Axelle’s POV:
Hindi ko alam kung ano pa ba ang mga sumunod na nangyari bago ako nawalan ng malay, pero nakasisigurado akong di pa ako patay, for the second time, hindi pa. Habang ginagalaw ko ang iba’t ibang bahagi ng katawan ko’y utay-utay ko ring nararamdaman ang paglitaw ng mga masasakit sa kasukasuan ko. It seemed like my body’s been lifting a truck all this time. Ang bigat ng pakiramdam ko.
“I think she’s awake.” Pakinig kong boses ng isang lalaki. Kasunod non ang ilang yabag palapit sakin.
“Tss. Gisingin nyo na, nang makaalis na tayo rito. Patulog-tulog pa.” Tamang nakakairitang marinig ang boses na ‘yon.
“Jiena.” Isang mababang boses na may halong pagsaway ang sumunod kong narinig.
Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nakahiga rito, pero sa tingin ko rin ay kelangan ko nang bumangon, nakakahiya naman kasi sa kanila.
Minulat ko ng dahan-dahan ang mga mata ko. Bumungad sakin ang kanilang mga mukang pinagmamasdan ako, maliban sa isa, si Ivan na nakaupo sa isang malaking bato. Nakita ko namang umirap ng napakataray itong si Jiena nang malihis sa kaniya ang paningin ko, sabay naglakad sya palayo.
‘Pramis gusto ko na syang bugbigin.’ Bulong ng isipan kong naiirita na sa presensya nya.
“Ayos ka lang?” napalingon ako sa nagtanong sakin, si Ethan.
Pilit kong tinulak ang sarili ko paupo at madali naman akong inalalayan ni Gray Head. I didn’t push him away kasi baka lumagapak ako pabalik sa kinahihigaan ko kanina.
“I’m fine. Medyo masakit lang yung mga joints ko, pero ok lang.” sagot ko naman.
“Makakaya mo bang maglakad?” tanong ni Gray Head.
I didn’t look at him as I answer. “Ewan, susubukan ko.”
Inalalayan nila ako pareho para tumayo, pero nung oras na nakatayo na ‘ko sa sarili kong mga paa, bigla naman nanginig ang tuhod ko kaya muntikan na akong matumba. Buti nalang naalalayan nila agad ako.
Susubukan ko pa sanang humakbang ulit nang pumosisyon si Gray Head sa unahan ko.
“Hindi mo kakayaning maglakad sa ganyang kondisyon. Kakargahin nalang kita.” Presenta nya. Bumilis naman kaagad ang tibok ng puso ko na parang kinakabahan.
“Grei.” May halong pagbabanta ang boses ni Jiena na mukhang narinig ang sinabi nito. She now has her arms crossed over her chest.
“Gusto ko mang makatulong pero, nakabenda pa ang balikat ko. Nahulog kasi tayo kanina paglabas ng portal.” Sabi naman ni Ethan.
“Ano ka ba. You saved me, at malaking utang na loob ko na para sayo yun.” Sabi ko sa kaniya.
Ramdam kong umalis sa harapan ko si Gray Head, pero di ko sya tiningnan hanggang sa napakinggan kong may kinuha syang mga gamit sa isang tabi.
“Tatahakin natin ang daan patungong silangan.” Tumayo at nagpagpag ng kaniyang sarili si Ivan bago naglakad papunta sa kinatatayuan ko. Nakaalalay pa rin sakin si Ethan. “Makikiraan.”
Napakunot ang noo ko nang mapakingan ko kung ano ang sinabi nya samin ni Ethan. Grabe, ang lawak-lawak ng daan kami pa ang pinapaalis?
Magsasalita sana ko pero naunahan nan g mabilis niyang pagkilos ang bibig ko. With just one swift move, nabuhat nya na agad ako. Ang nakakahiya pa’y bridal style!
“Tara.” Walang emosyon nyang sabi sa iba nang makuha na nila ang mga gamit nila.
Nanguna kami ni Ivan sa paglalakad. At di makomportable ang utak ko kakaisip, lalo na ‘tong katawan ko na para atang naparalisa. Hindi kasi maiwasang mahagip ng paningin ko ang napakalapit na mukha ni Ivan. Goosshh! Ramdam ko rin ang paggalaw ng katawan nya habang naglalakad kami, at yung paghinga nya din!
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)