KABANATA 8

8K 234 9
                                    

Meeting The Main Lead

×××

Pinasadahan ng tingin ni Alecxie ang sarili sa salamin. Ilang beses na niyang nakita si Seren pero hindi pa rin siya nasanay. Naninibago pa rin siya na makita ang sarili sa ganoong itsura.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi. Ngayong araw ay iba ang itsura niya. Malayo ito sa unang Seren na natitigan niya sa salamin. Light make up look lang kasi ang ginawa niya sa mukha. Iyong pulang-pula nitong lipstick ay itinapon niya. Gusto niyang baguhin ang character ni Seren sa kwentong iyon kaya balak niya iyong simulan sa kaniyang itsura.

Nariyan na naman ang tingin ng mga katulong na parang labis ang pagtataka nang makita ang ayos niya. Ano ba’t masasanay rin sila.

Si Mattie lang yata ang masaya nang makita siya sa ganoong ayos.

“Ang ganda mo ngayon, Lady Seren.” anito habang inaalalayan siya sa pagsampa sa karwahe.

“Salamat.” I know, right. Ngisi niya sa isip.

Papasok siya ngayon sa school.

Oo nga pala. Bakit kailangan pa niyang pumasok? Pwede bang lumipat na lang siya ng school?

“Mattie, may ibang paaralan ba sa lugar na ito?” tanong ni Alecxie sa dalagang kasama niya sa loob ng karwahe.

“Bakit? Hindi ba’t pangarap mo ang makapag-aral sa Steren Endowed School dahil doon nag-aaral si prinsepe Magnus Fordham.”

Oo nga pala. Maraming alam si Mattie sa kaniya. Alam nito ang feelings ni Seren kay Magnus dahil ito ang palagi niyang ka-kwentuhan. Si Mattie ang nag-iisang pinagkaka-tiwalaan ni Seren pero sa huli ay ibebenta at ituturo siya nito sa mga taong naghahanap sa kaniya. Ito ang nagdala sa kaniya palapit sa kamatayan.

Pero kahit ganoon ay wala siyang galit dito. Para sa kaniya ay hindi naman masamang kaibigan si Mattie. Naipit lang ito dahil pinagbantaan na papatayin ang nag-iisa nitong pamilya. Ang ina nito ang dahilan kaya siya nito nagawang pagtaksilan. Natakot lang ito na mamatay ang ina kaya nagawa siya nitong ituro. Kung siya man ang nasa kalagayan nito ay baka ganoon rin ang gawin niya.

“Gusto ko ng magbago ng pangarap. Gusto kong baguhin ang buhay ko para naman hindi ako manatiling miserable.” sagot ni Alecxie.

Tumingin sa gawi niya si Mattie. May pag-aalala na nakapaskil sa mukha nito. “Kung magsalita ka, parang hindi ikaw si Seren. May nangyari ba at ayaw mo na kay Magnus? Dahil ba ito sa pagkalunod mo kahapon?”

Iyong pagkalunod niya sa lawa? Iyong nangyari kahapon.

Mabuti na lang at parang kabuti na bigla na lang lumitaw sa isipin niya ang alaalang iyon. Kahit iyong ibang alaala ni Seren ay parang mga alaala niya na bumabalik. Lalo niya pa tuloy kinaaawaan si Seren. Base kasi sa memorya na mayroon ito ay ramdam niya ang paghihirap ng puso nito.

Nakilala ni Seren si Magnus dahil sa ginawa nitong pagliligtas sa kaniya nang bata pa sila. Aksidente kasing nahulog ang laruang kahoy ni Seren sa isang pond. Sinubukan iyong kunin ni Seren pero nahulog ito sa pond. May kalaliman ang pond na iyon kaya mabilis na lumubog ang maliit na katawan ni Seren sa tubig. Mabuti nalang at nakita siya ni Magnus. Dumating ito sa tamang oras kaya nailigtas siya nito.

Pagkatapos niyong nangyari ay naging mabait na si Seren kay Magnus.

Magkaibigan ang ina ni Seren at ina ni Magnus, kaya naging daan iyon para lagi silang magkita. Habang lumalaki sila ay mas nagiging malapit sila sa isa’t isa ni Magnus. Palagi silang nagkikita at naglalaro ng taguan at habulan noong bata pa sila. Kaya lang, nang magsimula na silang mag-aral ay nagsimula ng lapitan ng mga prinsesa si Magnus. Ang dami na niyang naging kaagaw sa atensiyon nito. Para kasi itong bituin na lumilitaw ang pagkinang kapag nasa maraming tao. Siguro dahil ito ang lalaking main lead ng kwento. Malamang talaga na makuha nito ang atensyon ng lahat.

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon