“Ayos ka lang ba talaga, Lady Seren? Parang hindi naging maganda ang tulog mo kagabi ah...” Mattie examined her. Animo'y isa itong doktor na chini-check up siya.
Napahikab si Alecxie. Tama si Mattie. After what happened. Sino ba ang makakatulog ng mahimbing?
Lumabas siya kagabi para makapag pahangin at mawala sa isip si Cassian, pero imbes na makatulong iyon ay naging doble pa ang iniisip niya dahil kay Magnus.
Ang magkapatid na iyon... Pinaglalaruan ba nila ako? Ughhh! I hate this feeling!
“Teka, si Prinsepe Magnus. Mukhang palapit siya dito, Lady Seren.”
Dinala ni Alecxie ang tingin sa gawi na tinitingnan ni Mattie at napakunot ang noo niya nang makita si Magnus na patungo sa gawi nila. May mga kasama itong tauhan na may mga dalang regalo. Akala mo'y may birthday party na pupuntahan.
“Magandang umaga, Lady Seren.” bati sa kaniya ni Magnus.
Naroon sila sa school grounds kaya may pailan-ilang estudyante ang napapahinto at napapatingin sa gawi nila. Ang lakas talaga makahatak ng atensyon ni Magnus. Lalo na ngayon na ang dami nitong kasama na tauhan.
“Magandang umaga rin, Prinsepe Magnus.”
Bakit ba nandito ngayon ang Prinsepe? May kinalaman ba ito sa sinabi niya kagabi?
“Nakatulog ka ba ng mahimbing?” tanong ni Magnus.
“Ah, oo. Nakatulog naman.” pagsisinungaling niya.
“Good. Ah, oo nga pala. Nais ko lang ibigay ang mga ito sa'yo.”
Birthday ba ni Seren? Bakit may pa ganito si Magnus?
“Pa-para sa akin ang mga iyan?” hindi makapaniwalang tanong ni Alecxie sabay lingon sa mga kasamang tauhan ni Magnus. Isa-isa ng inilapag ng mga ito ang mga dala sa harapan niya kaya nagsimulang magbulungan ang mga naroon malapit sa kanila.
Kung naririnig niya lang ang mga iyon, tiyak na may sinasabi na naman silang masama, tungkol sa kaniya.
“Pero... Anong meron?” dugtong ni Alecxie.
“Bilang pasasalamat sa pagsama mo sa akin kagabi.” Magnus answered.
Ano daw? Pagsama? Ano bang—
Napatigil at napalingon si Alecxie sa likuran ni Magnus nang makita sa gawing iyon si Cassian. Palapit pa lang ito ay nakikita na niya ang masamang hilatsa ng mukha nito. Siguradong hindi nito gusto ang nakikita.
Si Magnus naman kasi e. Ano bang kalokohan 'to? Seryoso ba siya sa sinabi niya kagabi?
“Oh, Cassian. Magandang umaga.” patay malisyang bati ni Magnus sa kapatid.
Habang si Cassian, halatang hindi ito interesado kay Magnus. Sa kaniya lang kasi nakatuon ang tingin nito. Parang nagtatanong ang mga mata nito kung ano ang nangyayari.
Aba malay niya? Wala rin kaya siyang idea.
“Cassian... Magandang—” Natigilan sa sasabihin si Alecxie nang makita si Margareth na nakasunod pala kay Cassian.
Tumayo ito sa tabi ng binata. Pagkatapos ay ngumisi ito na parang nakakaloko.
Magkasama ba sila?
Hindi niya mapigilan ang sarili na mag-isip ng kung ano patungkol sa dalawa. Nawala ang atensyon niya sa mga regalo o kay Magnus. Napunta iyong lahat kay Cassian. Habang nasa sulok ng mga mata niya ang pagtatanong.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...