CHAPTER 13: Nag-alala

6.7K 218 6
                                    

“Sandali...”

Aawatin pa sana siya ni Cassian sa gagawin niyang paghiga sa damuhan pero huli na ito dahil nagawa na niyang iunat ang likod sa makapal at malawak na damuhan. Tamang-tama dahil marami ay nag mistula iyong malambot na kama na sinasalo ang katawan niya. Hindi rin naman matatalim ang dahon ng mga damong nasa gawing iyon kaya ang sarap sa pakiramdam na mahiga roon.

Bahagyang natawa si Cassian. Halatang nagulat ito sa ginawa niya pero nasa sulok ng mga mata nito ang pagka-mangha. Hindi niya lang sigurado kung ano ang iniisip nito. Pero mukhang magandang bagay naman iyon patungkol sa kaniya dahil sa tamis ng pagngiti nito.

Dahil hindi siya nagawang pigilan sa paghiga ay naupo nalang ang binata sa tabi niya at tumingin sa kung saan. Habang siya. Nakatingin sa malawak na kalangitan. Tamang-tama lang ang sikat ng araw dahil hapon na kaya hindi na gaanong mainit. Marami ring ulap na parang sadyang tinatakpan ang araw para hindi siya masilaw.

“Alam mo ba, ang tagal ko ng hindi nagagawa ito. Ang makalanghap ng sariwang hangin at makalayo sa lahat,” wika ni Alecxie.

Ngayon lang ata siya nakapag enjoy sa labas. Madalas kasi kapag lumalabas siya ay maraming lumalapit sa kaniya para magpa-picture. Paminsan pinagkakaguluhan pa siya ng mga paparazzi. Hindi katulad ngayon, walang nakakakilala sa kaniya sa lugar na iyon kaya maari niyang gawin ang lumabas ng walang umaabala sa kaniya.

Nakakamiss rin pala ang pakiramdam na maging normal na tao lang.

“Bakit mo naman ibig na mag-isa?” Lingon ni Cassian sa gawi niya.

Pumuhit si Alecxie ng higa para harapin ang lalaki. Pagkatapos ay binaluktot niya ang kamay at ipinatong roon ang ulo. “Masaya naman minsan. Pero may pagkakataon na gusto kong maging normal na tao lang. Iyon bang walang papansin sa akin. Iyong walang manggugulo kapag may ginagawa ako sa labas. Ganoon.” paliwanag niya.

“Kung ganoon, naiinggit ka sa buhay na mayroon ako.” Mahina itong natawa.

Oo nga pala. Madalas na mag-isa lang si Cassian. Pareho lang sila ni Seren. Habang si Alecxie ay kabaliktaran nilang dalawa.

Bumuga ng hangin si Alecxie. Muli siyang umayos ng higa at tumingin sa kalangitan. “Siguradong malungkot rin kapag matagal kang nag-iisa lang.”

“Tama. Masaya lang kapag minsan ka lang napag-iisa. Pero kung palagi na ay—”

“Maging magkaibigan tayo?” putol ni Alecxie sa sasabihin pa sana ni Cassian.

Mabilis siyang umupo kaya halos magpantay na ang mga mukha nila nang titigan niya ito. Bakas niya ang gulat sa mukha ni Cassian. Bahagya pang umawang ang labi nito na halatang nabigla sa sinabi niya.

“O bakit? Ayaw mo bang magkaroon ng kaibigan?” tanong ni Alecxie.

Kumurap-kurap si Cassian. Nang makabawi ay ngumiti ito at pumihit ng tingin sa ibang direksyon. “Hindi yata malinaw ang iyong mga mata, Milady?”

“Ano bang hindi malinaw? Tch. Sabihin mo na lang kung ayaw mong makipag kaibigan!” pagsusungit ni Alecxie.

Ang dami pang sinasabi e. Bakit si Elizabeth nang magkita sila ay agad siyang nakipagkaibigan sa dalaga? Tch! Tapos nang siya na itong nag-aya ay hindi ito makasagot ng diretso. Napaka unfair.

Naiinis na tumayo si Alecxie. Pagkatapos pagpagan ang damit ay walang gana siyang humarap kay Cassian. “Ibalik mo na ako. Ang pangit mong ka-bonding e.”

Nanatiling nakaupo lang ang lalaki. Tumingala ito para matitigan siya. “Pangit mong ka-bonding?” Kunot-noong tanong nito.

“Oo. Pangit kang ka-bonding. KJ! Boring!” Nasapo nalang ni Alecxie ang noo dahil sa pinagsasabing mga salita.

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon