“Sino ang babaeng iyon?” tanong ko kay Ana na kasama kong naglalakad pabalik sa silid ko.
Kagagaling ko lang sa tinutuluyan ni Cassian. Wala na akong gagawin sa labas kaya naisip kong bumalik na lang sa silid ko.
“Your Majesty... Hindi pa po ba ninyo alam?” balik na tanong ni Ana.
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig iyon at tsaka ko hinarap si Ana. “Alam ang ano?”
“Kasama siya ng Kamahalan noong bumalik siya mula sa hunting ground.”
Kasama ni Cassian?
Wala naman siyang nababanggit sa akin...
Ibinalik ko ang tingin sa babae. The girl looks so innocent. Ang amo ng mukha nito. Her smile was pure, na parang batang walang muwang sa mundo.
She was dancing and running around in circles. May mga tagasilbing humahabol sa kaniya.
Nang makita ako ng babae ay ngumiti ito bago patakbong lumapit sa akin. “Your Majesty. Sa wakas, nakaharap ko na rin kayo.”
She was excited to meet me. Kita ko ang pananabik sa mga mata nita. But why?
“Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?” tanong ko.
“I am Lady Gwyneth of Havers family. It was my pleasure meeting you, Lady Seren.” She bowed at me.
From the way she talks. Mukhang hindi lang siya simpleng babae. Halatang mula siya sa isang noble family.
Why would Cassian bring this woman to the Palace? May dapat ba akong ikabahala roon?
“Finally, you already met her.”
Sabay kaming napalingon ni Gwyneth sa pinanggalingan ng boses na nagsalita. Kararating lang ni Margareth. May dala itong kahon na ibinigay nito kay Gwyneth nang makalapit.
“You know her?” tanong ko kay Margareth.
Natawa ito ng bahagya bago lumingon sa gawi ko. “Of course. Hindi mo ba alam? She's the new consort. Don't tell me, walang sinasabi sa'yo ang Kamahalan? Or perhaps... Baka wala talaga siyang balak na sabihin sa'yo. Baka ayaw niyang ipaalam. Pero hanggang kailan huh? This castle was not that big you know...”
New consort? Like me?
May kaunting kurot iyon sa puso ko. Ewan, hindi pa naman ako sigurado sa bagay na iyon dahil hindi pa naman iyon binabanggit ni Cassian pero ramdam kong makaaapekto iyon sa akin ng malaki.
Siguro dahil iniisip ko na ako na ang una at huling babaeng papasok sa palasyo na iyon na may ganoong klase ng posisyon pero... Mukhang nagkamali pala ako.
Talaga bang nag-uwi ng bagong consort si Cassian?
Hindi ko iyon kayang paniwalaan. Lalo pa't ramdam ko na totoo ang pagmamahal sa akin ni Cassian. Pero posible naman nitong gawin ang bagay na iyon dahil isa itong Hari. It was legal for him to do that. Pero...
Kailangan niya ba talagang gawin iyon, kahit naroon na ako?
I thought I was the only one he needed?
Kailangan ko iyong itanong sa kaniya. I need to hear that coming from his mouth. Alam kong hindi ako makatutulog kapag hindi ko iyon nalaman ngayon din kaya naman agad kong tinalikuran sina Gwyneth at Margareth.
I headed back to Cassian's office; kung saan kami nag-usap kanina lang. Kaya lang, pagdating doon ay hindi ko na ito naabutan. Umalis daw ito kaagad pagka-alis ko. Wala namang makapagsabi kung saan ito nagpunta. Hindi ko tuloy alam kung saan siya hahanapin. Sa huli ay natuloy rin ang nauna kong plano. Umuwi ako sa tinutuluyan ko.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...