Chapter 72: Demon in the Stone

541 38 15
                                        

AN:

Hello guys! I hope you’re doing well at sana’y healthy and safe kayo. I just want to start this chapter sa isang short message nang PASASALAMAT sa ating mga front liners ngayon. Kung meron man kayong kilalang front liners, let’s spread the love, ipakita natin at iparamdam sa kanila ang ating pagmamahal, paggalang at pagsaludo sa kanilang tungkuling ginagampanan ngayong panahon ng pandemic kahit na malayo o hindi natin sila malapitan. I know it’s hard to obey the rules that the government are implementing right now dahil na rin sa kailangan nating kumain, maghanapbuhay, etc. but I just want to say that we’re all in this together, wala ni isa sa bansa ang hindi apektado o pwedeng maapektuhan ng sakit. Those fron liners were just doing their jobs kahit na pagmumurahin o batikusin man sila ng ilan, and I really can’t blame them though, they have their own family to feed, PERO GANON DIN ANG MGA FRONT LINERS NA NAGSISILBI SA ATING BAYAN, meron din silang kailangang tiisin at isakripisyo para maprotektahan ang bansa, ang mamamayan at ang sarili nilang pamilya. I want to share this thought kasi ang dad ko’y isang sundalo, and I salute him along with the other front liners today kasama na ‘yong mga taos-pusong tumutulong ngayon sa kapwa nila. Sana’y ganon din po sa inyo.

And that ends my drama for today… you may continue…



Axelle’s POV:

Gusto ko pang matulog, pero may biglang umuga sa katawan ko, sinabayan pa nya ito ng pagsigaw.

“Gising na priiinnncceesss….! Wake up!” Boses ni Jessica yon ah…

Argh! Gusto ko pang matulog… Ngayon pa lang nga ako makakakuha ng disenteng tulog tapos gigisingin naman nya ako ng napaka-aga. I stir. Tinalikuran ko sya at humarap ako sa kabilang banda.

“Princeeessss!!! Gising na pooo!!!”

“Five more minutes, please…” inaantok kong sambit.

“Anong five more minutes? Baka maiwan ka na namin dy-”

“Gising na ba sya.” Pagputol ng isang boses. Kay Ivan ‘yon ah? Bakit an gaga-aga ang ingay-ingay nila.

Tinalukbong ko saking mukha yung kung anong malambot na bagay ang kumukumot sakin para kahit papano hindi matukso ng liwanag ang mga mata kong magmulat.

“Playing hard to wake. Ikaw nang bahala sa kaniya. Tutulungan ko muna si Arden.” Paalam ni Jess at may narinig akong mga yabag paalis.

“Hindi ka pa ba gigising?” tanong ni Ivan.

“Four minutes.” Mahinang sabi ko sabay inayos ng pagkakakapit yung kung anong nakatabon sakin baka biglang umusos. Ewan pero komportable akong ikumot ‘tong bagay na ‘to eh. Hindi ako nilamig buong magdamag, daig pa yung comforter kong binabaon tuwing camping.

Naramdaman ko ang mga yabag nyang pumunta at lumapit sa gilid ko. Argh! Kelan ba nila ako titigi-

“Woah!...”

Third Person’s POV:

Biglang napabalikwas patagilid si Axelle dahil sa pwersa ng paghila ni Ivan sa coat nyang naka kumot sa kaniya at hawak din nya.  At dahil nga naka level lang upo ni Ivan mula sa kinahihigaan nya bago nya hinila yung coat nya ay hindi rin nito inaasahan ang mangyayari sa kanila.

Dahil sa pwersa ay nadala nito si Axelle na ngayon ay gising na gising na at pumaibabaw sa kaniya. Ivan was in between her arms habang bakas ang parehong pagkagulat sa mga mukha nila.

None of them spoke at the moment, hanggang si Axelle na mismo ang naunang bumasag ng awkward atmosphere nung matauhan sya.

“A-Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon