Chapter 19: Like the Old Days 1

812 39 7
                                        

Axelle’s POV

Kinagabihan, nanatili nalang ako sa kwarto namin at piniling ‘di na muna maghapunan. Naka patay lahat ng ilaw sa kwarto kaya medyo madilim. Maliban nalang sa liwanag ng buwang pumapasok sa loob ng kwarto through the huge glass windows.

Naka higa ako sa kama ko at kanina pang naka titig sa mataas na kisame ng kwarto. In a deep thought... kasabay ng pag-alala sa mga kaganapan nitong mga nagdaang araw.

I can’t help but to have this uneasy feeling of suspense towards Jiena…

Tila naglalaro sa isip ko kung may alam ba sya o wala… may alaala ba sya o katulad din nina Tory na nabura ang alaala? Base sa kaniyang reaksyon, maaaring may alaala sya at maaaari din namang wala at tanging ang kaniyang pagiging obsessed lang kay Gray Head ang dahilan kung bakit ganon sya mag react? Or sadya talagang mainit din ang ulo niya sakin every time we came across each other?

Tss. Bakit ko ba pinagaaksayahan ng panahon ‘yon? Sinabi na mismo sakin ni Alie na walang nakakaalala o nakakakilala sakin dito sa mundong ito.

Pinaling ko ang ulo ko sa bukas na bintana habang hinihipan ng hangin yung kortina. Utay-utay akong hinihila ng antok hangang sa di ko na mapigilan at maya-maya lang ay utay-utay nang pumipikit ang mga mata ko. I’m so tired.

An hour later…

Third Person’s POV

Madilim na ang halos lahat ng hallways, tanging ang mga lamparang kusang sumisindi pagsapit ng dilim ang tanging nagiging liwanag sa daan. Tahimik na rin ang bawat parte ng Academy. Halos natutulog na ang lahat.

Maririnig naman mula sa ika-labing pitong palapag ng gusali ang mga yabag ni Mr. Daniel habang paakyat sa isang maluwang na hagdanan. Kalalabas lang niya mula sa kaniyang opisina matapos makisalo sa hapunan isang oras na ang nakakalipas. Pagkarating sa itaas ng baitang ay lumiko siya pakanan at tinahak ang tahimik na hallway. Wala masyadong tumatao sa palapag ng gusaling iyon, halos nasa mga 8 propesor lang silang doon nakatoka ang kwarto. Yung karamihan sa guro ay nasa 16th floor.

Naglakad siya hanggang sa marating niya ang isang malaking iron door na may mga kurbang disenyo. Kusa itong bumukas ng walang ingay sabay pumasok siya sa loob. Ilang saglit pa ay unti-unti na siyang binalot ng liwanag hanggang sa magteleport sya sa huling palapag ng gusali, sa pinakamataas na toreng nakatayo sa gitna ng kabuuang estruktura ng paaralan.

Lumabas siya mula sa portal at nagsimulang tahakin paakyat ang nakapaikot na hagdan. Ilang saglit pa ay narating na niya ang harap ng isang batong pinto.

La queres altor.” wika niya sabay bumukas ang mabigat na pinto ng kusa at siya’y naglakad papasok sa loob.

Sinalubong siya sa tanaw ng Elexus, which is being protected by the 13 stone shields. Lumapit siya ng marahan sa kinaroroonan ng mga bato na nasa gitna ng paikot na silid.

Nilagay niya sa kaniyang unahan ang kaniyang mga kamay sabay may medyo gintong ilaw ang lumabas dito. He is transferring some of his powers energy to the shield stones protecting the precious one in the middle, na mapapansing merong isang maliit na crack na mula sa gitna nito. Even though it’s small, malaki pa rin ang pangamba nila sa maaaring mangyari.

Ito ang buhay ng buong Zyteria, without it, they wouldn’t exist and so does everything from around them. Ito rin ang nagbibigay buhay sa lahat ng bagay na naririto sa mundong ito. Maging ang mga bagay na akala mong walang buhay ay mararamdaman mong humihinga din. Bukod sa mga iyon, meron pang ibang ibang mahalagang gampanin ang mahiwagang bato na hindi pa nila natutuklasan.

The Academy is the birthplace of the precious stone. Maaaring masmatanda pa ang estruktura nito kesa sa Grand Royal Palace. Mula sa kinalalagyan nito ay hindi maaaring magalaw o mahawakan ang bato, dahil masyado itong sensitibo, konting dampi lang ay magkakaron agad ito ang crack.

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon