Chapter 68: Ensorcelled 2

490 31 7
                                    

Axelle’s POV:

Ramdam kong hindi ako komportable sa kinapupwestuhan ko kaya naman ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nilingon ang paligid. Hala! Nasabotahe nga pala kami kanina!

Walang tao o demon sa paligid akong nakikita, tanging ang mga sulong nagliliyab at nakapaikot lang samin ang naaaninag kong ilaw. I was tied up in a post at gayun din si Gray Head na katapat ko lang at wala pa ring malay hanggang ngayon. I tried to break free pero parang may mahika yung mga lubid at nagiinit kapagka pinipilit kong kumawala. Napansin ko ring parang may malamig sa paanan ko at nang yumuko ako’y nakita kong may tubig na nakapalibot samin, it reached above my ankles at mukhang mastataas pa ‘to.

We need to get out of here.

“Axelle!” pakinig kong sabi ni Gray Head mula sa kabilang banda. Sa wakas at nagising na rin sya. “Ayos ka lang?” tanong pa nya.

“I’m fine. Pero kelangan na nating makaalis dito bago pa sila bumalik.” Suggestion ko.

Nakita kong nagpalingon-lingon sya hanggang sa dumako ang paningin nya sa isang kubo na kung saan kahit na medyo madilim ay may naaaninag akong pares ng mistula’y mga sandata. Nang nakita kong nagkaron ito ng medyo kidlat, napagtanto kong ‘yon yung twin swords ni Gray Head na kaya nyang pabalikin sa kaniya gamit ang isip nya.

Pero bakit mukhang hindi nya magawa? “May pumipigil sa kapangyarihan ko.” Sabi nya. Sabay bigla syang nanahimik at napatingin sa may madilim na kakahuyan. Lumingon din ako don at wala naman akong nakitang kakaiba. Pansin kong bumalik ulit sya sa tangkang pagkalas ng lubid nya. “Susubukan ko ulit.”

At isang boses ang dumagdag. “Hindi mo na kailangang magpilit kung may masmadaling paraan naman.” Isang boses ng babae an gaming narinig kaya’t sabay kaming napalingon sa direksyong pinagmulan nito.

There, seemingly walking above the water was Lucy, sa likod nya ay si Lenero. Pero unlike her, he cannot walk on water. So sya pala yung pinakang master talaga nila rito. No wonder na naiiba ang aura nya kesa sa ibang mga kababaihan.

Utay-utay ding nagsisilabasan ang iba pang mga kampon nila mula sa loob ng mga hut. Tsk. Kung ganon sila pala yung mga halimaw na nagpalubog sa balsa namin. Lahat puros mga kalalakihang mistulang glow in the dark yung mga matatalas nilang mga matang parang mata ng ahas, kasabay non ay ang paglitaw nanaman ng mga boses na narinig ko rin noong nakaraang araw, ngayon lang ay masmalakas ito at masmalinaw.

The voices sounded like they’re trapped and wanted to be freed. Pero san naman kaya nagmumula ang mga boses na ‘yon?

“Be mine and no one will be harmed.” Diretsong sabi ni Lucy kay Gray Head. Tsk! Eh malandi rin pala ‘tong babaeng ‘to eh.

Pero nagulat nalang ako nang mapakinggan ko ang mahinangpagtawa nitong si Grei Head, kaya ako at maging itong kalaban naming ay napatingin sa kanya ng may halong pagtataka. Anong sumapi naman sa lalaking ‘to at nakuha pang tumawa? Nababaliw na ata? Baka na-infect yung sugat nya tapos malala na at dumiretso sa utak nya?

Huminto sya sa pagtawa… “I didn’t nknow I was that charismatic?” bulong pa nya at hinarap si Lucy, napataas naman ako ng kilay sa sinabi nya. Kapal ha? “You know what, I’ve already got someone in mind right now. Kaya kahit magmaka-awa ka pa’y ngayon pa lang sinasabi ko nang wala kang chance.” May pilyong ngiti pang naglalaro sa kaniyang mga labi. Anong sumapi dito at nagkakakarisma daw?

Gumanti din ng sarili nyang mga ngiti si Lucy sabay tumingin ng makahulugan kay Lenero. “Lenero…”

Tumango ito at may nilabas na itim at malaking kabibe mula sa dala nyang kahoy na kahon. Immediately, kinabahan ako. Inabot niya iyon kay Lucy at sya ang nagbukas dito na naka tapat pa sa direksyon ni Gray Head. May isang perlas na kulay violet sa gitna at mula don, napakinggan ko yung mga bulungang bumabangungot sakin. May mga kinulong sya don sa munting perlas na ‘yon.

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon