Chapter 56: Pride's Pride

581 27 3
                                        

Axelle’s POV:

Previously

Habang hinihigop nitong demonyong ito ang lakas ko, mabilis naman akong nag-isip ng paraan para mautakan sya bago pa ako tuluyang maubusan ng lakas.

“Wa-wait…” I manage to wispher. Ramdam kong tumigil sya sa ginagawa nya, pero hindi nya ako pinakawalan. “If you want my ability, I’ll give it to you whole!” sabi ko. Kumunot ang kaniyang noo na para bang nagtataka sa sinabi ko.

“Give me reasons, why should I negotiate with you?... You may be a trator.”

“N-no. I’ll give it to you! I swear! You don’t have to waste your time forcing the powers out from me, I’ll give it to you willingly.”

“And how are you going to do that?” ramdam kong lumuwag ang kapit nya sa leeg ko. Peste, bakit ba kasi di nalang nya ako bitawan?

“You need to show you’re the most powerful being of all, by means of duel, intelligence and tactics, but more importantly… you need to be cruel.” Kita kong napaisip sya sa sinabi ko. “If you did prove that you’re the most powerful being of all, this powerful dark energy will leave my body and will be passed onto you as its new master, you will feel it as a reward, and your ability will increase a hundred times more powerful than before!” sana di sya makahanap ng butas sa palusot ko.

“You’re lying…” medyo kinabahan ako sa sinabi nya matapos manahimik, pero pinanatili ko lang ang normal na emosyon ng mukha ko. “Fine, I’ll do as you said. But when I find out that you’ve been lying to me…” humigpit ulit yung kapit nya sa leeg ko, warning. “I’ll forcefully take your powers and turn you into ashes. Do you understand?”

“Y-yes.”

Hinagis nya ako sa isang sulok, bagama’t di naman ganon kalakas eh nanghihina pa rin ang katawan ko dahil sa ginawa nya sakin kanina. Buti nalang at mukhang isang disenteng silid itong pinaglipatan sakin at may malambot pang kama, makakapagpahinga ako ng likod ko mamaya.

Lumabas si Ilohama sa silid kasunod nito ang malakas nyang pagsara ng pinto at pagpitik ng mga lock sa labas. Walang bintana sa silid na ito at ang mga sulong naka sindi lang sa pader ang nagbubugay ng liwanag sa paligid. Hinaplos ko ang aking leeg kung saan nya ako sinakal, hanggang ngayon medyo mahapdi pa rin. Pag-alis ko ng aking kamay sa may parting mahapdi ay nakita kong may kaunting bahid ito ng dugo. Mukhang may sugat din ako sa leeg. Ang tindi kasi kung makakapit ng demonyong ‘yon.

Nilingon ko ang buong silid habang naka upo sa malambot na kama. Isang lamesa at bangko ang nasa kaliwang bahagi ng kwarto napapagitnaan ito ng dalawang malaking painting. Naalala ko tuloy yung mga gumagalaw na paintings mula sa mansion nung isang painter witch demon.

Sa kabilang bahagi naman, opposite sa may lamesa ay may isang malaking cabinet, halos mapapagkamalan mo nang closet. Dahan-dahan akong tumayo sabay binuksan ito, but only to reveal an almost empty space, maliban sa ilang mga sapot ng gagamba at alikabok at ang isang floor length mirror. Maliban sa mga bagay na iyon, wala na akong makitang pwedeng magamit ko para makatakas dito.

Bumalik ang tingin ko sa salamin. Pinagmasdan ko ang buong itsura ko, mula ulo hanggang paa. At ang tanging masasabi ko lang… sabog na sabog ang itsura ko ngayon. Isasara ko na sana yung closet nang may mapansin ako.

Nilapit ko muli ang aking katawan sa salamin, lalo na sa itaas na bahagi. Kitang-kita ko ang unti-unting paghilom ng sugat na natamo ko mula sa mahigpit na pagkakakapit sakin ni Ilohama. Tila ba may isang itim na usok ang nagpapagaling dito. Kaagad kong kinuha mula sa pinakatagong bulsa ng aking damit ang pin na binigay sakin ni Satan. Paglapat na paglapat nito sa palad ko’y nakaramdam ako ng mahinang pagtibok. Alam kong di galing sakin ang naramdaman kong iyon kundi sa hawak ko ngayon. Bumalik ang tingin ko sa salamin… wala na ang marka at sugat na natamo ko mula sa pagkakasakal na mukhang walang nangyari. Hinawakan ko pa ito ng isa kong kamay at napatunayang wala na nga!

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon