Unang beses na makapasok ni Alecxie sa royal garden na nasa school grounds. May mga guards kasi sa labas niyon na palaging nagbabantay. Tanging mga royal family lang at mga inimbitahang tao ang nakakapasok sa lugar na iyon.
Magnus, never invited Seren to that garden. Kahit nung mga panahon na maayos pa sila, o iyong hindi pa nito natutuklasan ang kasamaan ni Seren. Palagi na lang si Elizabeth ang tumutungo roon na kasama ang prinsepe.
Pasalamat na lang at may Cassian siya na dahilan para makita niya ng personal ang loob ng sikat na hardin kung saan gaganapin ang pag-iisang dibdib nina Magnus at Elizabeth sa hinaharap.
She was amazed. Katulad ng inaasahan niya ay wala iyong sinabi sa hardin na nasa bahay nila.
Ang daming bulaklak sa loob ng hardin. There are also lots of butterflies too. May malalaki at may maliliit. Lahat may kani-kaniyang kulay at ganda. Animo'y inaalagaan sila sa lugar na iyon kaya ang dami nila. Nagdudulot iyon ng magical effect sa hardin. Kaya siguro paborito nina Elizabeth at Magnus na doon magkita.
Of all the beautiful flowers iyong mga yellow tulips ang nakatawag ng atensyon niya. It was her favorite flower. Parang gusto niyang pumitas ng ilang piraso at ilagay sa kwarto niya.Pwede kaya?
“Narito ka na pala, Milady.”
Cassian was here...
Marahang pumihit si Alecxie para tingnan si Cassian. He was smiling. To her surprise ay may hawak itong tatlong piraso ng bulaklak na kanina lang ay gusto niyang nakawin.
Animo'y nabasa nito ang iniisip niya. Iniabot iyon sa kaniya ng binata at tsaka ngumuso sa direksyon ni Stefan na nakatayo sa may 'di kalayuan.
Is this a coincidence? Nagkataon lang ba na ang unang uri ng bulaklak na ibinigay sa kaniya ni Cassian ay ang paborito niyang bulaklak?
“You have a knight?” Cassian asked while examining Stefan.
Unang kita pa lang ay parang hindi na nito gusto si Stefan. Bigla kasi ang pag-asim ng mukha nito. Akala mo humigop ng purong suka.
“He is Sir Stefan Delacroix.” Pakilala ni Alecxie kay Stefan.
Mataman itong pinagmasdan ni Cassian. Kapagdaka'y inihilig nito ang ulo palapit sa kaniya at bumulong. “I don't like him.”
“Ha? Bakit naman?”
“Mukha siyang masungit e. Tingnan mo nga, napaka seryoso ng mukha.”
Alecxie giggled. Hindi niya alam kung nagbibiro lang ba si Cassian sa sinabi nito. But when she looks at his face, ay mukhang seryoso naman ito. Siguro, hindi lang talaga nito gusto si Stefan.
“Ano ka ba, mabait siya. Kilalanin mo muna kaya 'yong tao bago mo husgahan.” pagtatanggol naman ni Alecxie sa kaniyang knight.
Mukhang hindi naman kombinsido sa sinabi niya si Cassian, na kumunot ang noo. Pinagsalubong pa nito ang mga kilay habang nakatitig sa kaniya na animo'y sinasabi na bakit niya kinakampihan ang binata.
Natatawa niya tuloy itong hinampas.
“Is he good at fighting?” sunod na tanong nito.
Pareho nilang ibinalik ang tingin kay Stefan.
“Oo naman.” Nakita at napanood na niya kung paano makipag laban si Stefan kaya masasabi niya na magaling ito.
“I don't think so...” Cassian pulled his own sword.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
פנטזיהAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...