AN: Hello! Hope you're all doing well. Keep healthy tayo palagi lalo na sa panahon ngayon. And another chapter for you guys... hope you'll like it...
00000000000
Third Person's POV:
Matapos ang nagging kaguluhan mula kay Envy, matagumpay na natalo ni Ethan ito at naikulong sa sarili nyang staff. Although it seemed very odd and a very tough job for a single knight, pero nagpapasalamat na lang rin ang ibang mga knights sa tapang na pinakita ni Ethan upang matalo ang kanilang kalaban. At least they now believe that Ethan is more capable from what they’ve thought.
Pero sa gitna ng kanilang maiksing pagdiriwang ng tagumpay ay aware naman sila na may dalawa silang kasamahang napahiwalay sa kanila. Pero wala silang magagawa until the next portal appears to take them. Ipagdarasal nalang nila ang kaligtasan ng mga kasamahan nilang nauna sa kabilang dimension. But most of them doesn’t worry at all, halos lahat sila’y may tiwalang kaya nilang maka-survive ng sila lang pansamantala, maliban nalang kay…
“This is all your fault!” diin ni Jiena kay Alie habang inis na inis na nakahawak sa braso nya.
Dumistansya sila sa may camping grounds ng ibang mga knights kasama si Alie para mag-usap ng masinsinan, at walang makarinig sa kanila.
“Ako pa ang may kasalanan ha?!” hinila ni Alie sa pagkakakapit ni Jiena ang kaniyang braso.
“I knew exactly from the start na ikaw ang nagdala sa kanya sa Academy.” Naiinis na sagot ni Jiena. Halos mamula na ata sya sag alit kung di lang medyo madilim ang paligid ay kitang-kita ang pagkainis nya.
“So?” walang pake at taas kilay na sagot ni Alie.
“Anong ‘So’? Kasalanan mong magkasama sila sa academy, kasalanan mong masnapapalapit pa sya sa kaniya at kasalanan mong magkasama sila ngayon. Kung di mo sana sya dinala sa Academy edi sana payapa ang buhay ko ngayon at walang karibal! This is not part of the deal that we’ve agreed about! Hindi ka tumutupad sa usapan Alie… baka gusto mong makatikim ng galit ko.”
Hinarap sya ni Alie, annoyance is written on her face. Halatang ayaw nan yang pakinggan pa ang mga pinagsasasabi sa kaniya ni Jiena. “Sa paraang ano?” hamon nito. “Ibubunyag mo ang tunay kong pagkatao? Aalipinin mo ‘ko?... Alam naman natin pareho na di mo ‘yon kayang gawin sakin, dahil mapapahamak ka lang lalo.”
“That doesn’t change the fact that you never followed our agreement.” Diin pa rin ni Jiena.
“F.Y.I., wala akong hindi sinunod. Una, I gave you a concealment potion para ma-conceal yang maitim mong aura dahil nakipagnegosasyon ka sa mga demonyo in exchange pinasok mo ‘ko sa Academy, pangalawa, binigyan kita ng memory stone dahilan para mawala ang mga ala-ala nila tungkol sa nakaraan in exchange nagkasundo tayong hindi mo ibubunyag ang tunay kong pag-katao at ayon sa pagkakaintindi ko ‘tayong dalawa’ lang ang nagkaron ng agreement.”
“Pero bakit mo ipinasok ‘yang babaeng ‘yan sa Academy, at sya pa mismo ang pinasok mo!”
“I’m just following orders, which is not part of our business with each other. Wala kang pake sa kung sino man ang pwede kong ipasok at ilabas mula sa Academy. Baka nakakalimutan mong buong buhay mo ang mawawala kapagka ikaw ang unang sumuway sa kasunduan natin. Itatakwil ka nila at ipapatapon sa kulungan sa impyerno. ‘wag kang mag-alala, dadalawin naman kita kung sakaling mangyari ‘yon.”
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Misteri / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)