Chapter 49: Gluttony

563 29 0
                                    

Axelle’s POV:

Nagddesisyon kaming maghiwalay ni Gray Head sa paghahanap sa demon. Nandito ako ngayon malapit sa isang ride na pambata nang makaramdam ako ng paninikip ng dibdib ko. Kapareho ito nang nararamdaman ko nung buhay pa ako sa tuwing may malapit na evil spirit sakin na nagtataglay ng takot. Tumabi ako at madaling pumunta sa isang maliit na eskinita para pakalmahin ang sarili ko at makaiwas sa mata ng ibang mga naririto sa carnival.

*Breathes in…*
*Breathes out…*
*Breathes in…*
*Breathes out…*

Pinagpatuloy ko ang pagpapakalma ng sarili ko para hindi ako mahirapan sa pagkontrol. Pero mukhang lumalakas ang nararamdaman kong aura na mukhang papalapit sakin. Ilang saglit pa’y tuluyan na akong napasandal sa dingding na kawayan ng katabing stall habang hawak ang dibdib ko na mukhang inaatake ng heart attack.

Ramdam ko ring tumutulo na ang pawis ko sa mukha ko at sana nama’y hindi muna ako hanapin ni Gray Head ngayon. Sinubukan kong iangat ag ulo ko mula sa pagkakayuko upang masmaayos na makahinga nang may nakita akong isang batang babaeng may hawak ng isang kulay asul na teddy bear ang nakatayo malapit sakin.

Tinititigan nya lang ako hanggang sa bigla nalang siyang ngumiti, kasabay nito, naaninag ko ang itim na mistulang usok na nagmumula sa katawan nya. She’s a demon.

“Ikaw pala…” simula niya.

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Kilala nya ba ako?

“Anong kailangan mo? Bakit ka naririto?” tanong ko sa kaniya. Kahit na bata lang sya, alam kong hindi sya isang mahinang klase ng demon. Pero bakit sa nabanggit sakin kanina ni Gray Head, hindi naman isang mataas na uri ng demon ang makakasagupa namin? Di kaya dalawa sila at yung isa yung low level? O di kaya nagkamali ang naibigay nilang impormasyon at kulang?

“Ikaw…” pag-ulit niya. “Ikaw ang kailangan ko kung bakit ako naririto ngayon.” Sabay ngiti niya ng nakakatakot.

“Anong kailangan mo sakin?” matapang kong tanong. I could use a back-up right now. Nararamdaman kong nagtataasan na yung mga balahibo ko sa may batok dahil sa nararamdaman kong masamang enerhiyang nagmumula sa kaniya, kasabay nito ang kirot na nararamdaman ko sa dibdib ko na hindi maalis-alis.

“Wala akong kailangan sayo…” sagot nito habang naglalakad papalapit sa kinasasandalan ko. Hindi ako makahakbang o di kaya’y makatakbo palayo sa di malamang dahilan. Mukhang may enerhiyang nagdidikta sa katawan kong hwag umalis sa kinatatayuan ko. “…pero siya meron.” Sabay inangat niya yung laruang hawak niya malapit sa mukha ko.

Biglang nag-iba ang kulay ng mata nito at nagging pula, nagkaron pa ito ng matatalas na ngipin at kukong mahahaba. Hindi na ako tuluyang nakapalag nang idikit niya sa balat ko yung laruang nakakatakot at maslalo nitong pinasakit ang nararamdaman ko. Feeling ko’y binabalatan na ako ng buo! Hindi ko maiwasang mapasigaw sa sakit pero mistulang walang nakaririnig sakin.

Unti-unting nababalot ng dilim ang paningin ko. Feeling ko’y mamamatay ulit ako, for the second time. Hanggang sa mistulang mamanhid ang buong katawan ko, pagod at masakit at the same time. Napahandusay nalang ako sa lupa habang medyo naaaninag ko pa yung dimonyong bata na tawa ng tawa habang pinagmamasdan ako.

“Hahaha… Malapit na, Malapit nang magsimula ang GERA.” Pakinig kong sinabi niya bago sya natamaan ng isang malakas na electric bolt. Naging abo siya at naglaho kasabay ng pag-ihip ng hangin.

Bagsak na bagsak naman ang katawan ko kaya tuluyan na akong nagdesisyong pumikit. Alam ko na rin naman kung kanino galing ‘yong pag-atakeng ‘yon, which reminds me of the past.

TIME SKIP…

Third Person’s POV:

Naiinis na pinasok ni Grei padabog ang opisina ni Prof. Fueras pagkatapos niyang manggaling sa klinika ng paaralan kung saan nya agad na hinatid si Axelle matapos ang inisdente.

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon