Nilibot na ni Alecxie ang pamilihin pero hindi niya parin makita si Ohru. Hindi na tuloy niya alam kung saan pa ito hahanapin. Pagod na siya at alam niyang kapag tumagal pa siya sa labas ay maaring may makaalam na tumakas siya, kaya kailangan na rin niyang bumalik.
Nanghihina siyang napasinghap. Naroon pa rin si Cassian at walang sawang bumubuntot sa kaniya. Bakas niya sa mukha nito ang pagtutol sa ginagawa niyang paghahanap kay Ohru pero hindi naman siya nito maiwan ng mag-isa. Malamang, nag-aalala ito at iniisip na may masama na naman na mangyayari sa kaniya.
He was so thoughtful.
“Pasensiya ka na sa abala. Uuwi na ako kaya naman umuwi ka na rin,” ani Alecxie.
Sinimulan na niyang tahakin ang daan pauwi sa bahay nila. Ang akala niya ay tatantanan na siya ni Cassian pero nanatili pa rin itong nakasunod sa kaniya. Marahil gusto nitong matiyak na makakauwi siya ng ligtas.
Ang tahimik ng paligid. Kanina pa hindi nagsasalita si Cassian. Siguradong masama parin ang loob nito dahil sa ginawa niyang pagsigaw kanina. Ang kulit naman kasi ng binata. Sinabi na nga niya na kailangan niyang mahanap si Ohru pero talagang pinipigilan siya nitong gawin iyon.
Although alam naman niya ang point nito pero hindi kasi nito alam kung bakit niya iyon kailangang gawin.
Ayaw niya naman kasing sabihin kung bakit kaya paano nga naman nito maiintindihan...
Ewan...
Pagdating sa bahay ng mga Forsyth ay muli siyang dumaan sa likuran kung nasaan ang garden. Talagang pumasok rin sa gate si Cassian. Pagdating sa ibaba ng kwarto niya ay tumingala siya sa may balkonahe. Naroon pa rin ang taling iniwan niya. Iyong mga sapin ng kama na pinagdugtong niya at ginawang lubid.
Nang makita iyon ni Cassian at napailing na lang ito at nakataas ang kilay na tumingin sa gawi niya. “Tumakas ka lang ba ha?”
“Ah, ano. M-may nangyari lang kasi.”
Muli namang tumingala sa ikalawang palapag ng bahay si Cassian. Tila kinikilatis nito ang daraanan niya para makabalik sa kwarto ng walang nakakaalam. “Sabihin mo nga. Paano ka babalik sa silid mo?”
Parang binatukan ng katangahan si Alecxie nang marinig ang naging tanong ng binata. Paano nga naman kasi siya babalik sa kwarto niya? Madali lang ang bumaba doon sa ginawa niyang tali, pero ang umakyat? Hindi niya iyon naisip.
Mukhang mayayari pa siya sa ama ni Seren. Kapag nahuli siya nito ay siguradong mapapahamak siya.
Nagulat na lang si Alecxie nang abutin ni Cassian ang tali na nakaladlad at binuhol ang dulo niyon. Kapagdaka'y sumampa ito roon at ito ang umakyat sa balkonahe. Mabilis itong nakasampa sa mataas na harang ng balkonahe, dahil na rin siguro napaka athletic ng pangangatawan nito.
Nang makarating ito sa itaas ay sandali itong pumasok sa kwarto niya at kumuha ng isa pang tela na itinali nito sa bewang, habang ang kabilang dulo ay doon sa makapal na harang ng balkonahe. Pagkatapos ay muli nitong ibinaba ang ginawa niyang pantakas. Tsaka nito iniunat ang kamay sa kaniya.
Mukhang gusto nitong tulungan siya na umakyat.
Hindi niya alam na napaka maalalahanin pala nito. Talagang nakapag-isip kaagad ito ng gagawin para lang matulungan siya.
“Halika na,” aya na ni Cassian.
Dali-dali niya niya naman itong sinunod. Ipinatong niya ang mga paa niya sa nakabuhol na dulo ng lubid at ikinapit ang isang kamay doon. Habang ang isang kamay ay pilit na inabot ang kamay ni Cassian na nakaunat.
Nang mahawakan ng binata ang kamay niya ay sinimulan siya nitong hilahin paitas gamit ang buong lakas nito. Ilang segundo lang ay naka sampa na siya sa may balkonahe.
Habang inaayos niya ang sarili ay tinatanggal na ni Cassian ang itinali nito sa bewang. Nang maalis iyon sa katawan ay ibinigay nito iyon sa dalaga, kasabay ng pagpapaalam nito.
“Magpahinga ka na.”
“Salamat sa pagsama mo sa'kin. Salamat rin sa tulong mo. Kung hindi ka dumating, hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa akin. Hinding-hindi ko iyon makalimutan, Cassian.”
Tipid na ngiti lang ang naging tugon dito ni Cassian. Siguradong masama pa rin ang loob nito. Wala naman siyang magawa para alisin iyon. Aminado siyang naging harsh siya kanina. Hindi niya tuloy alam kung paano babawi dito.
Wala ng ibang sinabi si Cassian. Basta na lang itong bumaba sa balkonahe. Hinatid niya pa ito ng tingin. Ito na ang naglagay ng kandado sa maliit na gate kung saan sila dumaan.
Habang pinagmamasdan ang papalayong binata ay bigla na lang nakaramdam ng kakaibang lungkot si Alecxie.
Ang mga mata kasi ni Cassian... Habang nakatingin ito sa kaniya kanina ay parang nagmamakaawa ang mga mata nito. Kahit parang nasasaktan ito sa mga nangyayari ay pinili pa rin nitong manatili sa tabi niya.
Ang akala niya sa mga pelikula niya lang makikita ang ganoong itsura ng lalaki kapag nasasaktan pero kanina. Ramdam niyang totoo ang pinapakitang emosyon ng binata.
Nakakaawa ito. Sa kabilang banda ay nakakabilib na rin.
Para sa isang lalaki ay malakas ang paninindigan nito na protektahan siya.
Kung nasa totoong mundo lang sila at totoo itong tao. Paniguradong bibigyan niya ito ng pagkakataon.
Kamuntikan na niyang pulitin sa sahig ang puso niya dahil sa pagkagulat nang may kumatok sa kaniyang pintuan. Dali-daling kumilos si Alecxie. Iyong lubid na ginawa niya ay dinala niya at hinagis sa kama. Bahagya niya pa iyong inayos bago lumapit sa may pintuan.
Tumigil na ang katok. Narinig niyang may nag-uusap sa kabila ng pintuan kaya naman marahan niyang idinikit ang tainga niya para mapakinggan iyon.
“Sigurado ka bang nariyan lang siya sa loob?” tanong ng ama ni Seren sa bantay na nakatayo sa gilid ng pintuan.
Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang galit pa rin ito dahil sa tinig nitong may diin.
“Opo sir Sabino. Hindi po siya lumalabas riyan. Hindi po kami umaalis dito sa mga pwesto namin.”
Talagang tinitiyak nitong hindi niya masusundan si Ohru. Kung alam lang nito ang mga pinaggagawa niya para magawa iyon.
Walang ganang umalis sa pintuan si Alecxie. Tumungo na siya sa kama at inihiga ang pagod na katawan.
Ang dami ring nangyari ngayong gabi. Ipinagpapasalamat niyang hindi natuloy ang masamang balak sa kaniya ng mga lalaki kanina. Salamat dahil nakita siya ni Cassian.
Si Cassian. Bakit hindi na lang kasi ito ang naging soulmate niya. Masaya sana kung makikita niya rin ito sa totoong mundo kapag bumalik na siya.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...