"Why do I feel like I've known you?" - Grei
"Tss! Rubbish." - Axelle
"Pero ngayon lang kita nakita." - Grei
A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever?
Welcome to...
Masaya at nag-uunahan pang pumasok sa silid na para sa mga Sapphire Dragon sina Jessica at Tory.
“Nauna ako!” masayang sambit ni Tory habang nakataas ang kamay sa ere.
“Psh! Pasalamat ka at hindi ko ginamit yung teleportation ko, kundi siguradong talo ka sakin.” hinihingal na sagot naman ni Jessica.
Nilibot nilang dalawa ang kanilang paningin sa palibot ng kwarto. Nasa-ayos ang pagkakaposisyon ng bawat gamit at furniture sa kanilang malawak na sala. May anim na pintuang gawa sa kahoy ang makikita sa kabilang banda. Bawat isa ay may kanya-kanyang kakaibang disenyong nakaukit. Sa kaliwa naman ay makikita ang isang double door na papunta naman sa dining area at kusina nila, at sa kanang double door naman ay ang library at meeting room nila.
Bumukas ang isang pinto sa kabilang banda ng sala at lumabas si Denver na nag-aayos pa ng kaniyang uniform. Bukod tangi sa ibang estudyante ang itsura ng mga uniform ng Spirit Knights. It was in a combination of white and gold.
(AN: I drew the sample of uniforms of Class A -Spirit Knights down below… Pasyensya na sa poor artistic quality hehehe😁… Tinamad din akong magkulay, so yung may mga shades ay gold.😊)
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
“May klase ka ngayong umaga Den?” tanong ni Tory habang papunta sa isang sofa at naupo. Nag-iimis naman ng mga naiwang libro si Jess sa center table sabay dumiretso sa may library nila sa kabilang kwarto.
“Wala man. Magre-reasearch lang ako para sa susunod na klase ko.” paalam niya.
“Sayo pala yung mga librong ‘yon noh.” sabi ni Jess na palabas na ng library.
“Ah, oo nga pala, nakalimutan kong imisin. Sorry ‘jani-Jess’.” (janitres) sabi ni Denver sabay nag-high fivesilang dalawa ni Tory na may malaking ngiti sa mga labi.
“Sige! Ganyan na kayo! Sa susunod hindi na ako maglilinis! Bahala kayo sa mga basura nyo!” singhal niya sa dalawa. “Nasan si Ella?”
“Nagluluto po!” sigaw na mula sa kusina.
“Yieee! Foods!” sabay na sigaw nung dalawang excited.
Ilang saglit pa ay lumabas na mula sa kusina si Ella. “Naka hayin na.” anunsyo niya at pandalas namang pumasok sa kusina si Tory, si Jess naman ay nag teleport papasok. “May klase ka?” tanong niya kay Denver na papalapit sa kaniya.
“Wala man, mamaya pang next period. Maga research lang ako.” sagot niya habang naka pamulsa.
“Mag-agahan ka muna.” alok ni Ella sa kaniya.
“Ah-”
“Ella ang Denver! Sitting in a tree!… K-I-S-S-I-!”
“Manahimik kayong dalawa dyan! Hindi ko kayo ipapagluto!” banta niya sa dalawang kaibigang naghahagikhikan sa harap ng hapag habang nakapanood sa kanilang dalawa na nasa pintuan.