyang dibdib ang isang kamay at ang isa naman ay nasa kanyang sintido.
Diniretso nya ang kaniyang tingin papunta sa kabilang banda ng hallway, kung saan ay nakatayo ulit don yung liyon at nakatingin sa kaniya. Seconds later she transformed into a person at sa kaniyang kamay ay may lumulutang na isang silver cross.
Wala pa ring imik si Grei habang pinapanood nyang pinalulutang ni Madam Griese palapit sa kaniya yung silver cross. Nagkaron ito ng maliliit na kadenang tali at nagmukha itong kwintas. Medyo kahawig ito nung kwintas nyang nasira.
“Ano ‘to?” tanong nya nang huminto ito sa harapan nya ngunit hinayaan lang nyang lumulutang sa ere.
“Gamit ang kwintas na ‘yan, malaya mong magagamit ang kapangyarihan mo at mababalanse ito sa mundong ito at maging sa mundo nyo.”
Kinuha nya yung kwintas at tiningnan ito. Medyo kahawig nga nung Cross Necklace nya dati, ngunit ang kaibahan lang ay imbis na kulay asul, ay kulay ruby red yung dyamanteng nasa gitna. Bukod don, wala naman syang napansing kakaiba.
“Ano yung mga nakita ko?” bulong nya, he’s pertaining to the memories that he saw a while ago.
“Parte ng iyong ala-ala.”
“Imposible. Wala akong natatandaang ganon ang nangyari nong pumunta kami sa mundo ng mga mortal dalawang taon na ang nakakalipas. From what I can recall, hindi naman ganon yung mga nangyari. It’s… IMPOSSIBLE.”
“Iho, katulad nga ng sinabi ko sayo nong una, kung ano man ang makita mo ikaw lang din ang makakapagpatunay kung ito ba ay totoo… o imahinasyon lang ng utak mo.”
“Pero bakit mo sakin ‘yon pinakita? Tapos ngayon sasabihin mong imahinasyon ko lang ang lahat ng ‘yon.”
Nagsimulang maglakad palayo sa kaniya yung liyon.
“Teka! Hindi mo ba sasagutin yung tanong ko?” pahabol ni Grei. “Pano ko malalaman yung totoo?”
Huminto yung liyon sa kaniyang paglalakad at hinarap sya. “Nagawa ko na ang dapat kong gawin, ikaw naman. Pero tandaan mo, magic can make you think the impossible.” Pagkasabi nya non ay bigla nalang syang naglaho.
“Grei!” napalingon sya sa kabilang direksyon at nakita nyang palapit na si Jiena sa kinatatayunan nya. Isinilid nya sa bulsa nya yung necklace at hinarap ito. “Nakita kong wala ka pa don sa garden kaya pupuntahan sana kita sa office, pero mukhang di ka pa nakakapasok sa loob ah?” sabay huminto ito sa tapat nya.
“Jiena, sabihin mo nga sakin… pano natin nalagpasan yung pang-anim na sin sa mundo ng illusion?” tanong nito sa kaniya.
Nag-isip si Jiena. “Mahalaga pa bang malaman mo ‘yon? Why don’t you just forget the past. Andito na tayo sa hinaharap at…” sabay kalawit ng braso nito sa braso nya. “… days from now, ikakasal na tayo.” Sabi pa nito.
Nang isandal ni Jiena ang ulo nya sa dibdib ni Grei ay may napansin itong kakaibang marka sa may bandang batok nito. Kasing laki ito ng isang barya at may tribal na ‘G’ ang nakasulat sa gitna. Sa isang kisap-mata nya ay mistulang umilaw ito ng pula at may lumabas na usok. He tensed.
Walang pasabi nyang hinila ang kamay ni Jiena at sabay silang tumakbo pababa ng academy.
“Teka Raze! San tayo pupunta? Ba’t ka nagmamadali?”
“We need to get out of here.”
“Ha? Bakit? A-anong meron?”
Huminto si Grei at hinarap ulit si Jiena. “Jiena, pano tayo nakalagpas sa pang anim na sin sa mundo ng illusion?” kumunot ulit ang nuo ni Jiena habang naka tingin sa kaniya. “Anong huli mong natatandaan sa world of illusion?” Nanatiling naka tingin lang sa kaniya si Jiena. “Jiena naman! Magsalita ka.”
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...