Third Person’s POV:
HELL
Nasa kaniyang opisina si Lady Samantha habang inaayos ang ilang potions na kaniyang ginagawa nang may kumatok mula sa pintuan.
“Pasok.” Utos niya. Pumasok ang isang kawal ng palasyo at nagbigay-galang sa kaniya. “Anong pakay mo?” tanong ni Samantha.
“Nagising na po si Lord Ramis.” Balita nito.
Napatayo sa kaniyang upuan si Samantha at may gumuhit na ngiti sa kaniyang mga labi.
“May iba pa bang nakakaalam?” umiling ang kawal. “Kung ganon, bumalik ka na sa trabaho mo at wala kang ibang pagsasabihan nito, maliwanag ba?”
“Masusunod po.” Sagot nito sabay lumabas ng silid.
Shortly after, lumabas na rin ng kaniyang silid si Samantha at madaling tumungo sa isang isolated na kwarto kung saan naroroon si Lord Ramis. Nagbigay-galang ang dalawang bantay sa kaniyang pagdating at saka pinagbuksan sya ng mga ito ng pinto. Dirediretso syang pumasok at natagpuang nakamulat na nga ang mga mata ni Lord Ramis at tahimik itong nakatingin sa kisame.
Huminto sya sa paghakbang papalapit sa matandang nakahimlay at nagsalita ito. “Maligayang pagbabalik sa Spirit Realm…” bati ni Samantha.
Nilingon sya dahan-dahan ni Lord Ramis. At nang magtagpo ang kanilang mga mata ay isang ngiti ang gumuhit sa mukha ni Samantha, ngunit hindi iyon ngiti dahil sa sya’y nagagalak, kundi ngiti nang may binabalak. Pagkalito naman ang umukit sa mukha ni Lord Ramis at nabasa kaagad ito ni Samantha.
“Alam kong marami kang katanungan dyan sa isipan mo. Kung gusto mo pwede ka nang magsimulang magtanong habang wala pa akong ginagawa.”
“Pano ako napunta dito? Ang akala ko-”
“-Patay ka na?” pagputol ni Samantha. “’yon din ang akala ng nakararami, maliban na lang kay Jalvirus, sakin at sa ilang piling mga kakampi naming nakaka-alam ng sikreto. Ang akala nila’y namatay ka na ng tuluyan dahil sa isang plane crash sa mundo ng mga mortal.”
“Plinano nyo ‘yon.”
Napangiti si Samantha. “Oo, matagal na ‘tong nakaplano Lord Ramis. Kasama na don ang sinasadyang pagbagsak ng eroplano mo.”
“Mga walang hiya kayo! Dinamay nyo pa ang mga inosenteng kasama ko!” gusto mang gumalaw ni Lord Ramis ay hindi nya magawa. May kung anong enerhiyang naka ballot sa kaniya keeping him chained on his bed.
“Wala akong pakialam sa kanila. They’re just mortals, mas bagay silang alila. Pero hindi ka ba nagtataka kung bakit ka namin dinala dito sa impyerno?” hindi sumagot si Lord Ramis. “Ikaw, matanda, ang may hawak ng sangkap na kailangan namin para mabuksan ang lagusan patungo sa makapangyarihang dragon.”
“Patayin nyo nalang ako! Dahil kahit anong gawin nyo hinding-hindi nyo makukuha sakin ang sagot!” galit niyang bulyaw sa babae.
Binalewala ni Samantha ang sinabi ng matanda at nagpatuloy sa pagsasalita. “Alam na naming sasabihin mo ‘yan, ngunit may suspetsa na kami kung nasan ang susi at pano ito buksan, kailangan nalang namin ng kumpermasyon.” Hindi pa rin nagsasalita si Lord Ramis.
Nilabas ni Samantha mula sa kaniyang cloak ang kaniyang wand at isang parisukat na telang kulay itim. Pinalutang niya iyon sa ere at pinahinto sa tapat ni Lord Ramis. May kung anong spell syang binulong sa hangin tsaka lumabas ang isang imahe sa itim na tela. Hindi pa rin nagsasalita si Lord Ramis.
“Malapit nang maghari ang kasamaan sa lahat ng dako.-” tumingin sya kay Lord Ramis. “-At sa oras na ‘yon, sisiguraduhin namin na kami ang makakalamang.”
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)