CHAPTER 107: Still Care

2.5K 74 2
                                    

“Haissst... Pwede ba huwag mo na ngang banggitin 'yan!” awat ko na kay Jetzon. 

Ang kulit naman kasi. Talagang tuwang-tuwa ang loko na sariwain ang unang beses naming pagkikita doon sa bar. Ang sarap pa ng ngiti nito habang nagku-kwento. I bet, he was imagining things. Iniisip ko pa lang na ini-imagine niya ang mga pinaggagawa ko noon ay 'di ko mapigilang makaramdam ng matinding hiya sa kaniya.

I was not like that, pero iyon ang naalala niya kaya nahihiya ako.

Naman kasi e. I was drunk that day. Kung anuman ang nagawa ko noon, nagawa ko lang iyon dahil lasing ako.

Natatawang inagaw ni Jetzon ang hawak kong pouch na itinatabon ko sa mukha ko habang nag-uusap kami. Alam kong wala namang nakaririnig sa amin dahil lumayo kami sa karamihan pero— hindi kasi ako sanay sa ganitong topic.

“Seryoso Alecxie? Nahihiya ka talaga? Nahihiya ka sa sarili mong asawa?” tumatawang sabi ni Jetzon.

Lalo lang akong pinamulahan ng mukha dahil sa sinabi niya. “A-asawa mo? A-ano bang sinasabi mo?”

“Remember, we already got married? Asawa na kita 'no. Natutulog na nga tayo ng magkatabi e.” He giggled.

Agad ko naman siyang pinatagil sa pamamagitan ng pagtakip sa bibig niya gamit ang kamay ko. Kasi naman... Napakadaldal niya. Parang masyado siyang komportable sa pagkausap sa akin. Siguro dahil nasanay na siyang kausapin ako ng ganoon, bilang si Cassian.

“Shhhh... Ano bang mga pinagsasabi mo diyan. It was just a dream. Hindi mo pwedeng sabihin iyan dahil hindi naman iyan totoong nangyari, ano.” pag-awat ko sa kaniya.

Kinuha naman ni Jetzon ang kamay kong nasa labi niya at ibinaba iyon tsaka seryosong tumitig sa akin. “Then, let's make it real. Marry me Alecxie.”

Napakurap-kurap ako. Totoo ba 'to? This guy was proposing to me? Bakit parang ang bilis lang sa kaniya na mag desisyon ng ganoon? Ganoon na ba siya ka-sigurado sa akin?

“Sandali naman.Ba't ang bilis naman... Pwede bang bigyan mo muna ako ng time na mag-isip?” 

Oo, I like him when he was Cassian. Pero... This is the real world. Ayokong magpabigla-bigla. Ayokong magmadali kami sa bagay na iyon. 

“I'm sorry. Masyado lang akong na-excite. You are right. We should take it slow.” Tipid na ngiti ni Jetzon. Napayuko siya.

Mababakas mo ang lungkot sa mukha niya. He bit his lips. Katulad ng palaging ginagawa ni Cassian kapag nagiging emotional ito. Siya nga ang lalaking iyon.

I took his hand. Napatigil naman siya sa pagkagat sa labi niya at muling ibinalik ang tingin sa akin.

“Let's start with a date. Mas maganda kung magsisimula ulit tayo, hindi ba?”

Agad umaliwalas ang mukha niya sa sinabi ko. Ang bilis palang pasiyahin ng loko.

“Date? That's a good idea. Sige. Mag date tayo bukas.”

I agreed to that. Gusto kong mas makilala pa siya bilang si Jetzon kaya naman iyon ang naisip kong paraan para magawa iyon.

ᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐ

After the birthday party. Doon ko lang nalaman na wala naman talagang may birthday. Pakana lang pala iyon ni Ohru para mapapunta ako at makilala ko si Jetzon.

He really searched for him. Nakatutuwa dahil hindi niya sinunod ang gusto kong huwag na lang hanapin ang soulmate ko na yun. Thanks to him, naging masaya ulit ako.

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon