KABANATA 11

7.1K 237 15
                                    

Pagmamahal Ng Isang Ina

×××

“Kabayo?”

Napangiwi ang mukha ni Alecxie nang makita ang kabayo na sinasabi ni Cassian na sasakyan nila. Hindi niya pa nasusubukan na gawin iyon, kaya kinakabahan siya. Mabuti na lang at nasa tabi niya ang binata na tila pinararamdam sa kaniya na hindi siya dapat mabahala.

Nauna itong sumampa sa kulay itim nitong kabayo at tsaka siya may pag-iingat na inalalayan. Naupo siya roon ng patagilid. Medyo alanganin man ay hinayaan na lang niyang magpatangay sa nangyayari.

Dahil nasa likuran niya nakaupo si Cassian ay parang yakap siya nito nang hawakan nito ang tali na magko-kontrol sa kabayo.

Sa unang paghakbang ng kabayo ay mariing napa-pikit si Alecxie. Pakiramdam niya ay mahuhulog siya roon. Mabuti na lang at nakaipit ang katawan niya sa pagitan ng matitipunong braso ni Cassian. Kung hindi ay baka kanina pa siya lumagapak sa lupa. Salamat narin at mabagal lang ang pagpapatakbo nito sa sinasakyan nila.

“Lady Seren. Iyon ba ang pangalan mo?” pagbubukas ng usapan ni Cassian.

Sa lapit ng bibig nito sa tainga niya ay nagtayuan ang balahibo niya sa katawan dahil sa hanging ibinubuga nito. She felt weird. Imbes kasi na mairita ay parang kinikilig siya.

Kinikilig siya? Nababaliw na ata siya.

Nagdilat na siya ng mata. Medyo nakalayo na sila sa lugar kaya naisip niya na mission success ang ginawa niya.

“Oo. Iyon nga ang pangalan ko. I am Lady Seren of Forsythe family. Ikaw, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?” pagpapakilala niya.

Katahimikan lang ang naging sagot ni Cassian. Kahit hindi naman ito magpakilala ay kilala na niya ito. For formality lang iyon. Hindi niya naman kasi pwedeng sabihin na alam na niya ang pangalan nito.

“Bakit pa? Sa tingin ko, hindi naman mahalagang makilala mo ang kagaya kong walang halaga...” halos pabulong na sagot ni Cassian.

Sa hina ng pagsasalita nito ay nahirapan siyang hamigin ang mga binitiwan nitong salita. Basta narinig niya ay hindi ito mahalaga.

Ang dami nitong hanash. Ayaw lang yata nitong ipaalam ang pangalan sa kaniya.

Ganito talaga si Cassian sa kwento. Palaging minamalit ang sarili. Kahit hindi dapat ay itinuturing nito na walang halaga ang sarili. Ang hindi nito alam, kung wala siya ay walang kwenta ang kwentong iyon.

“Ok. So ayaw mong sabihin ang pangalan mo? Ano pala ang itatawag ko sa’yo? Teka, pwede naman kitang bigyan ng pangalan. Alam mo mahilig ako magbigay ng pangalan. Iyong aso naming alaga, ay ako ang nag-isip ng pangalan nun. Tsaka may alaga rin kaming ibon dati, ako rin ang nagpangalan doon.” mahabang sambit ni Alecxie.

Hindi niya alam kung may saysay pa ba ang mga sinasabi niya. Hindi niya naman makita ang mukha ni Cassian dahil nag-aalangan siya na lumingon sa gawi nito at baka magkapalitan sila ng mukha.

Pero gusto niya lang naman kasi na magaan ang ambience nilang dalawa. Kung pwede nga ay maging close kaagad sila.

Dapat silang maging magkakampi. Pareho kasi sila ng ending kaya kailangan nilang magtulungan upang mabago iyon. Iyon ang naiisip niya kaya gagawin niya ang lahat para makuha ang tiwala at loob ni Cassian. Bonus na lang kung magustuhan siya nito, hehe.

“Sige.” matipid na sagot ni Cassian.

“Sige? Pumapayag kang bigyan kita ng pangalan? So you’re going to be my pet then?” mahinang natawa si Alecxie sa huling sinabi.

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon