Axelle’s POV:
Halos siguro mga kalahating oras pa kaming apat naglakad bago namin matanaw yung mansion na sinasabi nina Vanessa na pwede naming matuluyan. Sa daan kanina may ilang mga demons na pagala-gala din kaming nakasalubong at buti nalang ay hindi nila kami nakita.
“Sigurado ba talaga kayo dyan?” tanong ko sa kanila.
“We’ll see. Tara.” sagot nitong si Gray Head sabay sya na ang nanguna sa aming paglalakad. Note, pasan-pasan pa rin nya ako sa likuran nya. Nangangalay na nga ako eh, siya lang talaga ang ayaw akong ibaba. But somewhat, I feel comfortable, kahit na mukhang tigasin sya ang lambot nyang yakapin… Argh! Heto nanaman ako! Erase! Leche!
Nang makalabas kami sa kapunuan ay sinalubong naman kami ng isang grassy area sa harapan ng malaki at mataas na bakod papasok sa mansion. Kanina pang madilim ang kalangitan at nagsisimula na ring magsilitawan ang mga bituin sa langit. Medyo nakakaramdam na rin ako ng lamig mula sa likod ko dahil natuyuan na ito ng tubig mula sa kaninang insidente. Pero sana mabait kung sino man ang tumatao dito sa mansion na ‘to para makapagpahinga naman kami ng maayos.
Naunang kumatok sa may gate si Ella at sa may di kalayuan at bumukas ang unahang pinto ng mansion at may lumabas na isang babae. Nakasuot siya ng mga damit na medyo pang medieval ang style. May dala siyang isang lampara habang naglalakad papalapit samin.
“Anong kailangan nyo?” tanong nito nang medyo makalapit.
Nalinawan kami sa kabuuan nyang itsura nang ilang metro nalang ang layo nya mula sa iron gate. Mukhang nasa middle 30’s ang edad nya, naka updo ang buhok at combination ng kulay dark green at forest green ang suot nyang floor length dress. Pero kahit na sa mukhang mabait ang kaniyang panlabas na itsura, wala pa rin akong maramdamang magiging safe kami kasama sya. Pero, alangan namang dito kami sa mapanganib na kagubatan magpalipas ng gabi? Baka di kami makatulog ng ayos.
“Madam, pwede po ba kaming makapagpalipas sa inyong tirahan ng kahit isang gabi lamang?” tanong ni Ella.
Pinagmasdan kami nung babae isa-isa bago bumalik kay Ella ang tingin.
“Sino kayo at saan kayo galing?” tanong nito sa kaniya.
This time, Vanessa stepped forward. “Mga manlalakbay po kami galing sa hilaga.” sagot niya.
“Hmmm…” sinuri ulit kami nung babae. “Oh sige… Pero isang gabi lang.” huling sabi nito bago may kinuhang susi sa kaniyang bulsa at binuksan yung malaking gate at iginaya kami papasok.
“Anong mga pangalan nyo?” tanong nito samin.
“Ako po si El…” pakilala ni Ella sa sarili nya. “Sya naman po si Nessa…” sabay turo kay Vanessa.
“Ako po si Aze.” singit ni Gray Head sabay medyo lumingon ng konti para tukuyin ako. “Sya naman po Xelle, kasintaha-” Kinurot ko sya sa balikat. “-Malugod ko pong kaibigan.” Hmp! Dadali nanaman sya ha!
“Ako si Madam Caroline, Madam Carol nalang ang itawag nyo sakin.” sabay mas nauna siya sa paglalakad. “Ako ang tagapangalaga ng mansion na ito, tahanan ng Pamilya del Rosal.” sabay binuksan niya ang dalawang naglalakihang double doors at pinapasok kami sa loob ng mansion.
Katulad ng inaasahan mo sa isang mansion, malinis, malawak at nasa ayos ang lahat, ang tanging kaibahan nga lang ay old style ang interior, maging ang exterior design ng building pero mukhang elegante. May ilang mga napadaang kasambahay din ang napapatingin samin.
“Karamihan sa kwarto ng mansion ngayon ay isinasaayos pa at yong iba ay hindi pwedeng magalaw, kabilin-bilinan ng may-ari. Pero may dalawang kwartong pwedeng ipagamit sa inyo sa itaas. Halika.” at nagsimula na syang umakyat ng rounded staircase paakyat sa second floor. Sumunod naman kami.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)