Chapter 78: The Final Sin, Anger

544 31 1
                                        

Third Person’s POV:

Mabilis na dumating ang kinabukasan at maaga silang nagising para paghandaan ang kanila nanamang maagang paghahanap sa mga kasamahan nila.

Nanatiling tahimik at walang gana si Axelle habang pinipilit na gawing normal ang bawat aksyon nyang gagawin. Mahirap na baka makahalata si Jiena.

Nahalata din nya na kagabi pa rin sya mistulang iniiwasan ni Jess sa di nya alam na dahilan. Parang kanina lang ay close na close pa ito sa kaniya, pero sa isang kisap-mata ay nagbago bigla ang pakikitungo nito. Binaling nalang nya sa paligid ang atensyon nya.

Samantalang si Jess naman sa may di kalayuan sa kinatatayuan ni Axelle ay tahimik lang na nakamasid sa kaniya. Kagabi pa nya gusto itong kausapin tungkol nga sa mga imaheng biglang nagpakita sa kaniya kahapon. Akala nya may kalaban na sila kahapon nung bigla syang dapuan ng matinding pananakit ng ulo kasubod ng mistulang sinemang mga imahe tungkol sa nakaraang dalawang taon nong pinadala sila sa mundo ng mga mortal. Hhigit na naiiba ito sa dating naaalala nyang ginawa nila. But it’s si convincing kaya nga gusto nyang malinawan sa pamamagitan ni Axelle pero hindi nya alam kung pano lalapit.

“Jess, tara na.” bumalik nalang sya sa reyalidad nang ayain na sya ni Joyce.

“Sige susunod na ‘ko.” Mabilis namang sagot nito at tinapos ang pagsisintas ng boots nya at mabilis na sumabay kay Joyce sa paglalakad.


Axelle’s POV:

“Bakit parang ang tahimik ata ng umaga mo?”

Napalingon ako sa biglang nagsalita sa tabi ko. Si Ethan at sinasabayan nya akong maglakad kasunod ng iba.

“Ah…” napansin nya pala ‘yon? “Wala lang. Di ko lang trip makipag-usap ngayon.”

“Eh bakit mo ‘ko kinakausap?”

“Eh ikaw kaya ang nagpasimula.”

Bahagya syang natawa. “Tell me, is there something bothering you?” tanong nito.

“Ha? Wala naman.” I lied. Ayoko nang halungkatin kung ano man ang nangyari kagabi.

“Bakit parang matamlay ka ngayong umaga?”

“Baka dahil sa pagod. Sumakit uli yung katawan ko dahil sa nangyari sakin eh, yon lang…”

“Kaya mo pa bang maglakad? Gusto mo sa likod ko sumakay, bubuhatin nalang kita?”

“Ha?! ‘wag na! di naman na ako bata at saka kaya ko pa naman. Mamaya mawawala din ‘to.”

“Sige, siurado ka ha.”

“Oo.”

“Um… Axelle?” pumaling naman ang atensyon ko sa isang boses na nagsalita sa tabi naming. Si Jess. “Pwede ba kitang makausap?” seryosong tanong nya sakin.

Lumingon ako kay Ethan at sinabi kong sasabay muna ako kay Jess. Tumango sya at naunang maglakad, sumabay naman sakin si Jess.

“Bakit? Tungkol saan?”

“May gusto lang akong linawin.”

“Ano yon?”

“Kasi-”

Pero hindi pa sya nakakatapos magsalita nang biglang makaramdam kami ng malakas na pag-uga ng lupa na parang may lindol.

“Anong nangyayari?!”

Ilang saglit pa’y may nagpakitang bitak sa kinatatayuan namin. Nasa gitna ito ng mga paa ko kaya naman ay mabilis kong hinila si Jess palayo sa lumalaking crack. Nagsanga-sanga yung bitak habang lumalaki at yung isang bahagi ng bitak ay mabilis na sinipsip nito yung tubig na mula sa ilog. Nagsigulungan yung ibang mga batong naka posisyon sa mataas na bahagi kaya maslalo kaming nag-ingat.

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon