“Ah, Kamahalan... Sa tingin ko, hindi tama na ipagawa mo sa mga matitipunong knights ang ganito? Alam mo bang nakakahiya kung may makakakita sa amin na nakasuot ng ganito ha?” reklamo kaagad ni Argus nang mapagmasdan ang mga naging itsura nila.
Mababakas ang labis na pagtutol sa kaniyang mukha. Paano ba nama’y naka-suot siya ngayon ng isang costume; bilang kulay pink na baboy. Pagkatapos ay naroon pa sila sa gitna ng kagubatan. Paano niya magagawang ngumiti kung pagtapak pa lang nila doon ay inaalala na niya na baka may makakita sa kaniya na ganoon ang itsura.
Paano kung may makalusot sa mga kawal na nagbabantay sa labas ng kakahuyan na iyon at makita sila?
Tiyak na magiging katatawanan ang Royal Dark Knights 'pag nagkataon. Tiyak na masisira ang imahe nila, na matagal rin nilang inayos at pinaganda.
Hindi ba nag-iisip ang Kamahalan?
“Anong nakakahiya? Ayos nga ito e. Ang ku-cute natin. Para tayong dadalo sa isang costume party.” sagot sa kaniya ni Damian.
Kung gaano katutol si Argus sa suot na damit ay kabaliktaran naman si Damian na halatang masaya sa suot na tiger costume. Kanina pa nito pinaglalaruan ang sariling buntot at nagme-make face na parang mabangis na tigre. Tapos paminsan ay tumatalon-talon pa ito. Parang batang binihisan ng paboritong damit ang loko.
“Sa akin, okay lang naman. Para naman ito kay Lady Seren, kaya ayos lang.” ani Victor naman. He was wearing a deer costume. Kulay brown iyon ay may nakatayong sungay na bahagyang sumasanga-sanga.
“Ako, wala rin akong problema sa suot ko.” wala ring tutol si Raymond sa suot nito. He was a green turtle. Kaya lang, imbes na gumagapang ito sa lapag ay nakatayo ito na parang naglalakad na pagong.
Really? A turtle? They were supposed to be wild animals, tapos may kasama silang pagong? Hindi naman hina-hunting ang pagong ah!
“Seryoso Kamahalan? Ba't may pagong dito?” Lingon ni Argus kay Cassian na lumingon naman kay Raymond kapagdaka.
Natawa lang ito nang makita ang itsura ni Raymond. “Wala na akong mahanap na ibang costume ng hayop e, kaya yos na ‘yan.”
“Simulan na lang natin ‘to para matapos na.” bigla namang singit sa kanila ni Levi.
Levi was wearing a white bunny costume. May malaki iyong tainga na halos umabot na sa lupa. He was not happy about his costume nor mad. Wala lang. Parang wala lang sa kaniya ang suot, as if he was only wearing ordinary clothes.
Hindi niya rin masabi kung iritable ba ito sa suot o hindi dahil wala namang pagbabago sa reaksyon na nakapaskil sa mukha nito.
So siya lang ba ang may issue sa suot nila? Unbelievable!
“See... Ikaw lang talaga ang reklamador, Argus!” palatak ng tawa si Cassian. Mahina siya nitong itinulak sa balikat kaya napanguso na lang siya.
Nilingon niya at sinamaan ng tingin si Cassian na patuloy lang s pagtawa. Ang yabang! Porket nakasuot lang ng lion costume ang loko, ang feeling ay king of the jungle na.
Well, siya naman talaga ang Hari kaya mayabang e.
“Asan na ba kasi si Lady Seren para masimulan na natin ‘to.” Nguso na lang ni Argus.
Tutal mukhang siya lang naman ang nag re-reklamo ay gusto na lang niyang matapos iyon para makapagpalit na siya ng damit at makabalik na bilang isang matikas na knight na titinitilian ng mga babae.
“Papunta na sila. Mag-intay na lang tayo sandali.” Lingon ni Cassian sa daan na panggagalingan ng kanilang iniintay.
This is for Seren. Right. Iyon na lang rin ang iisipin ni Argus para hindi na siya maasar.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasíaAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...