In Hell…
Samantha’s POV:
“Ano nanaman at pinatawag mo uli ako?” naiirita kong tanong sa isang matipunong lalaking naka-upo ng komportable sa kaniyang upuan. Tsk! Ang lakas ng loob kung maka-mando sakin eh napag-atasan lang naman syang magbantay ni Satan habang wala ito.
May kung anong lakad kasing pinuntahan si Satan na konektado sa mga plano nya at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik. Kung kaya’t itong nagmamagaling nyang heneral na si Vlad ang naisipan nyang pag-iwanan ng tungkulin upang bantayan ang impyerno habang wala ito. Nakakainis din kasi!… ako yung kanang-kamay ng hari pero sa iba inutos ang pamamalakad dito sa kaharian, isa pa, ang daming utos nitong heneral na ito, nananamantala lang ata! Tsk! May kalalagyan ka pagdating ni Satan!
“Magdahan-dahan ka sa pananalita mo Lady Samantha…” mariing sabi niya.
Hindi maiwasang mag-init ang ulo ko sa kaniya. Estorbo!”Baka nakakalimutan mong ako ang kanang-kamay ng hari General Vlad.” Paalala ko sa kaniya.
“Baka din nakakalimutan mong sakin hinabilin ng hari ang buong control sa buong kaharian hanggang sa sya’y magbalik? Kaya kahit na kanang-kamay ka pa nya ay wala akong paki-alam.” Mayabang nitong sagot.
Pinag-apoy ko ang dalawang kamay ko at binigyan sya ng makapanindig balahibong tingin. “Sisiguraduhin kong maaalis ka sa pwesto mo pagbalik ng hari.” Banta ko sa kaniya.
“Gusto mo bang masigurong kakampihan ka ng hari?” tanong nito sakin sabay ngisi ng makahulugan.
Pinatay ko ang nakasinding apoy sa palad ko at pilit na kumalma. Kumpara kasi sa ibang mga magagaling na mandirigma dito sa impyerno, sya ang pinaka-mautak sa kanila. Hindi ko alam baka may magawa pa itong plano laban sakin para mapatalsik ako sa pwestong aking pinaghirapang akyatin. Isa pa, masmarami rin syang koneksyon kesa sakin, walang duda na. Tsk! Nakakainis!
“Ano bang kailangan mo?”
“Magpadala ka ng mensahe upang sabihan ang mga Demon Assassins na ihanda nila ang mga sandata nila at tumungo agad sila rito.”
“Bakit? para saan naman?... Baka kumikilos ka na taliwas sa utos sayo ni Satan.”
“Tsk. Ang dami mong angal, eh wala ka namang alam…” Humarap sya sa bukas na bintana sa may likuran nya. Mula don tanaw ang malawak at bagong training grounds ng mga sundalo ni Satan para sa kaniyang hukbo. “… utos at nakasama sa bilin sakin ng hari. Wala kang dapat malaman at ikabahala Samantha, nasa hari natin ang panig ko… Tinutupad ko lang ang mga bilin nya, kaya ‘hwag ka nang aangal-angal dyan na para bang bata, baka nakakalimutan mo… kung ipagkukumpara ang posisyon ko sa posisyon mo, magkapantay lang tayo, at kung nanaisin ko mang humigit sayo’y kaya kong gawin ‘yon, kahit noong una pa lang…”
Hindi ako nakapagsalita. May punto nga sya… Pero punong-puno na ‘ko sa kaniya. Minabuti ko nalang na lumisan sa silid na ‘yon at gawin ang inatas nanaman saking trabaho.
Uumakyat ako pabalik sa tore ko at kinuha mula sa hawla ang aking malaking alagang uwak. Agresibo ito, pagdating sa ibang hahawak sa kaniya maliban sakin. Pagkalabas ng kulungan ay saglit itong lumipad sa ere sabay humapon sa balikat ko.
Naglakad naman ako papunta sa balkonahe. Pinagmasdan ko ang mga sundalong demonyo na nagsasanay para sa nalalapit na gera. Kitang-kita ko dito at damang-dama ang maiitim na aura nila na sa bawat oras ay lumalakas. Wala man akong masyadong alam sa mga binabalak ni Satan, pero pansin kong Malaki-laking gera ang magaganap.
Pinahapon ko ang alaga ko sa isang estatwa sa tabi ng balkonahe. “Hanapin mo ang mga assassins, sabihan mong maghanda sila ng kanilang mga sandata at tumungo sa palasyo sa lalong medaling panahon.” Pagka sabi ko nito ay yumuko ito bago lumipad paalis.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...