CHAPTER 90: Her Secret

1.8K 60 3
                                    

Imbestigahan mo ang tagasilbi na iyon. Hindi ko siya kilala kaya naman gusto kong alamin mo kung paano niya nagawang makalapit kay Seren.”

Tumingin si Levi sa lalaking sinasabi ni Cassian.

His name was Ohru. Iyon ang narinig niyang tawag dito ni Seren nang minsang makita na nag-uusap ang dalawa. Base sa nakita niya, mukhang close ang dalawa. Parang matagal na silang magkakilala.

Kinuha ni Levi ang dagger na nakaipit sa bewang at mariin iyong hinawakan.

It's about time to let this assh*le talk.

Sinadyang ilabas ngayon ni Cassian si Seren dahil na rin gusto nitong ipakuha si Ohru. Gusto nitong alamin ni Levi ang pagkatao ng lalaki lalo pa't mukhang malapit daw ito kay Seren. Heto siya ngayon at naghihintay ng tamang pagkakataon.

Nang tumungo sa gawi niya si Ohru ay agad niyang niyapos ang lalaki mula sa likuran. He grabbed his waist and put the dagger in his neck. Tapos hinila niya palayo sa lugar ang lalaki.

Hindi naman nag resist si Ohru. Nakataas pa nga ang mga kamay nito at pinapakitang hindi ito lalaban.

Dinala ni Levi sa kakahuyan si Ohru. Doon niya ito pinakawalan at itinulak ng malakas kaya napaupo ito sa lapag. Tsaka niya hinugot ang espadang dala at iyon mismo ang itinutok sa lalaki.

“Sino ka ba talaga?” tanong ni Levi.

Kanina lang ay narinig niyang nag-uusap ito at si Seren. He was sure he heard Ohru calling Seren by another name. Mukhang niloloko lang ng dalawa si Cassian kaya naman hindi niya mapigilan ang makaramdam ng galit.

“I'm Ohru. Isa lang akong hamak na tagasilbi.”

“Narinig kong tinawag mo na Alecxie si Seren. Bakit?”

“Ah ba-baka nagkakamali ka lang. Ba-bakit ko naman tatawagin sa ibang pangalan si Lady Seren?”

He was not convinced. Halata niyang nagsisinungaling lang ito. Mukhang kailangan na mas takutin niya ang lalaki kung gusto niya itong mapagsalita.

Napangisi si Levi. He was good at torturing people. Gusto niyang malaman kung hanggang saan ito tatagal bago niya mapakanta.

Levi slowly swings his sword. He slices Ohru's shoulder. Sapat lang iyon para mahiwa niya ng hindi gaanong malalim ang braso nito. He bleed. Nakita niyang napangiwi ang lalaki kaya mas lumuwag pa ang pagkakangiti niya.

Naupo siya para mapantayan si Ohru. Pagkatapos ay hinawakan niya ang balikat nitong may sugat at pinisil iyon ng marahan. Gusto niyang ipakita na kaya niya itong saktan at hindi siya nagbibiro sa bagay na iyon.

Kayang-kaya niya itong patayin kung gugustuhin niya. Madali lang na dispatyahin ang katawan nito dahil sanay siyang gawin ang bagay na iyon. Pwede niya namang sabihin kay Cassian na tumakas ito at hindi niya naabutan. Kung wala lang siyang kailangang malaman dito ay baka nga kanina niya pa iyon ginawa.

“Now start talking.”

ᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐ

“Ayos ka lang Ohru? Masama ba ang pakiramdam mo?” tanong ko kay Ohru habang lumalapit sa kaniya.

Para kasing may pinagdadaanan siya. Akala mo'y lalagnatin siya na parang wala sa sarili.

Nagulat na lang ako nang takbuhin ako ni Ohru tapos niyakap niya ako ng mahigpit.

“I'm sorry Alecxie. I'm sorry.” bulong niya. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon