Breaking someone's heart is as easy as throwing rock at the ocean but you'll never know how deep that rock will go.
“Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo ba na bumalik na tayo sa silid mo?” may pag-aalalang tanong sa akin ni Cassian.
Huminto ako sa paglalakad at tumingala sa kalangitan. Madilim na ang paligid. Tanging liwanag na lang ng buwan ang tumatanglaw sa aming dalawa. We walk alone. Wala kaming kasamang guards nang oras na iyon. Inaya ko siyang maglakad-lakad kami dahil gusto kong sulitin ang natitirang araw ko sa piling niya. Gusto kong lubusin ang oras na pwede ko pa siyang makita at mahawakan.
“Kapag wala na ako. Ano ang gagawin mo?” malungkot kong tanong.
Malamig ang gabi. Tila nakadaragdag iyon sa kalungkutan na unti-unting lumalamon sa katawan ko. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman ang ganito katinding kalungkutan. Animo'y nagluluksa ako sa pagkawala ng taong pinakamamahal ko.
Cassian was still here. Narito pa siya at kasama ko pero alam kong hindi na iyon magtatagal pa, kaya naman parang may sumusuntok sa dibdib ko.
“Why are you saying that? May plano ka bang iwan ako?” malungkot na tanong ni Cassian. Tumingin ito sa gawi ko.
Ito na naman. Nararamdaman ko na naman ang tila pagkakapira-piraso ng puso ko. My heart is breaking. Tila may gumugunting niyon at unti-unting napupunit.
“Of course not. Naisip ko lang... Hindi naman kasi natin alam kung ano ang nasa hinaharap, hindi ba. No one can predict the future. Walang makapagsasabi kung hanggang kailan tayo mananatili sa mundong ito.”
Malungkot siyang ngumiti. Tila nakuha na rin niya ang nais kong iparating.
People can't live forever. Dito man o sa totoong mundo. Iyon ang katotohanan na hindi mo na mababago.
Everyone has an ending. Para sa akin, walang ending na masaya. Endings are like a period in a sentence. It was the finish line. Wala ng kasunod. Tapos na. Paanong naging masaya ang katapusan?
Lumakad palapit sa akin si Cassian. He hugged me from behind. Ikinulong niya ang maliit kong katawan sa mga braso niya. Tapos ipinatong niya ang kaniyang baba sa balikat ko. Ramdam ko ang paghinga niya. It gives me chills.
“You are right. Walang pwedeng magsabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Nakakatakot nga kung iisipin ang bagay na iyon. Pero dahil doon ay mas nagiging makahulugan ang buhay, hindi ba?” Cassian took a deep breath. Lalo pang humigpit ang pagkakayakap nito sa akin. Like he was afraid to let me go. Tila natatakot siyang pakawalan ako at baka bigla na lang akong maglaho sa paningin niya.
“Tama.” Pagsang-ayon ko.
Sandali kaming nanatili sa ganoong posisyon. Nang pakawalan ako ni Cassian ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pilit akong pinaharap sa kaniya. He looked me into my eyes, like he was reading my souls. Animo'y may hinahanap siya roon. Sana makita niya ang mga mata ni Alecxie.
Kapagdaka'y ngumiti siya. “Konting panahon na lang... Kaunting hintay pa at maiaayos ko na rin ang lahat. Huwag mo akong susukuan hanggang sa dumating ang araw na iyon hmmm...”
??? Ano bang sinasabi niya? Anong inaayos niya?
Magtatanong pa sana ako nang biglang sakupin ni Cassian ang labi ko. He gave me a quick kiss. Pagkatapos niyakap niya ako.
“Let's dance.” pag-aya niya.
Nang maisip iyon ay bigla niyang kinuha ang isang kamay ko at pinatong iyon sa balikat niya at ang isa ay hinawakan. We hold hands. Habang ang isang kamay niya ay kumapit naman sa bewang ko.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...