CHAPTER 88: Horace And Ohru

1.8K 45 1
                                    

Horace... I mean, Ohru explained everything.

Ngayon malinaw na sa'kin ang lahat. Alam ko na, kung bakit ang tagal ko ng hindi nakakausap si Ohru. It was because this assh*le brought himself back to this book and made himself a prince.

Ang tarantado. Kaya pala hindi ko ito matandaan bilang si Horace na kababata raw ni Seren ay dahil ginawa lang pala nito ang prinsepeng iyon. Horace was a new character. A character made by Ohru himself na isa na ngayong nagtatagong prinsepe.

He was a prince accused of  something he didn't do, at ngayon ay nagtatago na siya na parang kriminal.

“Ohru naman... laro lang ba ang lahat sa'yo ha? Masaya ka ba na pinaglalaruan ang buhay ng mga taong nasa sa paligid mo?” I pushed Ohru.

Kung mayroon lang akong sapat na lakas ay baka kanina ko pa siya binugbog. But I'm so exhausted. Tila nahigop na ang lakas ko nang natuklasan ko kanina patungkol sa bagong konsorte ng Hari.

“I'm sorry. Hindi ko naman naisip na aabot tayo sa ganito.”

“So what were you thinking then? Imbes na tinulungan mo akong makaalis na sa aklat na ito ay mas pinatagal mo pa ang pananatili ko dito. Alam mo ba kung gaano na kadaming hirap ang pinagdaanan ko sa pekeng buhay na ito ha?”

“Alecxieee...”

Bumuga ako ng hangin. Alam kong wala ring pupuntahan ang pag-uusap namin kaya tumayo na ako at tinungo ang pintuan. Bubuksan ko sana iyon para palabasin na si Ohru pero tinakbo niya ako at hinila pabalik sa kama.

“Wala akong mapupuntahan. Please, gawin mo akong tagasilbi. Don't just push me. Alam mo ba kung gaano kahirap bago ako nakapasok dito ha?” anito.

Napatirik ang mga mata ko nang marinig iyon. Nang ibalik ko ang tingin sa kaniya ay parang gusto na siyang lamunin ng buo.

“So this is about you again, right? Kailangan mo ng tulong kaya mo ako hinanap. Wow. Just wow Ohru. Ang galing.” sarcastic kong sambit.

Napayuko tuloy ng ulo si Ohru. “Pangako. Gagawa ako ng paraan para makabalik na tayo sa totoong mundo. Just please, help me. I need a place to stay. Wala na talaga akong mapupuntahan pa.”

He has nothing except me. Pareho kami ng pinanggalingan kaya alam kong wala siyang ibang pwedeng lapitan bukod sa akin. Kapag pinagtabuyan ko siya ay konsensiya ko oras na may nangyari sa kaniya sa labas lalo pa't sinubukan niya namang lumapit sa akin.

I guess... I don't have a choice then.

Bumuga ako ng hangin. “Fine! Hindi naman ako ganoon kasama para pabayaan ka na lang na bigtiin dahil sa pagpuslit mo dito sa Palasyo. Ay ewan! Basta tandaan mo, galit pa rin ako sa'yo!”

Nagulat na lang ako nang yakapin ako ni Ohru. He hugged me so tight.  Mayamaya naramdaman ko ang kakaibang pag-iyak niya.

For a guy, he was a soft one. Hindi ako sanay na nakakakita ng lalaking umiiyak, kaya sinubukan ko siyang pakalmahin. I hugged him and caressed his back.

Hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan ni Ohru sa nakalipas na taon pero sa tingin ko, hindi iyon madali. Hindi katulad ko na may mga taong masasandalan... Siguradong si Ohru ay mag-isa lang na hinarap iyong lahat.

Psh! Siguradong sising-sisi siya sa ginawa niyang pagbalik sa lugar na iyon.

“Thank you Alecxie. Pangako, hindi ko makakalimutan ang utang na loob na ito. Promise, babawi talaga ako sa'yo.”

ᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐ

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon