CHAPTER 19: Nagbabalik

5.9K 189 2
                                    

Marahang pinasadahan ng tingin ni Alecxie ang sarili, tsaka siya nagpakawala ng buntong-hininga. Naroon na siya sa may bukana ng paaralan. Katulad ng sinabi ni Mattie ay kailangan niya munang magtiis ng isang linggo roon. Basta iiwas lang siya sa dapat niyang iwasan ay siguradong hindi siya magkakaroon ng problema.

“Magandang umaga, Lady Seren.”

“Hindi ka pa ba papasok, Lady Seren?”

“Lady Seren, ang ganda mo ngayon.”

Napakunot na lang ang noo ni Alecxie nang marinig ang naging bungad sa kaniya nang mga estudyanteng nakakakita sa kaniya. Dahil hindi niya inaasahan ang mga pagbati nila ay ngiti lang ang naging tugon niya sa bawat isa.

She feels awkward. Ano bang nangyayari?

Hindi naman binabati si Seren ng mga estudyante sa paaralan na iyon. Madalas ay wala ngang pumapansin dito. Maliban kay Magnus ay wala ng mabait sa kaniya at nagpapakita na mahalaga rin siya, kaya nakapagtatakang tila bigla siyang nag e-exist ngayon sa lugar na iyon.

Ano bang meron?

“Lady Seren, sabay na tayo.”

Halos mapapitlag si Alecxie nang maramdaman na may umangkla sa braso niya. Pag lingon niya ay isang babaeng ka-edad niya ang parang sawa na lumingkis sa kaniya. Hindi niya ito kilala.

Kulay ginto ang buhok nito na maayos na nakapusod. Wala itong gaanong kolorete sa mukha pero natural itong maganda. Katulad niya ay halatang mamahalin rin ang suot nitong bestida.

“Na miss mo ba ako?” tanong ng babae sabay lingon sa gawi niya habang patuloy lang sa mabagal na paglalakad.

Awkward naman kung tatanungin niya ang pangalan nito. Ayaw niyang mapahiya kaya ngiti lang ang naging tugon niya dito.

“May pasalubong ako sa'yo. Ipinabigay ko na kay Mattie. Naku, tiyak na magugustuhan mo iyon.” masayang sambit pa nito.

Wala namang ka-close sa school si Seren kaya nagtataka talaga siya kung sino ang babaeng ito. Kahit ano ngang isip niya ay hindi niya malaman ang role nito sa libro.

“Lady Margareth. Dumating ka na pala,” bati ng isang estudyante sa babaeng kasama niya.

Dahil doon ay nalaman niya ang pangalan ng babae.

She was Margareth. Sino si Margareth? May nakaligtaan ba siyang pahina at hindi niya maalala na character rin ito sa librong iyon?

No! Sigurado siya. Walang Margareth na character sa librong nabasa niya. Bagong character ba ito? Kung ganoon, ano ang ibig sabihin ng pagdating nito?

She is starting to suffocate by her own thoughts.

Nalilito siya. Ang daming bagay na bigla na lang pumasok sa ulo niya. Katulad na lang ng isipin na nagsisimula ng magbago ang kwento iyon dahil sa pagdating niya.

Nagbabago na nga ba?

Sino ang Margareth na ito? Isa ba itong kaibigan o kaaway?

Ganito ang pakiramdam ng nagbabasa ng isang kwento. Being a reader, you are clueless. Hindi mo alam kung mabait ba talaga o masama ang isang karakter hangga't hindi mo nakikita ang tunay na ugali nito. Usually, may mga karakter na akala mo ay mabait pero lihim palang masama, and vice versa.

Kaya naman kailangan niyang mag-ingat. Lalo pa't wala siyang kaalam-alam sa tunay na pagkatao ni Margareth.

“Ayos ka lang ba, Lady Seren? Tila malalim ang iyong iniisip?”

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon