AN: I'm feeling energized kaya sinipag akong magtype. Keep safe and Enjoy!
Axelle’s POV:
Pagkalabas ko ng kubo ay didiretso na sana ako sa sarili kong kubo nang may mapakinggan akong isang tunog ng instrument, similar to a piano. Piano is my favorite instrument after that ay ang kalimba tsaka gitara. My mom taught me how to play the piano, past time ko rin ang pagtugtog minsan, pampa relax ng utak, at pampatanggal ng stress. Music helps me forget all my worries kahit na sa konting panahon lang.
Sinundan ko ang tunog ng misulang piano tsaka napagtantong galing ito sa balkonahe ng isang kalapit naming kubo. Tumutugtog ang isang babaeng mukhang kasing-edad ko lang sa isang instrumenting kahoy na katunog ay piano. Strange, pero fascinating. Hind pa ako nakakaita ng ganong instrumento.
Dinala ako ng mga paa ko palapit sa kubo nya para pasimpleng making. Nang makalapit napansin kong maayos syang manamit, malinis ang kasuotan nito at nakaayos ng tirintas ang hanggang bewang nyang buhok, higit na naiiba sa mga bagaeng nakasalamuha ko na dito.
Pinanood ko sya habang nakapikit na tumutugtog ng kaniyang instrumenting dala. May ilan din syang tagapakinig na sa kalaunan ay dumarami, mostly mga lalaki ang enjoy na enjoy sa pakikinig ng malumanay na melody.
Aalis na sana ako nang napakinggan kong huminto sya sa pagtugtog.
“Ikaw.” Pakinig kong tinig nya. Hindi naman siguro ako ‘yon noh? Pero ‘Ikaw’ daw eh?
Nilingon ko sya at nakita kong sakin na din nakatuon ang atensyon ng ibang tagapakinig nya. Nakatingin din sya ng diretso sakin kaya siguro, malamang ako ang tinutukoy nya.
“Mahilig ka ba sa musika?” bahagya akong nagulat nang ako’y tanungin nya.
Tumango ako. Hindi ko alam kung bakit di ako makapagsalita at bakit din ako kinakabahan. May something din ata sa babaeng ‘to. And when I say ‘something’ mataas ang tyansang kahinahinala sya sa paningin ko. But maybe she’s just playing nice, right?
“Gusto mo bang tumugtog?” alok nya sakin.
“Ah, hindi na po. Kayo nalang, maganda po kayong tumugtog kesa sakin.” Sabi ko pa.
“Sige na, pagbigyan mo naman ang hiling kong tumugtog ka kahit sandali.” Malumanay at matamis ang boses nya kung magsalita, pero nakakatakot naman ito para sakin. “It looks like you have some talent. Care to share?” Teka? Nag-English ba sya? So… nakakaintindi pala sila ng English? Akala ko malalim na tagalog lang… Sino ba ‘tong babaeng ‘to?
Pero kahit nag anon, nginitian ko sya kasabay ng paglalakad palapit sa kaniyang kinaroroonan. May ilang bulungan akong naririnig mula sa taga pakinig nya habang papalapit ako.
“Hindi nya matatalo ang musika ni Binibining Lucy.”
“Wala naman talagang makakahigit kay Binibining Lucy, sa kaniya pa rin ako boto.”
“Mukhang wala namang ibubuga ‘tong dayong ‘to sa Binibini natin.”
Binalewala ko nalang ang mga bulungan nila habang paakyat ako ng kubo. Nakangiti syang umalis sa kinauupuan nya at minosyong umupo ako don. Ginawa ko ‘yon at ngayon ko lang napansing nadagdaggan pa ata ang manonood naming, plus natanaw ko rin si Lenero sa may malapit. Ano ‘to concert?
“Pwede ka nang magsimula.” Sabi nung magandang babaeng nagyayasakin, Lucy daw ang pangalan. Ano nga ba ang tutugtugin ko?
Grei’s POV:
Buti nalang nagtulog-tulugan ako kanina, kundi bubungangaan nanaman nya ako panigurado. Sa totoo lang hindi naman talaga ako inaantok, gusto ko lang ipahinga ‘tong mga binti ko sa paglalakad, pati sugat ko nadadamay eh…
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)