Third Person’s POV:
Nasa malayo ang tingin ni Axelle habang nilalaro-laro ang dulo ng kaniyang buhok nan aka ponytail. Nakaupo siya sa pinakalikuran ng academy, ang lugar na kung saan din ay ang paboritong tamabyan ni Ivan. Pinag-iisipan pa rin nya kung magsasabi ba ng totoo kay Grei o hindi. Ngunit masmatimbang ang nagging kasunduan nila ni Satan. Maaaring mapahamak ang pamilya nya kapag sinunod niya ito. Baka mamalayan nalang nya na pati ang ibang taong mahalaga sa kaniya ay madamay.
‘Hindi, kaylangan ko ng tamang oras.’ Bulong niya sa loob ng isip niya sabay tumingala sa langit at pinagmasdan ang mga ulap.
Ilang saglit pa’y may napakinggan siyang huni ng isang ibon, at mukhang malapit ito sa kaniyang kinauupuan. Hinanap ng kaniyang mga mata ang pinagmumulan nung huni, at ilang saglit pa’y nakakita siya ng isang puting kalapati na nakahapon sa sanga ng puno. Mistula itong nakatingin sa kaniya at pinagmamasdan sya, pero hindi ito nagtagal at lumipad papunta sa isang tore ng Academy.
Dali-daling tumayo si Axelle para puntahan ang toreng kaniyang nakitang pinuntahan ng kalapati. Ngunit habang binabaybay niya ang kahabaan ng hallway ay nasalubong niya sina Ella at Grei, ulit. Tila ba may pinapagawa si Ella kay Grei na tinatanggaihan naman ni Grei.
“Ikaw, na kasi! Utos ito ni Prof. Fueras, at sabi nya isama mo daw sya.” Giit ni Ella.
“May gagawin pa kaya ako pagkatapos nito. Ikaw nalang. Ikaw ata ang inutusan pinapasa mo naman sakin eh.” Sagot naman ni Grei.
“Edi ako na gagawa nyang gagawin mo, tutal ditto lang naman yan sa academy. Ako na gagawa lahat!”
“Yan ang gusto kong sagot! Paki bigay kay Headmaster pagkatapos ha…”
“Tss! Papilit ka eh!”
Nang matapos silang magpalitan ng mga papeles na kanilang hawak napansin ni Ella si Axelle na nakatayo malapit sa kanila. Tila ba nakalimutan na rin nya na pupuntahan niya dapat yung tore.
“Andyan na pala sya oh.” Sabi ni Ella sabay nguso sa direksyon ni Axelle. Napalingon namana si Grei pati si Axelle papunta sa likuran niya. Nngunit walang ibang dumaraan sa hallway na iyon maliban sa iilang mga estudyante at ‘sya’. Humarap ulit siya at nagtama sila ng paningin ni Grei.
“Ako ba?” walang ganang tanong ni Axelle sa kanila.
“Sa daan ko nalang ipapaliwanag. Tara.” Yaya sa kaniya ni Grei at nagsimulang maglakad.
“Sumama ka nalang.” Dagdag pa ni Ella bago ito naglakad patungo sa kabilang direksyon.
Nagkibit balikat si Axelle bago sumunod kay Grei. Binilisan niya ang kaniyang mga hakbang upang makahabol, at nang magkapantay na sila…
“Magsimula ka nang magpaliwanag.” Utos ni Axelle sa kaniya.
“May natanggap na report ang academy na may nagtatagong demon sa isang sirkus, hindi tulad ng iba, ito raw ay mistulang kakaiba. Inutusan tayong SK ni Prof. Fueras na magimbestiga, dalawang SK ang inaasahan niyang pupunta sa area na iyon para mangalap ng impormasyon at hanapin yung demon. Hulihin kung kakayanin.” Simula ni Grei.
“Dalawa lang? Pano kung malakas pala yung demon na iyon at di kaya ng dalawang knights lang?”
“Ayon sa paunang impormasyon, low class demon lang ‘yon.” Sagot naman ni Grei habang pinapasulyapan ang mga papel na hawak nya. Ilang saglit pa’y bigla niya itong iniabot sa isang estudyanteng babae nan aka tayo lang sa isang tabi. “Pwede mo ba itong ihatid kay Rociella ng Sapphire Dragon?”
Tila natulalang tumango yung babae bago kinuha yung mga papel na inabot sa kaniya ni Grei.
“Salamat.” Pagkatapos non ay kinapitan bigla ni Grei si Axelle sabay nagteleport sila ng biglaan.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Misterio / Suspenso"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)