CHAPTER 31: Knight

3.2K 99 1
                                    

“Maawa na kayo. Bitawan ninyo ako. Saan ninyo ba ako dadalhin?”

Nagsimula ng umiyak si Alecxie. Kahit anong gawin niyang pagpalag sa tatlong lalaki na humihila sa kaniya ay wala siyang magawa para labanan ang mga ito. Ngayon masasabi niya na isa lang talaga siyang mahinang babae.

At ang isipin na posibleng may mangyaring masama sa kaniya ay nagdudulot ng kakaibang takot sa kaniya. Ni hindi na nga siya makapag-isip ng maayos dahil sa takot. Nanginginig na rin ang buo niyang katawan at kahit ano pa ang gawin niya ay hindi niya mapatigil iyon.

“Saan ninyo ako dadalhin? Pakiusap huwag ninyong gawin ito. Pakiusap.” Napahagulgol na ng iyak si Alecxie.

Nauubusan na siya ng pag-asa lalo pa't palayo na sila ng palayo sa pamilihin. Wala man lang nakapansin sa ginagawa ng tatlo sa kaniya dahil busy ang mga tao sa kani-kaniyang pinagkakaabalahan.

Umaasa na lang siya na mapapadpad sa lugar na iyon si Ohru. Sana ay maabutan siya nito at mailigtas.

Ohru, nasaan ka na bang lalaki ka? Nandito ako para sa'yo kaya sana naman dumating ka para sa akin.

“Huwag kang mag-alala miss. Hindi ka naman sasaktan e. Paliligayahin ka pa nga namin.”

Umiling-iling si Alecxie. Nakakikilabot ang mga salitang iyon na narinig niya kaya naman pilit niyang nilalabanan ang sariling takot. Kapag nadala siya ng mga lalaki sa lugar na pagdadalhan sa kaniya ay tiyak na magiging katapusan niya na talaga kaya naman sinimulan niyang lakasan ang ginagawang pagpalag.

Pinaghahagis niya ang mga paa sa ere. Ang mga kamay niya ay pinilit niyang hilahin at nagpakislot-kislot siya na parang isda na inalis sa tubig.

Hindi pwedeng basta na lang siya sumuko lalo pa't alam niya ang kababuyan na iniisip gawin sa kaniya ng tatlong lalaki.

Kaya lang. Dahil sa ginawa niya ay isang malakas na suntok sa sikmura ang ginawa ng isa sa kanila na kusang nagpatigil sa kaniya. Iyong natitira niyang lakas ay bigla na lang naglaho nang maramdaman niya ang kakaibang sakit na dulot ng pagkakasuntok sa kaniya.

Imbes makaramdam ng pag-aalala ay nagtawanan pa ang dalawa na patuloy lang sa paghila sa kaniya.

Mga wala silang puso.

Nanghihinang napayuko si Alecxie. Nauubusan na siya ng pag-asa. Lumalabo na ang paningin niya kaya naman gusto niyang ipikit na lang sana ang mga mata. Baka sakali na paggising niya ay matuklasan niya sa isa lang masamang panaginip ang nangyari.

“Sino ka? Wala kang kinalaman dito kaya naman tumabi ka!”

Nagulat na lang si Alecxie nang bitawan siya ng dalawang lalaki na may hawak sa kaniya. Dahil doon ay bigla siyang napadilat. Iyon nga lang, dahil nanghihina ay napaupo siya sa lupang kalsada.

Pinilit niyang iangat ang tingin at tingnan ang paligid. Hanggang sa makita niya ang dahilan ng pagkakatigil nila. Isang lalaki pala ang humarang sa daraanan nila. Madilim na sa gawing iyon kaya hindi niya makita ang mukha ng lalaki. Pero iyong hawak nitong dagger na bahagyang kumikislap ay hindi nakaligtas sa paningin niya.

He must be my knight in shining armor. My prince charming in this novel.

Tamang-tama lang kasi ang pagdating nito.

Walang pasabi na tumakbo patungo sa gawi nila ang lalaking bagong dating. Parang galit na galit ito sa tatlo. Iyong pag-unday nito ng saksak ay parang sinasadya nitong babawan pero dinadamihan niya upang maramdaman ng tatlo ang sakit na dulot niyon.

Maliksing kumilos ang kaniyang tagapagligtas. Parang sanay na sanay ito sa ginagawa. Para itong totoong knight. Halata na sanay itong makipaglaban dahil sa pamamaran na ginawa nitong upang makalamang sa tatlo nitong kalaban.

Puro impit na sigaw ang mga sunod na narinig ni Alecxie. Mula iyon sa tatlong lalaki na may masamang balak sa kaniya. Mabuti nga at hindi sila pinuruhan ng tagapagligtas niya at nagawa pa nilang maka-karipas ng takbo.

Pagkaalis ng tatlo ay tumingin sa gawi niya ang lalaki. Isinukbit nito ang dagger sa bewang kung saan may maliit itong lagayan, bago lumakad palapit sa kaniya. Pagtayo nito sa harapan ay tumingala siya para matitigan ang mukha nito. Doon niya napagtanto na kilala niya pala ito.

Si Cassian. Bigla niyang naalala na mahilig nga pala itong maglibot sa iba't ibang pamilihan para sa mga ganitong gawain. Ang magligtas na parang superhero. Isa sa katangian ng binata na hinahangaan niya.

“Ano bang ginagawa mo sa lugar na ito ng ganitong oras at nag-iisa ha? Paano na lang kung hindi kita nakita? Hindi ka ba nag-iisip?” sermon sa kaniya ng lalaki.

Ang pag-iisip na naroon ito ngayon at dumating para iligtas siya ay nagdulot sa kaniya ng kakaibang saya. At dahil sa tuwa ay napatayo si Alecxie.

May mga sinasabi pa si Cassian pero hindi niya na ito pinansin pa at sinalubong niya na ito ng yakap. Lahat ng pag-aalala na nararamdaman niya kanina lang ay bigla iyong naglaho dahil sa pagdating nito. Napaiyak pa siya dahil sa tuwa.

Ilang segundo rin ang lumipas bago niya maramdaman na hinahaplos na ng binata ang likod niya. Tila pinakakalma siya nito.

“Shhhh... Ayos na. Nandito na ako, Milady.” malambing na sambit ni Cassian. Kanina lang ay galit ang tono nito pero bigla na lang itong naging kalmado.

Hindi tuloy napigilang mapangiti ni Alecxie. Naisip niya kasi na nag-alala lang ito sa kaniya kaya ito nagnenermon. Siguro natakot rin ito. Kaya pala ganoon ang naging asta nito kanina. Talagang sinadya nitong pahirapan ang tatlo bago patakasin.

“Ano ba kasi ang ginagawa mo dito sa labas ng ganitong oras ha? Bakit mag-isa ka lang?” Pinahid ni Cassian ang mga luhang natira sa mukha niya at marahang hinaplos ang namumula niyang pisngi.

Nang marinig iyon ay biglang naalala ni Alecxie ang pakay niya roon. Si Ohru nga pala.

Agad niyang inayos ang sarili at pinagpagpag ang suot na damit sabay lingon sa gawi kung nasaan ang pamilihin.

“Si Ohru. Hinahanap ko si Ohru.” pag-amin niya.

Bigla na lang sumama ang hilatsa ng mukha ni Cassian nang marinig ang naging tugon niya. Malamang dahil iniisip nitong may relasyon sila ni Ohru. Pero wala na siyang oras para magpapaliwanag dito. Kailangan na niyang mahanap ang binata dahil baka napano na ito.

Kahit kagagaling niya lang sa isang masamang pangyayari ay pilit na ibinalik ni Alecxie ang nawala niyang lakas. Nagmamadali niyang tinalikuran si Cassian at tinahak ang daan patungo sa pamilihin kung nasaan siya kanina lang.

Galit naman siyang hinabol ni Cassian. Hinila nito ang kamay niya para patigilin siya sa paglalakad.

“Talaga bang lumabas ka ng mag-isa ng dahil sa lalaking iyon ha? Dito ba kayo palihim na nagtatagpo?”

Hindi alam ni Alecxie kung paano sasagutin ang tanong na iyon ni Cassian. Kanina lang ay pinabayaan niya itong mag-isip na may relasyon sila ni Ohru pero ngayon, parang gusto niyang itama ang lahat ng maling iniisip nito. Gusto niyang maging malinaw dito ang mga nangyayari pero alam niya naman na hindi iyon makatutulong sa magiging paghihiwalay ng mga landas nila kaya naman pinili niyang itikom na lang ang bibig niya.

Hindi niya naman obligasyon na sagutin ang mga tanong nito.

Oo at nagpapasalamat siya sa ginawa nito pero ayaw niyang maguluhan lang ito kapag may sinasabi siyang kontra sa pinaniniwalaan nito ngayon.

Basta. Babawi na lang siya sa pagliligtas nito sa kaniya. Pero hindi sa paraan na ipaliliwanag niya ang totoo dahil tiyak na mas maguguluhan lang ito. Baka nga mag-iba pa ang tingin nito sa kaniya at isipin na nasisiraan na siya.

Mahirap na.

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon