“Ca-Cassian?” hindi ako makapaniwala sa bumungad sa mga mata ko nang mag dilat ko.
Cassian was sleeping in my bed. Sa sarap ng tulog ko ay hindi ko namalayan ang paghiga niya sa tabi ko. Mabuti na lang at malaki ang kama, na kahit tatlong tao ay kakasya.
Nakaharap ako sa gawi niya nang magising at nakarap rin siya sa gawi ko, tuloy ay malapitan kong napagmamasdan ang mukha niya.
Para siyang baby na walang muwang sa mundo. He looks so innocent.
Sana, palagi kong napagmamasdan ng ganito kalapit ang mukha niya.
Masuyo kong hinaplos ang mukha ni Cassian. Naroon parin ang maliit na sugat sa labi niya. Nang maalala ang naging kiss namin dahil sa sugat na iyon ay hindi ko napigilan ang mapangiti.
“Why are you always seducing me, Your Highness?” pabulong kong sambit sabay napakagat-labi.
Nagulat na lang ako nang biglang magdilat si Cassian. Marahil naramdaman niya ang kamay ko na nasa pisngi niya. Hindi ko naman mabawi iyon dahil para akong binuhusan ng yelo at biglang nanigas. I can't move.
H-he was awake? Narinig niya ang sinabi ko?
I feel so awkward. Gustuhin ko mang bawiin ang mga binitiwan kong salita ay huli na.
Bakit ba kasi hindi ako nag-iisip?
“Good morning.” Cassian smiled.
Napalunok ako. Lalo pa't masyadong malapit sa isa't-isa ang mga mukha namin. Kaunting galaw niya lang ay tiyak na magdidikit na ang mga labi namin.
“Go-good mo-morning.” Nauutal kong sagot.
Halata ang labis na pagkailang ko, patungkol sa posisyon namin. Cassian's smile widened. Iyong kaunting pagkurba ng labi niya kanina ay umabot na sa kaniyang tainga.
Talaga bang inaakit niya ako? Nang ganito kaaga?
Ano bang nakain niya? Parang good mood kasi siya ngayon. Siguro masarap ang naging tulog niya. Baka maganda ang naging panaginip.
Bumungon na ako. Hindi ko na kinakaya ang pakikipagtitigan kay Cassian kaya naman balak ko na sanang tumayo pero mabilis na hinawakan ni Cassian ang kamay ko at hinila ako pabalik sa kama. Nang mapahiga ay ini-lock niya ako sa mga braso niya. I can feel his chest on my back. Kahit nakatalikod ako sa kaniya ay ramdam ko ang init na inilalabas ng katawan niya.
He hugged me so tightly na para bang ayaw na niyang pakawalan.
Psh! Iyan ba ang nagsabi na palalayain na ako?
“Thanks for staying with me.” he whispered. He sounds so sincere and happy.
“Ano bang pinagsasabi mo? As if naman may pagpipilian ako. You are forcing me to stay here. Sa tingin mo, paano ako makakatakas kung ang dami-dami mong kawal na nagbabantay sa akin ha?” sagot ko sa kaniya.
Mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa akin. Para bang alam niya na pinili ko talagang manatili roon.
Napamulagat na lang ako nang maramdaman ko ang mahinang pagkagat ni Cassian sa leeg ko. Naramdaman ko ang ngipin niya, pero hindi niya ibinaon iyon. He just left a mark of his teeth, on my skin. Pagkatapos ay hinalikan niya ang markang ginawa.
“I wanted to leave marks all over your body, cause I want everyone to know that you are mine, Seren. You are mine, right?”
Hindi ko alam ang isasagot ko. Kung ibang tao lang ang nagsabi na pagmamay-ari ako ay baka binatukan ko na iyon. Dahil kahit sino, walang pwedeng umari sa sarili ko, bukod sa akin. But Cassian was different. Somehow I want to answer him and make him feel that I am his.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...