KABANATA 5

8K 222 6
                                    

Accident

×××

"You really like this kind of game ha. Loko ka talaga." Hampas ni Fiona sa balikat ni Francis.

Hindi siya tanga para hindi maintindihan ang nangyayari. Sa paraan ng pag-uusap ng dalawa ay alam niyang may malanding ugnayan ang mga ito.

Pero bakit?

Ang tagal na niyang kilala si Fiona kaya hindi niya maintindihan kung bakit nito ginagawa ang ganoon sa kaniya.

"Same as you. Kaya nga compatible tayo e."

Napaatras si Alecxie nang makita ang paghalik ni Francis sa labi ni Fiona. Para siyang hinagisan ng paputok sa mukha. Tinamaan ang mukha niya pero ang puso niya ang labis na nasaktan.

Ayaw niyang paniwalaan ang naririnig at nakikita pero hindi niya kayang lokohin ang sarili nang sandaling iyon.

Ramdam niya ang pagkadurog ng puso niya at tila nagkapira-piraso pa. Dahil sa matinding pagsakit niyon ay nahawakan niya ang sariling dibdib.

Hindi siya makapagsalita. Tanging pagluha ang nagawa niya. Para siyang naubusan bigla ng lakas at nawala sa sariling katinuan. Hindi niya nga namalayan na naglalakad na siya na parang wala sa sarili.

Hindi niya gustong magpakita sa dalawa dahil pakiramdam niya ay magmumukha lang siyang kawawa. Ayaw niyang makita ng mga ito na miserable siya habang pareho silang nagdiriwang sa panloloko sa kaniya.

"Ano ba 'yan." reklamo ng isa sa nabangga niya.

Ang dami niyang naririnig na bulungan pero walang malinaw sa pandinig niya. Parang lahat mga echo lang.

Ganito pala ang pakiramdam ng betrayal. Hindi niya alam na ganoon pala iyon kasakit na parang sasabog ang dibdib niya dahil sa galit. Kung tutuusin ay gusto niya nga na magwala pero hindi niya magawa dahil nanghihina siya.

Nanginginig ang mga tuhod niya at nakaramdam rin siya ng pagkahilo.

Bakit? Bakit nagawa ng dalawang taong pinili niyang pagkatiwalaan na lokohin siya? Ano ba ang masama niyang ginawa sa dalawa?

"Pwede ba tigilan mo na si Fiona. Hindi ka pa ba nagsasawa sa paninisi sa kaniya? Ano ba ang gusto mo ha Kate? Magalit ako sa nag-iisang tao na nakauunawa sa akin?"

"Alecxie naman... Bakit ba ayaw mo akong pakinggan? Sinabi ko na ngang si Fiona ang nagpakalat ng tsismis na buntis ka raw. Narinig ko mismo na may kausap siya sa phone. Bakit ba ayaw mong maniwala?"

"Maniwala Kate? Pagkatapos ng mga ginawa mo ay dapat pa nga ba kitang pagkatiwalaan ha?"

"Kung hindi mo ako kayang paniwalaan, bakit si Fiona nagagawa mo? Dahil ba sinasabi niya ang lahat ng gusto mong marinig ha? Syempre sasahihin niya iyon dahil gusto niyang makuha ang loob mo. Baka nga mamaya ay inaahas na niya ang boyfriend mo."

Isang malakas na sampal ang ginawad ni Alecxie sa pisngi ni Kate nang marinig ang huli nitong sinabi.

Hindi na talaga niya maintindihan ito. Kung bakit palaging may nasasabi itong masama kay Fiona. Parang akala mo ay ang dami nitong alam sa babae na hindi niya alam.

Tama. Mukhang marami nga itong alam na hindi niya alam. Mali. Alam niya na iyon dahil sinasabi naman iyon sa kaniya ni Kate pero pinili niyang hindi paniwalaan.

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon