Dating Kaibigan
×××
“Do I really have to go? Alam mo namang hindi ako mahilig sa dagat.” may pagdadalawang isip na tanong ni Alecxie.
Francis was inviting her to a big event in their company. Syempre gusto siya nitong makasama.
Iyon nga lang ay gaganapin ang event na iyon sa isang yate. Hindi niya talaga gusto ang dagat dahil hindi siya marunong lumangoy. Feeling niya kasi pwedeng lumubog ang yate. Kapag may nangyaring roon ay tiyak na hindi siya makakaligtas.
Simula pagkabata palang ay ayaw na niya ang dagat at alam naman iyon ni Francis pero heto at kinukulit parin siya nitong sumama. Alam niya naman na gusto lang nito ang presensiya niya sa event na iyon pero talagang nagdadalawang-isip siya.
Kinuha ni Francis ang kamay niya at ni-tap iyon ng marahan. “Kasama mo naman ako e. Ano ba ang inaalala mo?”
Pilit na ngumiti si Alecxie. Ayaw niyang biguin ang nobyo dahil minsan lang rin itong mag-aya kaya tumango nalang siya.
“Ok sige na nga. Sasama na ako.”
Nang marinig iyon ni Francis ay agad siya nitong niyakap dahil sa labis na tuwa. Pinaghahalikan pa siya nito sa noo kaya hindi niya napigilan ang mapangiti.
“Thank you girlfie. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya. I love you.”
Hindi napigilang mapangiti ni Alecxie nang maalala iyon.
Pagdating sa condo ay naabutan niyang nagliligpit ng mga gamit si Kate. Tinutupi nito ang mga damit na dala niya sa taping na hindi nagamit, at iyong iba ay inilalagay sa hanger. Ang akala niya umalis na ito kanina. May duplicate ito ng card key niya kaya malamang na bumalik lang ito para doon.
“Pwede mo naman ’yang gawin bukas.” wika ni Alecxie habang naglalakad.
Nag-angat naman ng ulo si Kate at ngumiti habang patuloy lang sa ginagawa. “Naisip ko kasi na tapusin na ito para hindi na ako magpunta bukas. Birthday nga pala ni nanay. Tamang-tama dahil wala kang taping kaya pupunta ako sa kaniya. Gusto mo bang sumama? Naku paniguradong matutuwa ’yon kapag nadala kita sa—”
“Pwede ba tumigil ka na nga sa pag-arte. Matagal na tayong hindi magkaibigan kaya huwag ka ng mag feeling close sa akin, Kate.” awat niya sa mga gusto pang sabihin ni Kate.
Tila napahiya naman ito sa sinabi niya na napayuko at napatigil sa paggawa. Para itong manikang de-baterya na naubusan ng enerhiya. Ilang segundo rin itong nakayuko lang at hindi kumikilos.
“Alam ko namang matindi ang galit mo sa akin Alecxie, pero hindi mo na ba talaga ako kayang patawarin? Nagpaliwanag na ako sa’yo hindi ba?” napapaos na sambit ni Kate.
Bakit siya pa ang lumalabas na masama ngayon? Siya pa itong nagiging kontrabida, ganoon?
Iritang nag cross arm si Alecxie. Hindi tatalab sa kaniya ang panunumbat ni Kate dahil manhid na siya sa ganoong drama. Alam niyang may dahilan ito kaya nananatili ito sa tabi niya at malabong dahil gusto lang nitong bumawi.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasíaAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...