Chapter 11: Getting Things Started

899 39 3
                                        

AN:

Mahaba-haba po ito pero sana maging worth it! Hehehe.


Third Person’s POV:

Spirit Realm, Hell

Sa matahimik na corridor ng Dark Stone Palace. Tinatahak ni Lady Samantha ang daan papunta sa kinaroroonan ng hari ng impyerno. Nang makarating sa isang higanteng double stone door ay pinagbuksan agad siya ng dalawang gwardyang nagbabantay sa labas. Walang imik siyang pumasok sa loob at nilibot ang paningin sa paligid, at nang makita ang kanilang hari na nakatayo malapit sa malaking bintana ay kanya niya itong nilapitan at nagbigay galang.

“Kamahalan, pinapatawag nyo daw ako?” tanong niya.

Hindi siya hinarap ng hari at nanatiling nasa malayo ang tingin nito sa labas. “Nagising na ba sya?” tanong ng hari nang ‘di lumilingon sa kausap.

“Sa ngayon… hindi pa. Pero nararamdaman kong malapit na syang magising. Nagpapakita na siya ng konting paggalaw, babalitaan nalang ulit kita agad kapagka nagkamalay na sya.” sagot ni Lady Samantha bago lumapit ng bahagya sa tabi ng hari at tumingin sa kaniyang tinitingnan. HHuminga siya ng malalim bago nagsalita muli. “Mukhang kampante ka sa magiging takbo ng mga plano mo.” puna nito.

Nanatili pa ring nakatingin sa labas ang hari. Sa bandang hilaga at sa paggitan ng dalawang malalaking batong mga bundok, may isang malaki at napakataas na talon ang bumubuhos ng napakaraming tubig papuntang impyerno. Ang tubig na iyon ay hindi umaagos paikot sa mundong nasa ilalim, bagkus, mistula itong naglalaho bago pa man makalapit sa mabatong kalupaan.

“Isang daang araw. Sinisigurado kong sa looban ng isang daang araw magtatagumpay ang aking mga plano.” sabi ng hari. “Zyteria… Maghanda kayo sa aking pagbabalik.” pahabol niya.

Spirit Realm, Zyteria

Axelle’s POV:

Mag-isa kong tinatahak muli ang loob ng kagubatan para puntahan ang kabilang dulo ng napakahabang tulay papunta don sa Academy. Iniwan ako ni Alie matapos lang ng konti pang paalala, o banta, sakin.

Flashback…

“Mauna ka na sa Academy, may aasikasuhin pa akong ibang mahalagang bagay. Tandaan mong mabuti ang mga pinag-usapan natin kanina, kundi malilintikan ka sakin kapagka pumalpak ka.” paalala niya.

“Oo, alam ko na ang mga gagawin ko, hindi mo na rin ako kelangang pagbantaan, kanina pa akong busog na busog don.”

“Hindi ako nakikipaglokohan sayo.”

“Ako din naman. Kayo na nga itong may kailangan may gana pa kayong magalit at pagbantaan ako. Kung sabagay… ibang nilalang naman kayo.” huminga ako ng malalim bago magpatuloy. “Naniniwala kayong malakas kayo di ba? At siguradong malakas din ang kapangyarihan ng tatay mo, ah-eh, bakit nag-abala pa kayo para lang dalhin ako dito at para gawin ‘yan misyong pagsira o pagwasak sa kung ano man yung Elexus na iyon?”

“Wala kang karapatang kwestyunin ang mga kakayahan namin. Sumunod ka nalang sa iniutos sayo.” mariing sagot niya. “Diretsuhin mo itong daang ito sa kaliwa, mararating mo ang kabilang dulo ng tulay.”huling sabi niya bago lumiko papunta sa kabilang daan.

End of Flashback…

Nang makarating ako sa labas ng kagubatan, sa may bukana, sumaubong sakin ang isang maliit na village. Medyo maraming tao/spirits na busy sa kanilang mga morning routine. Ang mga bahay ay gawa sa mga bricks at kahoy. May pa-S din silang mga lamp post bawat kanto ng kungkretong daan. May mga kalesang gumagala na hila-hila ng mga puting… unicorns? Woah. Tapos may mga modernong sasakyan ding tumatakbo sa kalsada. Kabilang buhay na nga ba ito?

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon