Axelle’s POV:
Nang matapos ang aming training sa kabilang dimension halos lahat ay nakahinga ng maluwag. Well… Not me. Nagi-guilty pa rin ako sa kung ano mang nagyari kay Gray Head, pinagsisihan ko tuloy ang aksyong ginawa ko. He had put his life in danger again because of me, making me sound so helpless and depended, isama na ang useless. Ella and the other healers successfully healed his wounds, pero may lason pa ring naiwan sa katawan nya, kailangan daw nya ng cleansing at tanging magagawa lang nya ‘yon sa home city nya, kaya malamang ay pinadala sya ng academy pauwi muna sa kanila. Nagkaron ng pulong ang officials at teachers ng academy kasama ang ilang board, tumagal ito ng halos kalahating oras, isa sa mga tinalakay nila ang pagpaparamdam daw ulit ng isang demon sa loob ng academy habang wala kaming mga SK at ang napagdesisyunan nila na walang matatanggal samin. Na special mention pa ako kasi nabawasan ang puntos ko dahil nga sa nangyari, pero konti lang naman, I’m still qualified to be part of the SK.
I feel so totally down right now. Ilang oras pa lang ang nakakaipas magmula nang umalis sya dito sa academy, hindi pa rin mawala sa isip ko ang mag-alala. Sana maging OK sya.
Walang pasok ngayon kasi 3 Day Rest Day namin. Sa looban ng isang buwan bago ito magtapos mayron talagang rest day, akalako nga nong una puros aral at trainings lang dito. Sinamantala nung karamihang mga estudyante na gumala o umuwi sa kanila, also there are a few spirits na nagdesisyong mag-stay nalang dito sa academy at mag advance study o di kaya’y magtraining, especially yung mga gustong tumaas ang rank o points. Isa na ako sa mga naiwan pero wala pa akong ganang magtraining o di kaya ay mag-aral isa pa… tutal, wala naman talaga akong ibang pupuntahan dahil wala naman akong kamag-anak dito.
I miss them. My family. Kamusta na kaya sila? Sana hindi nila ako kinakalimutan kahit wala na ako sa dati kong mundo. Maaaring misteryo sa kanila kung bakit ako namatay. Nahanap kaya nila ang katawan ko? Naimagine ko nalang na pinaglalamayan nila ako. I want to see them again, pero mabilis akong sinundo ni evil kamatayan.
Ilang saglit pa’y may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga saking kama tsaka pinagbuksan yung kumatok.
“KC? Akala ko umuwi ka din?” tanong ko sa kaniya pagkakita palang sa mukha nya.
“Nah… Nasa bahay yung makukulit kong mga pinsan, sasakit lang ang ulo ko. Anyway, may naghahanap nga pala sayo.”
“Sino?”
“Marry, Hannah at Giselle ata ang pangalan nila.” di nya siguradong tugon.
Madali akong lumabas ng aking silid, sinundan naman ako ni KC. Napahinto ako sa may sala ng aming HQ at nakitang magkakatabi silang naka-upo sa isang mahabang sofa.
Si Hannah ang unang tumakbo papunta sakin sabay yakap ng naaka-higpit. Medyo chubby sya kaya kaya nyang sakupin ang buong katawan ko.
“Ha-Hannah, di ako makahinga.” ang higpit pa nung kapit nya.
“Oops, sorry. Hehehe.” bumitaw sya sakin at tumayo na rin sina Marry. Samantalang pumunta sa kusina si KC para maghanda ng pwede naming makain.
“Hindi mo na kami nabibisita.” naka pout na sabi ni Marry.
“Sorry guys, naging busy lang ako.” sagot ko naman.
“Nabalitaan nga namin na maaga kayong isasabak sa training ngayong taon.” sabi ni Giselle. “Kamusta?”
“Ang alin?” painosenteng tanong ko.
“Yung unang training…” pagpapatuloy nya.
“Ayos lang naman, pero ayokong pag-usapan.” napansin nila ang pagiging malumanay ng boses ko kaya di na nila tinuloy ang pagkukwestyon. I’m glad. “Kayo, kamusta na ang mga studies nyo?’ tanong ko naman sa kanila.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)