Axelle’s POV:
Merong magandang musika akong napapakinggan. Pamilyar ito sakin dahil ito ang musikang tinutugtog sakin ni mama nong kasama ko pa sya. Ginagawa nya ‘tong pampatulog ko tuwing gabi. Oh… mom. I missed you so much. Kelan kaya tayo ulit magkakasama. I mean, nasa afterlife na di ba ako? Pero bakit di kita kasama?
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Bumungad sakin ang isang makulimlim na kalangitan.
“Everyone! Gising na sya!” tinig ni Jess ang una kong narinig.
Teka? Nasa labas na ako ng kweba???
Buhay pa ‘ko?!
Nang tuluyan akong nakagising ay magbabalak sana akong umupo, pero nang itukod ko yung kamay ko ay nakarandam ako ng matinding hapdi, lalo na don sa kanang kamay ko. Nang lingunin koi to ay nakita kong may benda ito. Teka? Anong nangyari sa kamay ko? Bakit may benda? And more importantly, pano ako nakalabas ng kweba? Wala akong maalala…
“Axelle? Ayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong sakin ni Joyce nang makalapit. Naagaw ko rin ata ang atensyon ng iba pa naming kasamahan.
Tumango ako. “Gusto ko lang maupo.” Inalalayan naman ako nilang dalawa ni Jess para maka-upo. “Gaano katagal na akong natutulog.”
“Mahigit isang oras naman.” Sabi ni Joyce.
“Naku! Ikaw talaga! Pinag-alala mo kami ng sobra!” sabi naman ni Jess.
“Ganon ba?... pasyensya na.”
“Hayy… magpasalamat nalang tayong ligtas ka.” Sabi naman ni Joyce.
“Ikukuha kita ng makakain mo. Wag mo munang igalaw yang kamay mo, matindi ang pagkakapaso eh.” Paalam ni Jess bago umalis.
Lumingon ako sa paligid at nakitang naka sanda ako sa gilid ng isang bato at ikinagulat ko din nang makitang nasa loob na kami ng bakuran ng mansion.
“Teka? Nakuha yung susi?” taking tanong ko kay Joyce.
“Oo. Nakuha mo yung susi.” Sagot nito. “It was very risky, but you were very brave.” Sabi pa nya.
“Glad to see that you’re awake iha.” Napalingon kami sa boses na nagsalita. It was the gray lion.
“Ngayon, maaari mo na bang sabihin samin ang gagawin namin para mahanap ang iba namin mga kasamahan, Madam Griese?”
Madam Griese?
Parang pamilyar ang tunog ng pangalan nya? San ko nga ba ‘to narinig dati???
Tumalikod sa kanila si Madam Griese bago naglakad palapit sa front entrance ng malaking mansion.
“Bago ‘yon… gusto ko munang tanungin kung bakit kayo naririto sa illusion world?”
“Dahil meron kaming kelanngang kunin at misyon naming ‘yon.” Sagot ni Vane.
“Bibigyan ko kayo ng pagkakataong mamili sa pagitan ng dalawang pamimilian.” Sabay sa kaliwang banda ni Madam Griese ay may lumitaw na isang malaking portal na kulay berde. “Una, papalayain ko ang mga kasamahan nyo at isasabay nyo silang paalis dito sa mundong ito, at mangako kayong hindi na kayo babalik. Di ba madali lang gawin?”
“Hindi kami pwedeng umalis nang hindi naming naiuuwi ang Elexus.” Sabi ni Ivan.
Hinarap kami ni Madam Griese. “Kung ganon, ang pangalawa ang napili nyo?”
“Anong kondisyon ang nasa pangalawa?” tanong ni Jiena.
“You will enter my mansion, pero kailangan nyo akong maunahang makarating sa kinaroroonan ng Elexus, dahil kung hindi, kayo at ang mga kasamahan nyo ay ipapatapon ko sa iba’t ibang dimension nitong illusion world at kahit kelan… hindi na kayo makakalabas pa.”
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)