Marahan kong iniangat ang kamay ko na may hawak na pana. Itinapat ko iyon sa bilog na kahoy na nakalagay sa hindi kalayuan. Tapos bumuga ako ng hangin bago pinakawalan ang palaso.
Everyone was quiet. Kahit si Cassian na nasa malapit ay parang nanonood ng isang horror na pelikula at titig na titig lang sa harapan.
Pagkatapos kong pakawalan ang unang palaso ay muli akong naglagay ng isa at itinutok ulit iyon sa target ko.
Tatlong tira ang ginawa ko bago ibinaba ang panang hawak ko. Ipinatong ko iyon sa lamesang nasa malapit sa akin at tsaka ako lumakad patungo sa gawi ni Cassian na nakaupo sa ilalim ng maliit na kubong walang harang maliban sa mga poste.
“Ano? Handa ka na bang matalo ha?” pagyayabang ko kay Cassian.
Ngumiti lang siya. Sinenyasan na niya ang tauhan na kunin ang bagay na ginawa naming target. Pagbalik nito ay dala na nga nito ang board na may mga linyang bilog na paliit ng paliit.
“Congratulations po Kamahalan. Mas mataas po ang nakuha ninyong puntos, kaysa kay Lady Seren.”
Napakingisi si Cassian nang marinig iyon. Habang ako ay hindi makapaniwalang inagaw sa tagasilbi ang hawak niya at inexamine ko iyon. Ang asul na palaso ay kay Cassian habang ang kulay pula naman ay sa akin.
Lahat ng tatlong palaso ni Cassian ay nasa pinaka gitna nakabaon. Iyong akin naman ay iyong dalawa lang ang nasa gitna, habang iyong isa ay nakatapat sa eksaktong guhit bago dumating sa gitna.
Malas!
“Pero gusto ko pa ring sumamang mag hunt.” reklamo ko kaagad.
“We have a deal, Seren.” Natatawang kinuha ni Cassian ang hawak kong target board at tiningnan rin ang naging resulta ng aming paglalaban. Halata sa mukha niya ang pagkamangha nang makita niya ang naging posisyon ng mga palaso ko.
Ganoon na ganoon din ang naging reaksiyon ni Argus noon.
“You really know how to use a bow huh...” he complimented me.
“Pero talo pa rin.” Naka-pout kong sagot sabay upo sa upuan na para sa akin.
Natatawang ginulo ni Cassian ang buhok ko.
Mayamaya ay may tumayo sa harapan namin ni Cassian kaya umangat ang tingin ko. To my surprise, I saw Margareth. Salitan kami nitong tinapunan ng tingin ni Cassian.
“May I talk to you, your Majesty.” ani Margareth habang nakatingin kay Cassian.
Tumayo si Cassian. He kissed my forehead and whispered in my ear. “Mamaya ko na sasabihin ang wish ko. See you later.”
Nakita kong umikot ang eyeball ni Margareth dahil sa ginawa ni Cassian. Halatang asar na asar ito dahil nagagawa ni Cassian na gawin ang bagay iyon sa harapan niya.
ᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐ
Pagkatapos ng naging pag-uusap nina Cassian at Margareth ay hindi ko na ulit nakita pa si Cassian. Ang sabi'y may inaasikaso daw ito na mahalagang bagay kaya hindi muna makabibisita. Medyo na mi-miss ko tuloy ang presensiya niya.
Ganoon siguro talaga kapag unti-unti ka ng nagsasanay sa presensiya ng isang tao. Saglit mo lang itong hindi makita ay hinahanap-hanap mo kaagad. Hanggang sa dumating na ang araw ng pa welcome party ni Margareth ay hindi pa rin ito nakabibisita. Parang wala tuloy akong gana na magpunta. Gusto ko pa sana ng support mula sa kaniya.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...