Chapter 10: Welcome

920 34 1
                                    

Axelle’s POV:

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nananatili dito sa loob ng isang medyo maruming selda na para bang isang preso, teka? Hindi ba ‘yon na nga ang staus ko ngayon? Buti nalang ay walang mabaho o di kaya ay nakakadiring amoy dito, kaso medyo mainit nga lang din.

What can I expect di ba? Impyerno kaya itong binagsakan ko.

Sigh.

Sinandal ko yung ulo at likod ko sa medyo maligamgam na paader sabay tumingala sa kisame. Mukha ngang may malalim akong iniisip, pero sa totoo lang wala naman talaga. Sinusubukan ko lang kasing maaala kung pano ako namatay, pero sasakit lang ata ang ulo ko sa pagpipilit.

Sigh.

*tick!*

*tick!*

*tick!*

*tick!*

Ano kaya yung mahinang ingay na iyon?

Lumingon-lingon ako sa paligid sabay tumayo at naglakad papunta sa unahang bahagi nung selda, malapit don sa bakal na rehas sabay sumilip.

Wala namang ka-tao-tao, este, mge demonyo pala maliban dito sa dalawang nagbabantay sakin na mukhang wala pa ring kibo kanina pa.

*tick!*

*tick!*

*tick!*

*tick!*

Hayon nanaman yung tunog na mistulang tumatawag sakin ng pansin.

*tick!*

*tick!*

Pinakinggan ko ng mabuti yung mahinang ingay sabay napatingin ako sa isang maliit na bintana sa may kabilang banda. Nagtataka akong lumapit sabay tumiad para makasilip sa kung ano man ang nasa kabilang bahagi.

Una kong nakita ang isang puting kalapati na nakahapon sa isang patay na puno malapit sa mismong likuran ng selda ko. Pinagmasdan ko pa ito ng mabuti. Puting-puti ito at walang bahid ng kahit anong dumi kahit na nasa kapaligiran syang ang tema ata ay itim at pula. Nagmumukha itong namumukod-tangi sa lahat ng nasa paligid nya. Tumingin din ito sakin sabay lumipad paalis.

Huh? What was that about?

Nanatili ako sa pwesto ko habang nakadungaw pa rin sa bintana. Nilibot ko ang aking mga mata sa paligid, mukha ngang impyerno ang lugar na ito.

Ilang sagit pa ay may napansin akong mga tao, este, demonyong naglalakad sa di kalayuan. Mga hindi ko sila namumukhaan pero nang magkaron ng agwat sa pagitan nila ay nakita ko ulit si Imy.

Si Imy nga ba ‘yon o kamukha lang nya?

Naalala ko pa ‘yong palitan namin ng tingin kanina. Kuhang-kuha nya ang mukha ni Imy kung ano man ang itsura nya nung bago sya biglang mawala. Sumagi din sa isipan ko na huling nagkita nga pala kami nong dinukot din kami ng mga demonyo. Teka? So ang ibig ba nong ipahiwatig ay umanib sya sa panig ng kalaban kaya naririto sya ngayon? Wala nang duda-duda pa, si Imy nga talaga sya! Pero she’s like a really different person now.

“Hoy!”

Napalingon ako sa malagom na boses na umagaw ng pansin ko, at nakita ang isang kawal na binubuksan yung selda ko. Sa likod naman nya ay may tatlo pang naghihintay.

Ano naman kaya ang kailangan nila ngayon?

“Pinapatawag ka na ulit ng hari.” sagot nung nagbubukas ng pinto.

“Bakit?” tanong ko.

“Malalaman mo nalang kapag nakaharap mo na sya.” sagot nya sabay pagkabukas ng pinto ay pumasok yung dalawang gwardya at hinawakan ako sa magkabilang braso bago iginaya palabas ng kulungan. Hindi na ako nagpumiglas at sumunod nalang sa kanila.

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon