Chapter 57: Into the Lion's Mouth

597 30 2
                                        

Third Person’s POV:

Biglang napahagalpak sa mahinang pagtawa si Arden habang pansamantala silang natigil sa pakikinig ng pag-uusap ng mag-aamang liyon nang malamang si Pride pala ang bagong dating.

“Hoy, bakit ka tawa ng tawa dyan?” kwestyon ni Tory sa kaniya habang ang ibang myembro naman ng SK na kasama nila ay pakwestyon ding tinitingnan si Arden.

“😂 Hahaha… Kasi- Hahaha… Kasi marunong naman pala sya magtagalog eh! Hahahaha! Kung makapag-ingles, akala mo’y banyagang-banyaga.”

Nagsitaasan lang ng kani-kanilang mga kilay ang nakarinig ng sagot nito, ang iba at karamihan ay walang pake sa sagot nito, at ang iba naman ay natawa.

“Ahahahaha! Oo nga noh! 😂” singit ni Jessica na tumatawa na rin.

“Nakakatawa di ba? Hahahaha….”

“Oo, nakakatawa nga! Hahahaha! Naniwala ka! 😂Hahahaha…”

Natigilan sa pagtawa si Arden 😒 at napatingin sa katabi nyang babae, magsasalita pa sana ito pero naunang magmungkahi si Ivan.

“Tama na ang daldalan… May natanggap akong mensahe mula kay Ella. Nasa malapit lang daw sila.” Sabi nito.

“Kung ganon andito na rin pala ang ibang mga knights. Anong plano?” tanong ni Tory.

“We need to escape. As much as possible, dapat walang makapansin sating patakas.” Sagot ni Ivan sa kanila. “Ako at si Grei na ang bahalang maghanap sa nabihag ni Ilohama.”

“Sasama ako.” Presenta ni Ethan. “Ako na ang bahalang maghanap kay Axelle.”

“Masyado na tayong marami, kaya na naming ang pagsagip sa kanila.” Singit ni Grei sa kaniya.

“Ivan, may kailangan ka daw makita sabi ni Ella ngayon lang.” singit ni Jess na kanina pang nasa konsentrasyon dahil sa binubulong sa kaniyang isipan ni Ella.

“Sina Grei at Ethan nalang ang maghahanap. Ang iba ay sumama na sa iba nating mga kasamahan, para sa nalalapit na pagbukas ng portal ay hindi tayo maghanapan.” Pahabol nito na hindi na gustong makipagtalo sa kanila bago naunang umalis habang nakasunod ang ibang myembro ng SK na kasama niya.

Nauna namang umalis sa kaniyang pwesto si Grei habang nakasunod sa kaniya si Ethan.



“Bring out your gifts!” utos ni Pride sa kaniyang mga anak.

“Yes Father.” Sabay nitong wika.

Minosyon ni Nygama sa mga tauhan nya na puntahan ang mga bihag at ilabas sa kani-kanilang mga kulungan habang si Ilohama naman ay kusang lumapit sa kinaroroonan ni Axelle.

May binigkas na spell si Ilohama dahilan ng pagkawala ng barrier na pumapalibot kay Axelle na agad ding pinalibutan ng mga tauhan nito kung sakaling magtangka itong tumakas.

Samantala, nagulat nalang ang mga tauhang sinugo ni Nygama dahil sa biglang nawala ang kanilang mga nabihag. Wala pang ilang Segundo ay nakarating na kay Pride ang balitang iyon.

“Hanapin nyo sila!” galit na utos ni Pride kay Nygama at sa mga tauhan nito. Si Ilohama naman ay medyo nagagalak pa dahil di sya ang napagalitan ng ama. Pandalas na nagsikalat ang mga tauhan ni Nygama na ayon na rin sa utos nya na halughugin ang buong paligid.  Lumingon si Pride sa kaniya at nagsalita. “Ikaw, siguraduhin mong walang palya sa handog mo kung ayaw mong mabulok sa bilangguan ko.” Pagbabanta nito.

“Hinding-hindi ko po kayo bibiguin, ama.” Sagot nito sabay tinulak nung isang liyon pauna si Axelle. Sa lakas ng pagkakatulak ay napaluhod pa ito sa mismong harapan ni Pride.

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon