CHAPTER 21: Goodnight Cassian

5.7K 213 7
                                    

Talagang gutom na gutom nga si Ohru. Nawala ang pagiging elegante nitong tingnan nang maharap ito sa hapag-kainan. Lahat kasi ng pagkain na mahawakan nito ay parang usok na bigla na lang nahihipan ng hangin na naglalaho.

Ang bilis nitong kumain. Parang pati mga plato ay gusto na nitong ngasabin. Hindi tuloy magawang makasubo ni Alecxie dahil manghang-mangha siya sa panonood sa binata. Para naman kasi itong nasa isang eating contest. Akala mo ay may kalaban at nagmamadali sa pagkain.

“Juice oh. Baka mabilaukan ka.” Lapag ni Alecxie sa basong nilagyan niya ng juice sa harapan ni Ohru.

Agad naman iyong dinampot ng binata. Pagkatapos inumin ang kalahati ng juice na nasa baso ay bumalik na naman ito sa naudlot na pagkain. Talagang gutom na gutom ito. Halos hindi na nga ito nagsasalita. Wala na nga rin itong pakialam kahit pa pinagtitinginan na ito ng mga babaeng nagta-trabaho sa mansion. Iyong mga nakatayo at nakahilera sa gilid ng lamesa at nag-aasikaso sa kanila 'pag kailangan. Dinig niyang nagbubulungan ang mga ito kahit hindi niya nakikita dahil naka-pwesto ang mga ito sa may likuran nila.

Kahit saan talaga hindi nawawala ang nga tsismosa e no.

Pagkatapos kumain ay dinala niya si Ohru sa isang kwarto na wala namang gumagamit. Binigyan niya rin ito ng pamalit sa suot nito at nagpaalam na siyang magpapahinga na kaya iniwan niya rin ito kaagad.

Habang nasa sariling kwarto ay naisipan munang magpahangin ni Alecxie sa may balkonahe. Mayroong upuan roon na may malambot na unan. Doon mahilig tumambay si Seren kapag malungkot ito. Presko kasi roon at tanaw na tanaw ang mga bituin mula sa kalangitan.

Uupo na sana siya sa nasabing upuan nang bigla niyang maalala ang pagbisita sa kaniya ni Cassian kaya napayuko siya at napatingin sa pwesto kung saan niya naabutan na nakatunghay sa silid niya ang binata.

Hindi niya napigilan ang mapangiti nang maisip ang lalaki. Ewan pero parang gusto niya itong muling makita.

Habang nagmumuni-muni ay nakarinig ng mahinang katok si Alecxie mula sa may pintuan. Hindi pa naman niya iyon naila-lock kaya inintay niyang bumukas iyon.

Maya maya lang ay bahagyang itinulak na nga ng dumating ang dahon ng pinto. Mula roon ay lumabas ang ulo ni Ohru at sumilip sa loob ng kwarto. Nang matanaw siya nito ay awkward itong ngumiti na kalaunan ay pumasok na rin at muling isinara ang pinto bago lumapit sa kinaroroonan niya.

Isang simpleng puting long sleeve polo at pajama ang suot ni Ohru. Mabuti na lang at may nahiraman silang maipasusuot dito. Mula iyon isa sa mga bantay ng mansion.

Mukhang ayos na ang binata. Nakangingiti na kasi ito kaya litaw na naman ang kakisigan nito. Iba talaga ang nagagawa ng pagkain.

Tumayo si Ohru sa tabi niya at sumilip din sa ibaba kung saan siya nakasilip bago ito dumating.

“In fairness ah, mas maganda pala ang bahay mo kaysa sa inaasahan ko.” pagbubukas ng usapan ni Ohru.

“It was not mine. Alam mo naman na hindi talaga ako si Seren.”

“But you are living her life now.”

“Whatever... Teka nga. Speaking of her. Nasaan na ba ang totoong Seren? Patay na ba siya?” curious na tanong ni Alecxie.

Nagkibit balikat lang si Ohru. “Hindi ko rin alam. All I know is that you've been reincarnated as her.”

“Wow. Alam mo napakalaking tulong ng pagkikita natin ah. Grabe. Ang dami mong nasagot na tanong ko.” sarcastic na sambit niya sabay silip rin sa labas.

Bumuga si Alecxie ng malalim na hininga at ngumiti ng pilit. Well, kahit paano ay ayos na rin na naroon si Ohru. At least may masasabihan siya ng lahat. Alam kasi nito ang totoo kaya komportable siyang nakapagsasalita dito.

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon