CHAPTER 33: Pagkilala

3.2K 136 9
                                    

Nang makarating na sila sa Imperial Palace, ay namamanghang nilibot ni Alecxie ang tingin sa paligid. Napakalaki ng palasyong iyon. Parang sa mga pelikulang napapanood niya.

Ang daming knights na matikas na nakatindig sa entrance. Talagang masasabi mo na mga tunay na mandirigma ang mga iyon dahil na rin sa awrang dala nila.

Kasama niya ngayon ang kaniyang mga magulang. Mali. Ang mga magulang pala ni Seren. Nalaman niya na kaya pala umuwi ang mga ito ay dahil gusto nilang dumalo sa pagtitipon sa palasyo.

Siguradong dahil iyon sa mga mayayamang dadalo sa kasiyahang iyon. Wala iyong pinagkaiba sa tunay na mundo, pare-parehong mga business minded ang mga tao.

Sa loob ng malaking bulwayagan ay marami-rami na ring mga tao. Lahat ay mula sa mayayamang pamilya. Siguro dahil hindi naman talaga bukas ang palasyo para sa lahat. Iyong mga mahihirap na mga tao ay paniguradong hindi pa nakakatuntong sa lugar na iyon.

Napapalamutian ng makukulay na palawit ang mataas na kisame ng bulwagan. Ganoon din ang mga poste na may mga nakapaikot na mga sariwang bulaklak. Habang ang hagdan patungo sa ikalawang palapag ay nalalatagan ng pulang carpet at kapansin-pansin ang may kalakihang chandelier na nasa pinaka gitnang bahagi ng bulwagan.

Naroon sa itaas ang espesyal na mga upuan na para sa royal families. Tatlo lang ang naroon. Iyong nasa pinaka gitna ay halatang upuan para sa mahal na Hari. Iyon ang may pinakamataas na sandalan. Habang iyong nasa kaliwa ay halatang pagmamay-ari naman ng mahal na Reyna. At iyong nasa kanan, malamang na kay Magnus ang upuang iyon. Siya kasi ang crown prince kaya siya lang ang maaring tumabi sa upuan ng ama.

Bigla niyang naalala si Cassian. Kahit minsan kasi ay hindi pa ito nakisalo sa ganoong klase ng pagtitipon.

Kung ganoon. Nasaan na kaya ito?

Ipinagpatuloy ni Alecxie ang paglilibot ng tingin. Busy ang lahat sa pagbubulungan. May kani-kaniyang kausap ang bawat isa. Kahit iyong mga magulang ni Seren ay nakikipagtawanan rin sa mag-asawang kausap nila.

Mayamaya ay tumunog ang trumpeta na nakapagpatingala kay Alecxie doon sa ikalawang palapag na bahagi ng bulwagan. Mula sa silid na nasa ikalawang palapag ay lumabas ang Hari, Reyna at si Magnus. Wala nga talaga si Cassian. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nalungkot sa bagay na iyon.

Tinawag ng hari ang atensiyon ng lahat. Nagpasalamat ito sa pagdalo nila. Kasunod niyon ay ang pagtawag nito sa pangalan ni Lady Elizabeth.

Kulay cream na gown ang suot ng dalaga. May mga palawit iyon na kumikinang na alahas. Nakatirintas ang mahaba nitong buhok na nakapaikot sa ulo nito. Mukha talaga siyang isang prinsesa. Kahit siya bilang babae ay humahanga sa ganda nito.

Sa tabi ni Elizabeth ay naroon ang mga magulang nito na mababakasan mo ang labis na kaligayahan. Ikaw ba naman bilang magulang, hindi ka ba matutuwa kung magiging isang reyna ang anak mo balang araw.

“Ang pagtitipon na ito ay hindi lang basta isang simpleng pagdiriwang. Dahil ngayong araw ay pormal kong inihahayag ang nalalapit na pag-iisang dibdib nina Magnus at Elizabeth.” pahayag ng Hari.

Simpleng ngiti ang pumaskil sa labi ni Alecxie.

Kahit may ilang nagbago na sa mga pangyayaring nabasa niya ay mukhang hindi pa rin talaga mapaghihiwalay sina Magnus at Elizabeth. It's their story after all. Mali naman yatang dahil sa pagdating niya ay masira ang pagmamahalan ng dalawa.

Nabura ang ngiting nakapaskil sa labi ni Alecxie nang magawi ang tingin sa kaniya ni Magnus. Titig na titig ito sa kaniya na para bang may hinahanap ito sa mga mata niya. Dahil nagsimula na siyang makaramdam ng pagkailang sa ginagawa ng binata ay minabuti niyang ipaling na lang ang tingin sa ibang direksyon.

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon