CHAPTER 56: I Will Fight

2K 62 4
                                    

“Maraming salamat, Cassian. Nag enjoy ako, ngayong gabi.”

Nagulat na lang si Alecxie nang hagkan ni Cassian ang noo niya. Nakatayo na sila sa harapan ng silid niya. Mabuti na lang at walang tao sa paligid, dahil tiyak na pagkakaguluhan sila ng mga tsismosa kung may makakakita sa kanila.

“Masaya ako dahil masaya ka, Milady. Sige na pumasok ka na sa loob para makapagpahinga ka na.”


Lumayo na si Cassian. Ngumiti pa ito bago tumalikod. Hinatid niya ito ng tingin. Hindi pa ito nakakalayo nang maisipan niya itong tanungin.

“Magkikita ba tayo bukas?”

Sandaling napatigil sa paglalakad si Cassian. Ilang metro na ang layo nito sa kaniya at madilim sa gawing tinatayuan nito kaya hindi niya makita ang mukha nito.

Humarap ito sa gawi niya. She can only see his eyes. Dahil iyon lang ang tinatamaan ng kaunting liwanag na nagmumula sa labas bintana ng hallway.

She was not sure but his eyes were different from earlier. Parang may luhang tutulo mula sa mga mata nito.

“Cassian...” she can't help herself but to feel worried.

May hindi ba ito sinasabi sa kaniya? Why does he look so sad? Ayos naman ito kanina.

“Mahal na mahal kita Milady. Matulog ka ng mahimbing.”

After saying those words, Cassian turns around and continues walking.

Hindi nito sinagot ang tanong niya. She can feel something was odd. Hindi niya lang mapaipaliwanag kung ano iyon.

Nahawakan niya ang sariling dibdib dahil sa pag-iisip ng kung ano.

Dapat na ba siyang mabahala?

ᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐ

“Alagaan mong mabuti si Cass ha. Ikaw na ang bahala sa kaniya, Mattie.” Stefan tapped her shoulder.

“Cass?” tanong ni Mattie sabay tingin sa bitbit na goldfish.

Cass ang ipinangalan nito sa isda? Cass as in Prince Cassian?

Aba't loko 'to ah. Idadamay pa siya kalokohan.

“Oo. Bagay naman diba? Cass for Cass the fish. Tsk! Teka, parang trip ko mag-alaga ng pusa ah. Tapos papangalanan ko ng Cassian.” Stefan laugh.

He laughed?

Mukhang masaya ito. Ilang linggo na niya itong nakakasama pero halos hindi ito ngumingiti. Pero ngayong gabi... Mukhang may nagbago dito. Siguro nagsimula na itong maging komportable sa kanila.

That's good.

“Ayoko.” tutol ni Mattie.

Kumunot naman ang noo ni Stefan dahil sa sinabi niya. “Ayaw mo ng ano?”

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon