Third Person’s POV:
Mistulang nag hang na laptop ang itsura ni Axelle sa mga nakita nya. Paulit-ulit na pumapasok ang katanungang ‘Totoo ba ito? Sila nga kaya iyon?’ sa kaniyang isipan.
“Axelle to Zyteria come in!”
“Ha???”
“Anyare sayo?” tanong ni Marry sa kaniya.
“’Bat parang natulala ka?” sabi ni Giselle.
“At nawala bigla sa mundo?” dugsong naman ni Hannah. “Ang gaganda at gwapo nila noh!”
“Ha??? Ah, O-Oo, y-yeah…”
“Ayos ka lang ba talaga Axelle?” paninigurado ni Marry.
“Y-Yeah, baka pagod ko lang ito kasi malayo pa ang pinanggalingan ko eh. Mauuna na muna ako sa dorm.”
Nagkatinginan yung tatlo niyang kasama sabay pahabol na tumingin sa kaniya habang nagsisimula siyang maglakad pabalik sa loob ng main building, taking one of the alternate door na nasa tabi lang.
Katulad ng nagtumpukang tao sa labas, ganon din ang estado ng paligid sa loob ng corridor na kailangan nyang daanan. Para bang may sikat na artistang daraan, o di kaya ay tsangge sa palengke.
Nakipagsiksikan nanaman si Axelle para makalusot sa nagkukumpulang mga estudyante. Sa dami nang nangyari sa kaniya sa araw palang na iyon ay mukhang hindi na kakayanin pa ng utak niya kapag may nangyari muling kabigla-bigla.
Maslalong nagiging crowded at masikip ang kaniyang dinaraanan nang pumasok sa loob yung mga High Nobles at Royals. Di maiwasan ni Axelle ang maramdaman ang ilang mga pagtutulakan ng mga estudyante.
“Excuse me. Excuse me po.” pasintabi niya sa kaniyang pakikiraan. Pero may isang parte na bigla nalang siyang natalisod sabay naitulak ng din sya ng malakas at hindi sinasadya nung isa pang estudyante dahilan nang mapaatras siya atmawalan ng balanse.
Hinintay niyang maramdaman ang pagtama ng katawan nya sa sahig pero isang pares ng kamay ang sumalo sa kaniya mula sa likuran, naka pulupot sa may likurang bewang nya yung isa at yung isa naman ay nakahawak sa kaniyang braso. Nanahimik ng konti ang paligid at natigilan ang halos lahat ng estudyante sa nasaksihan nila, sabay nakagising naman ulit si Axelle sa isa pang kamalasang natanggap nya nang maramdaman niya ang hininga nitong sumasagi sa tabihan ng kaniyang kanang tenga. Kaagad siyang bumalanse ng kaniya patayo sabay napatingin sa taong nakasalo sa kaniya.
Si Ivan.
Nanlaki ang kaniyang mga mata at napalingon sa paligid. Wala pa rin masyadong kibo ang lahat ng estudyanteng nakapalibot, sabay nakatingin din sa kaniya yung mga High Nobles at Royal na katulad ng iba ay natigilan din. Iniwasan niya ng tingin si Ivan at di naman sinasadyang magtama ang paningin nila ni Grei, sabay pandalas siyang tumakbo paalis sa corridor.
TIME SKIP…
Axelle’s POV:
Ungas ka Axelle! Ungas ka!
Argh! Ang tanga-tanga mo!
Bakit ba kasi kailangan mong maging lampa?! Hindi ka naman ganyan dati ah!
Argh! Nakakainis! Ngayon alam na nila na naririto ako! Maaaring mapahamak sina Chelsie at dad dahil dito!
Pagkabalik ko sa kwarto namin ay agad akong dumiretso sa banyo at don muna pansamantalang minukmok ang mga nangyari kanina. Naiinis ako sa sarili ko ngayon at the same time… nasasaktan din ako.
Bakit dito pa?
Bakit ngayon pa?
Hindi ko inaasahang dito rin sila pumapasok.
![](https://img.wattpad.com/cover/171801386-288-k964488.jpg)
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...