CHAPTER 79: Loyal

1.7K 57 1
                                    

Bago lumabas si Cassian sa kanilang meeting room ay hinabol ito ni Argus para banggitin ang tungkol sa hunting season na napag-usapan nila noong nakaraan ni Seren.

“Oo nga pala. Sa next hunting season, baka pwedeng isama natin si Lady Seren?”

“Who? My Seren?” kunot-noong tanong ni Cassian.

“Oo. Nang nakaraan kasi... Nabanggit ko ang tungkol sa hunting season. She was interested in it.”

“No!”

“Pero gustong-gusto niya kasi ang—”

“I will talk to her about that.”

Mabilis ng umalis si Cassian kaya napabuntong-hininga na lang si Argus. Wala na siyang nagawa kung hindi ang panoorin ang paglalakad nito palayo.

Sayang naman. Gusto pa naman niyang hamunin si Seren sa pangagaso. He bet, she was good at it. Gusto niya iyong makita.

Pero base sa naging reaksyon ni Cassian ay mukhang malabo iyong mangyari. Of course. Natatakot itong baka mapahamak doon ang babae lalo pa't maraming mababangis na hayop ang nagkalat sa paborito nilang pag huntingan.

ᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐ

“Argus told me about the hunting season. Gusto mo raw sumama?”

Napatigil ako sa pagsubo nang marinig ang tanong ni Cassian.

Oo nga pala. Nawala sa isip ko ang bagay na iyon. Mabuti na lang at hindi iyon nakalimutang banggitin ni Argus kay Cassian.

“Yes. Gusto ko sanang suma—”

“No!” putol ni Cassian sa sasabihin ko pa sana.

He looks so damn serious. Kung makapagsalita ito, ang akala mo ay pinal na desisyon niya na iyon at hindi pwede pang baliin.

Teka— ginagamitan niya ba ako ng King's power niya?

“Sandali naman... Pwedeng makinig ka muna?”

“No matter what you say, I won't change my mind. Alam mo ba kung gaano kapanganib ang lugar na pinupuntahan namin kapag nag ha-hunt kami huh? Ayokong sumama ka, dahil ayokong mapahamak ka.”

“Teka... Minamaliit mo ba ako ha? Baka nakakalimutan mong nanirahan ako sa gubat doon sa Devils Island. Akala mo ba ay ang dating Seren pa rin ako na hindi man lang marunong humawak ng armas huh? Gusto mong pakitaan kita? Tara mag contest tayo. Kapag natalo kita ay papayagan mo akong sumama sa pagha-hunt ninyo. Ano deal?” kumpiyansa kong paghahamon.

Habang sinasabi iyon ay nag de-date dream na ako sa magiging itsura ni Cassian oras na makita niya kung gaano ako kagaling pumana. Tuloy ay 'di ko mapigilang mapangiti.

“Sa tingin mo talaga ay kaya mo akong talunin ha?”

“Oo naman.”

“I doubt that...”

“Sus. Ang sabihin mo, natatakot ka lang.”

“Fine! Let's have a duel, then. I will show you. Pero hindi naman pwedeng ikaw lang ang may makukuha. Dapat may premyo din ako, kung sakaling ako ang manalo.”

“Sus. Walang problema. Ano ba ang gusto mong premyo?”

“Hmmm... What about a wish? You will give me one wish, kapag ako ang nanalo.”

“Kol!” Tiyak namang ako ang mananalo e. Hehe.

“Kol? What does that mean?” kunot noong tanong ni Cassian.

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon