“Alecxie...”
Bahagyang napatalon pa si Alecxie nang marinig ang pagtawag sa kaniya ni Ohru. Dahil bigla na lang itong sumulpot sa harapan niya ay kumalabog ng malakas ang dibdib dahil sa gulat.
Kung bakit naman kasi parang nagtatago ito e.
“Ano ba. Nanggugulat ka naman e.” sermon niya sa binata.
Imbes na pansinin ang pani-nermon niya ay kinuha nito ang kamay niya tsaka siya sinimulang hilahin. Dinala siya ni Ohru sa green house kung saan niya ito unang nakita. Doon sa mismong pwesto kung saan ito nakaupo. Pabagsak nitong inihagis ang katawan sa upuan bago tumingala.
“Someone's controlling me.” pagbubukas nito ng usapan.
Naupo rin siya sa tabi nito. “Ah ha.”
“Alecxie. May kumu-kontrol at naglalaro sa akin.” Duro ni Ohru sa langit.
Parang may nakikita ito sa itaas na kahit anong gawin niya ay hindi naman niya nakikita.
“Ano bang sinasabi mo?”
Mula sa pagkakatingala ay dinala ni Ohru ang tingin sa kaniya. “Iyong nangyari kanina sa music room. It was not my doing. I mean, nang oras na iyon ay parang wala ako sa sarili na naglakad patungo roon. Not knowing na naroon pala kayo ni Cassian. Ang alam ko lang nasa library ako nun. Tapos bigla na lang akong tumayo at naglakad ng walang patutunguhan. Parang bigla akong nawala sa sarili ko na hindi magawang kontrolin ang mga paa ko.” paliwanag nito.
“You mean?”
“May naglalaro sa akin. And I am sure about who he is. Siya rin ang dahilan kung bakit ako nasa loob ng kwentong ito.” Muling tumingala si Ohru. Sabay sinamaan niya ng tingin ang kung sinuman na nasa itaas. Pagkatapos ay itinaas niya pa ang gitnang daliri para ipakita sa kung sinuman ang sinasabi nitong nanonood mula roon.
“G*go ka Emit! Humanda ka talaga sa'kin kapag naalis ako sa librong ito. Titirisin talaga kita ng buhay!” Inis na sambit ni Ohru. As if he was talking to the clouds.
Nasisiraan na yata ito.
“Who's Emit?” tanong ni Alecxie.
“Ang tarantado kong kaibigan.”
“At may kakayahan siyang gawin iyon? Ang ilagay ka sa loob ng librong ito?”
Mula sa pagkakatingala ay muling ibinalik ni Ohru ang tingin sa kaniya. “Like I was saying the other day. Ang pagdating mo sa lugar na ito ay dahil iyon sa hourglass. Ikaw lang dapat ang nandito. Dahil ito ang paraan para magkasama kayo ng soulmate mo. About me, it was that assh*le idea. Malamang nahuli niya akong nagbabasa at napagtripan na isali sa kwentong ito. He even removed my powers para lang hindi ako makaalis dito. Talaga lang. Humanda sa akin ang tarantadong iyon.”
“You mean, that Emit you are talking. Binabasa niya at binabago ang libro ngayon?”
“Exactly.”
“Para lang pag tripan ka?” hindi kumbinsidong tanong ni Alecxie.
“Ang tarantado!”
“Wow. Anong klase ng mga nilalang ba kayo?” Marahang isinandal ni Alecxie ang likod sa punong naroon. Matigas iyon pero satisfying.
Hindi pa nangangalahati ang araw na iyon pero parang ang dami ng nangyari. Too much information is killing her brain right now.
“Hindi ko ba nasabi sa'yo. We are like modern cupids. Tumutulong kami na magtagpo ang dalawang tao na itinakda para sa isa't-isa.”
“Oh, my soulmate?”
“Right.”
“So nasaan na ang soulmate ko? Dinala mo ako sa librong ito tapos hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang soulmate ko. Akala ko ba, siya ang dahilan kung bakit ako nandito?”
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...